caution signP.H.A.T.MAMA
The Official Website of The Kookie Buhain
beavis and butthead daria calvin and hobbes

ALAM NIYO BA?

Ang dengue ay unang lumaganap noong mga taong 1779-1780 sa Asya, Aprika at Hilagang Amerika. Nang mga panahong ito, ang dengue ay hindi pa nakakamamatay. Ngunit matapos ang World War II ay nagkaroon ng malawakang epidemiya ng dengue sa mundo. Unang lumaganap ang Dengue Hemorrhagic Fever sa Timog-Silangang Asya noong mga taong 1950 ngunit sa pagdating ng 1975 ay naging isa sa mga pangunahing sanhi na ang dengue sa pagpapa-ospital at pagkamatay ng maraming mga bata sa iba't-ibang bansa.

AYON SA STATISTIKA . . . 356,554

Noong taong 1998, nagkaroon ng malawakang dengue epedemik na sumakop sa buong rehiyon ng Kanlurang Pasipiko. Umabot sa 356,554 ang bilang ng mga tao na nagkaroon ng dengue. Ang CFR (case-fatality rate) ng taong ito ay .41%. Ang ibig sabihin nito ay mga 1,462 mula sa 356,554 ang bilang ng mga taong namatay dahil sa dengue. Noong 1999 ay 64, 066 na lamang ang bilang mga biktima ng dengue. 109 mula sa nabanggit na bilang ang nasawi dahil sa dengue. Sa mga sumunod na taon, bumaba ang bilang ng mga biktima ng dengue ngunit may mga ibang bansa pa rin mula taong 1999-2000 ang mayroong CFR na higit pa sa 1%. Ito ay sanhi ng mabagal na pagpapasok sa ospital ng mga may sakit na dengue.

SA PILIPINAS NAMAN �

Ang taong 1998 ang may pinakamataas na bilang nga mga taong nagkaroon ng dengue. 514 mula sa bilang ng 35,648 ang namatay dahil sa pamosong dengue. Mabuti na lamang at bumaba ang bilang ng mga nagkasakit sa mga sumunod na taon. Ang pagbaba ng bilang ng mga nagka-dengue matapos ang 1998 ay maaaring dulot ng pagkamulat ng mga Pilipino sa sakit na ito ngunit nakakalungkot na medyo marami pa rin ang bilang ng mga namamatay dahil sa dengue. Sa taong 2001 (Hulyo), 7,697 na ang nagkaroon ng dengue at 67 katao mula sa bilang na ito ang namatay. Sa katapusan ng taon ay maaaring tumaas pa ang bilang na nabanggit.

Mula sa ilustrasyon sa kanan ay makikita natin na ang dengue ay endemic na sa buong Pilipinas. Ibig sabihin nito ay ang arbovirus at ang Aedes aegypti ay natural na nananatili sa lahat ng parte ng ating bansa. Hindi tayo ligtas sa dengue. Mula Luzon hanggang Mindanao at Tawi-Tawi ay may biktima ng dengue. Hindi ito nakapagtataka sapagkat talagang mainit ang klima sa Pilipinas at mahaba ang panahon ng tag-ulan. Madalas pa ang pagbabaha sa ating bansa.

ANU-ANO ANG MGA PAMAMARAAN UPANG MAIWASAN ANG DENGUE?

Wala talagang payak na paraan upang magamot ang dengue. Mainam na magpahinga nang mabuti at uminom ng maraming tubig and taong may sakit na dengue.
Ang mga pasyenteng may DHR ay kadalasang ginagamot sa pamamagitan ng panunumbalik ng nawalang tubig sa kanilang katawan. Ang ibang mga pasyenteng may DHR naman ay sinasalinan ng dugo upang mapunan ang pagbaba ng daloy ng kanilang dugo.
Ang dengue fever ay hindi biro. Marami na ang mga namatay dahil sa sakit na ito. Ang patuloy na paglaganap nito ay dulot na rin ng ating maruming kapaligiran at kakulangan sa mga pamamaraan ng pagkontrol sa dami ng mga lamok. Mabuting sundin natin ang mga pamamaraan o prevention tips upang maiiwasan ang dengue. Sabi nga nila, "An ounce of prevention is worth a pound of cure".

Upang maiwasan ang dengue:
  • Tanggalin lahat ng mga kagamitan na maaaring pagmugaran ng mga lamok tulad ng mga lumang gulong, mga lata, mga bote at mga paso.
  • Takpan lahat ng mga lalagyan ng tubig upang maiwasan ang pangingitlog ng mga lamok dito.
  • Linisin ang mga gutter ng bubong upang matanggal ang mga naipong tubig na dulot na pag-ulan.
  • Laging palitan ng malinis na tubig ang mga vase.
  • Huwag hayaang mabara ang mga estero.
  • Linising mabuti ang kapaligiran.
  • Maglagay ng mosquito repellant at kung maaari ay magsuot ng mga long-sleeved na mga damit.
  • Kapag matutulog tayo ay maglagay tayo ng kulambo.



go back to page 1
How to make a Starbucks Frappuccino


dengue victim







World Distribution Map of Dengue






No to Dengue Logo<




Patayin ang mga lamok!

  Home   About Me     My Articles     Gallery     Site Links      Site Map     Guestbook
peace sign Copyright © 2002
Kathleen May Buhain
U.P. Diliman
e-mail: [email protected]
back to top
Hosted by www.Geocities.ws

1