The Official Website of The Kookie Buhain |
Pesteng Lamok Ito A! Noong taong 1998 ay umabot sa 356, 554 and bilang ng mga tao na nagkaroon ng dengue sa buong Kanlurang Pasipiko. Sa Pilipinas naman ay umabot sa 35, 648 ang dami ng mga taong nakakuha ng dengue at 514 sa bilang na ito ang namatay dahil sa mapangwasak na sakit na ito. Taon-taun na lamang ay may nababalitaan tayong mga nasasawi dahil sa dengue at kadalasang mga bikitima pa ng sakit na ito ay mga batang wala man lamang laban. Mapangutya ang katotohanan sapagkat ang akala mo na maliit na kagat ng lamok lamang ay daan na pala patungo sa iyong kamatayan. ANO BA TALAGA ANG DENGUE? Ang dengue ay isang sakit na dulot ng arbovirus (arthropod-borne virus), isang bayrus na dala-dala ng mga lamok na tinatawag na Aedes aegypti. Ang dengue ay madalas na lumalaganap sa mga parte ng mundo na may mainit na klima tulad ng Africa, Asya, Pasipiko at Australia. Ang dengue ay naipapasa lamang sa ibang tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Ang vayrus na dala-dala ng Ae. aegypti ay mabilis na tumutungo sa iba't-ibang parte ng katawan at dumadaloy sa daanan ng dugo ng tao. Ang presensiya ng arbovirus sa dugo ng tao ay nagdudulot ng pamamaga at pagkasira ng mga blood vessels. Ang ibang parte ng katawan ay lumalaki katulad ng mga lymph nodes at ang mga tisyu naman sa atay ay namamatay. ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG DENGUE?
DENGUE HEMORRHAGIC FEVER (DHR) Ang Dengue Hemorrhagic Fever ay masmalalang uri ng dengue at ito ay nakamamatay. Ang kadalasang sintomas ng sakit na ito ay ang pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, pananakit ng mga mata, pagdurugo ng ilong at gilagid, pagkakaroon ng petechiae sa katawan, pagsusuka (na ang kadlasang itsura ng suka ay tulad ng durog na kape), at pagtatae (na kadalasan ay sobrang itim ng kulay at may dugo). Ang pagsusuka ng dugo ay isang senyales na nagdudugo na ang tiyan ng may sakit. Ang pamamaga at pagkawasak ng mga blood vessels ay nakakabawas sa daloy ng dugo. Ang pagbaba ng daloy ng dugo ay tinatawag na shock. Ang DHR ay tinatawag din na Dengue Shock Syndrome. SI AEDES AEGYPTI AT SI AEDES ALBOPICTUS Ang Aedes aegypti at ang Aedes albopictus (nasa kanan) ay ang dalawang uri ng lamok na nagdadala ng dengue at DHF. Ang mga lamok na ito ay nangangagat lamang sa umaga. Ang mga ito ay nanganganak sa mga lugar na may malilinaw na tubig tulad ng mga paso, lata at mga lumang gulong. Mayroong mga kulay puting marka sa katawan ang mga lamok na ito. Ang karaniwang biktima ng mga lamok na ito ay mga batang may edad na 10 pababa. Ngunit maaari ring magkaroon ng dengue ang mga sanggol at mga matatanda. Kapag panahon ng tag-ulan ay hindi gaanong aktibo ang mga lamok na ito at madalas silang namamahay sa loob ng mga bahay-bahay kung kaya't masmataas ang bilang mga taong nagkakaroon ng dengue tuwing tag-ulan. Page 2 | ![]() ![]() ![]() ![]()
|
Home About Me My Articles Gallery Site Links Site Map Guestbook |
| Copyright © 2002 Kathleen May Buhain U.P. Diliman back to top |