GLOBALPINOY

Tahanan ng Globalpinoy


Gabay Sa Pagkilos


Mga Kasapi


Discount Para Pinoy


Globalpinoys


Ugnayang Globalpinoy


Hatid-Sundo sa Airport


Regalo Express


Paano Sumali


Pinoy Trivia


Accreditation





Globalpinoy

 

 

         "WE BELIEVE that in the best Filipino tradition of helping others help themselves, now is the time to join with other countries in a historic pact for compassion and justice to help the poorest people of the world overcome extreme poverty. WE RECOGNIZE that a pact including such measures as fair trade, debt relief, fighting corruption and directing additional resources for basic needs – education, health, clean water, food, shelter, and care for orphans – would transform the futures and hopes of an entire generation in the poorest countries, at a cost equal to just one percent more of the national budget. WE COMMIT ourselves - one person, one voice, one vote at a time - to make a better, safer world for all."

 

          There maybe little that one person can do, if he chooses to help others. But if all these simple, little acts of service can be somewhat combined, together it might spell a big difference in other people's lives.

          We do not propose to do mighty things, that might just end up as mere proposals until the very end. Instead, we propose to keep on helping others through little things... and yet by combining our small resources through simple and doable programs.

          The avenues of small yet meaningful service are boundless. We have consolidated some of them into a variety of "people helping people" modules, from which good hearted individuals, families, clubs or organizations both here in the country and abroad, may choose and decide to make some donations. Pooling these contributions together, collating and consolidating them, puts us in a position to do meaningful interventions in people's lives. We may do this to deserving individu
als or to families, even to entire communities or barangays.


Ang Ulirang Pilipino
By: Boogie Boydon - Ang Bagong Pinoy

What is a model Pinoy?

1. The model Pinoy is one who loves God but is not fatalistic. He/she believes in a Divine and Supreme Being that governs his/her life but appreciates that God always desires what is best for him/her, and that it can only come into fruition by continuously bringing himself/herself to a higher level of spiritual communion with God.

Ang ulirang Pilipino ay may pagmamahal sa Diyos subali't hindi niya hinahayaang ang kanyang kinabukasan ay mapasalalay na lamang ng lubusan sa kanyang kapalaran. Siya ay naniniwala sa isang makapangyarihang Maykapal na pinamamahalaan ang kanyang buhay nguni't kinikilala din niya na laging hangad ng Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa kanya at ito ay maisasakatuparan lamang kung patuloy niyang dadalhin ang kanyang sarili sa pataas nang pataas na antas ng pakikipagtalastasan at pakikipagniig sa Diyos.

2. The model Pinoy is one who has a deep sense of national pride. This reflects in the way that he/she conducts his/her life by always placing national interest and the welfare of the nation above his/her own personal interests. It also reflects in the way that he/she projects the image of our country to other people, specially to foreigners, by highlighting our strengths and avoiding making a mockery of our weaknesses.

Ang ulirang Pilipino ay may malalim na pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanyang pagiging Pilipino. Ito ay nakikita sa paglalagay niya sa kapakanan ng bansa at kabutihan ng bayan ng higit sa kanyang mga pansariling interes. Ito rin ay mababanaag sa kanyang pagbibigay ng magandang imahen ng bansa sa ibang tao, lalo na sa mga dayuhan, sa pamamagitan ng pagpapalutang ng ating mga kalakasan bilang isang lahi at pag-iwas sa pagkutya o kaya's maging daan ng pagkutya ng ating mga kahinaan.

3. The model Pinoy is a person of integrity, who governs his/her life with strict moral and ethical discipline. He/she places a premium on honesty and always chooses the high moral ground in dealing with ethical dilemmas. He/she does not circumvent the laws of the land if it is against his moral precepts, even if the law allows him/her to do so.

Ang ulirang Pilipino ay isang taong may integridad at pinamamahalaan niya ang kanyang buhay nang may mahigpit na pagsunod sa disiplinang itinatalaga ng mataas na antas ng moralidad. Binibigyan niya ng mataas na pagpapahalaga ang katapatan at katotohanan at palagian niyang pinipili ang mataas na antas ng moralidad kapag siya ay nahaharap sa mga pagkakataong sumusubok sa kanyang pagpili sa pagitan ng tama at mali. Hindi siya gumagawa ng paraan upang iwasan ang pagpapatupad ng batas kung ito ay lumalabag sa kanyang prinsipiyo ng moralidad, kahit na sa mga pagkakataong ang batas mismo ang nagbibigay sa kanya ng kaparaanang gawin ito.

4. The model Pinoy has a passion for excellence, shuns mediocrity and is constantly striving to improve his/her personal condition. He/she values education and pursues life-long learning. He/she is not content with just putting in a day's work but can be relied on to put in an extra mile when required by circumstances to do so.

Ang ulirang Pilipino ay may marubdob na pagnanasang magamit ang kanyang kakayahan sa pinakamagaling na paraan at patuloy niyang hinahangad na mapabuti ang kanyang kalagayan. Pinahahalagahan niya ang edukasyon at karunungan, at panghabang-buhay na paglilinang ng kaalaman. Hindi siya kontento na makapagbigay lamang ng isang araw na trabaho bagkus ay maasahan siyang magbigay ng karagdagang sikap kapag hinihingi ng pagkakataon.

5. The model Pinoy has a social conscience. He/she does things for the good of society and not just for the good of the individual. He/she demonstrates respect in all his/her dealings with other people. He/she values the welfare of his/her family well above his/her own personal needs and extends this virtue of selflessness to others as well. He/she shows genuine concern and compassion for the plight of his/her neighbors and is always ready to act to help improve their condition. He demonstrates charity towards his/her fellow person but does this towards helping the other person help himself/herself.

Ang ulirang Pilipino ay may konsiyensiyang panlipunan. Ang kanyang kilos ay nakatuon sa ikabubuti ng mas nakararami at hindi ng kabutihan lamang ng isa o ng iilan. Nagpapakita siya ng paggalang sa kanyang pakikitungo sa ibang tao. Pinahahalagahan niya ang kabutihan ng kanyang pamilya higit sa sarili niyang mga pangangailangan at ibinibigay ang walang-pagiimbot na pakikitungong ito maging sa ibang tao na rin. Mayroon siyang tunay na paga-alala at pakikiisa sa kalagayan ng kanyang kapwa at siya'y laging handa na kumilos para mapabuti ang kanilang kalagayan. Siya ay may pagmamalasakit sa kanyang kapwa tao ngunit ginagawa nya ito upang ang kanyang kapwa ay matulungang tulungan ang kanyang sarili.

6. The model Pinoy has a global perspective. He/she appreciates the realities of our "shrinking world" amidst the onslaught of globalization and learns to strike an appropriate balance between love of country and global cooperation.

Ang ulirang Pilipino ay may pang-mundong pananaw. Nauunawaan niya ang implikasyon ng mga makabagong teknolohiya at kalakaran ng mundo na nagpapamistulang "lumiliit ang mundo" sa harap ng nangyayaring globalisasyon at sinisikap niyang magkaroon ng tamang paninimbang sa pagitan ng pagmamahal sa bayan at pang-mundong kooperasyon.

7. The model Filipino is a critical thinker and a student of logic. He/she is not led by rumors or word of mouth without concrete evidences. He/she forms his own well-educated opinions and is not afraid of expressing these, with diplomacy, to anyone, anywhere and anytime.

Ang ulirang Pinoy ay kritikal mag-isip at estudyante nang lohika. Hindi siya nagpapadala sa mga sabi-sabi o haka-haka nang walang konkretong ebidensya. May sarili siyang matalinong pananaw at hindi siya natatakot na ipahayag ang mga ito nang may diplomasya kaninoman, saanman o kailanman.

Gabay sa Pagkilos ng Globalpinoy:


Pagkakaisa at Kooperasyon
Tayo ay nabibilang sa mas malaking lipunan na kung saan ang kabutihan ng isa ay kasing halaga ng kabutihan ng lahat. Dapat tayong magsama-sama at gamitin ang ating mga kaalaman, talino at kakayahan na mapaglingkuran ang iisang layunin, sapagkat sa pagtutulungan maaring matamo ang tagumpay.

Kagalingang Panlipunan at Karapatang Pantao
Itaguyod sa lahat ng oras ang pagkakapantay-pantay sa batas. Marapat na ipagtanggol ang karapatang pantao upang makamit ang tunay na kapayapaan.

Disiplina at Sariling Sikap
Ang bawat tao ay may tungkulin na pag-ibayuhin ang sariling kakayahan na kaloob ng Maykapal at upang maisakatuparan ito ay kailangan ng disiplina na maghuhubog sa bawat kasapi upang maging isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na bahagi ng lipunan.

Kapangyarihan para sa Mamamayan
Upang makamit ang tunay na diwa ng demokrasya ay dapat itaguyod ang pwersa ng mga mamayan. Ang mga mamamayan ay dapat mabigyan ng pagkakataon na makapagpatupad at magsagawa ng sariling programa at proyekto.

Pagkamakabayan
Ang bawat Pilipino ay sadyang makabayan. Tungkulin ng bawat mamamayan na tumulong at kumilos tungo sa pangangalaga at proteksyon ng kapakanang pambansa.

 

Home Office : No. 6 Bayanihan Drive, Project 8, Quezon City 1106, Philippines

Hosted by www.Geocities.ws

1