Philippine Daily Inquirer, Anumang panahon

Punong pahina

Kasaysayan
Impormasyong PDI
Balitaan
Tungkol sa amin
Unang pahina sa araw na ito

























































































































































































































































Kasaysayan

Ang kwento ay nagsimula noong si Eugenia Duran-Apostol ay gustong makagawa ng bagong babasahin dahil and dati niyang babasahin na "Woman Home Companion Magazine" ay nagsara. Sa tulong ng mga kaibigan na sumali bilang "stockholders," ginawa niya ang "Mr and Ms. Magazine" na nagbukas noong 1975 sa panahon ng panunungkulan ni Marcos. Nasa ikaw-walong taon na ang "Mr and Ms." nang mangyari ang pagpatay kay Ninoy Aquino sa Manila International Airport, galing sa kanyang pagkatapon sa Estados Unidos. Ang mga pahayagang kontrolado ng mga Marcoses ay hindi pinayagang gumawa ng ulat tungkol sa naturang pagpatay. Ito ay ikinagalit ni Eugenia Duran-Apostol at gumawa siya ng espesyal na labing-anim na pahina tungkol dito. Mabilis itong sumikat at lalong lumaki ang galit ng mga Pilipino sa mga Marcos. Isang araw, nadpasya silang gumawa ng lingguhang pahayagan bilang pagsubok. Ang pahayagang ito ay tinawag na "Philippine Unquirer" na hango sa "Philadelphia Inquirer." Pinondohan nila ito, nguniy nalugi sila ng may P900,000. Kahit nawalan sila ng may isang milyon, di sila sumuko at nagtagumpay sa paggawa nitong pang- araw-araw na pahayagan na nagsimula noong Disyembre 9, 1985. Pagkatapos, nagsimula na itong lumaki at sumikat. Nakayanan nila ang mga problema katulad ng "stock problems," ibang kompanya at ang gobyerno, hanggang napatalsik si Marcos dahil sa kanilang pagbabalita. Ngayon, Ang Philippine Daily Inquirer ay nasa ika-dalawampung taong paninilbihan sa bansa. Sabi ni Eugenia, ito ay isang malaking tagumpay. Ang hangarin niya na magkaroon ng isang "daily" ay nagkatotoo dahil sa kanyang tiyaga at sa tulong ng Diyos. Ang bayan na Itinayo ng Limbagan
Dalawampung taon na ang nakalipat ng magsimula ang pahayagang Inquirer. Wala pa itong sariling palimbagann noon kung kaya pinaghati-hati ang pah-imprenta sa maliliit na palimbagan. Ang ilang bahagi ng pahayagan ay ginawa sa Makati, ang iba ay sa Lungsod Quezon at ang natitirang bahagi naman sa Pasig. Ngayon ay mayroon na itong sariling palimbagan sa South Luzon Expressway, isang gusali na may iba-ibang kulay at may pangalan at logo na "Print Town." Ang paglimbag ay isa sa pinakamahirap na gawain sa pagbuo ng pahayagan at sa larangang ito ay mas kinikilala ang mamamahayag, hingi ang maglilimbag nito. Sa ngayon ay makikita sa "Print Town" na hindi na mahirap bumuo ng isang pahayagan dahil sa makabagong teknolohiya. Noong 1997, ang Print Town at Inquirer ay nagsanib at bumuo ng bagong kompanya, ang "Lexmedia Digital" na ang gawain ay isalin ang "film-based advertising" sa "digital." Malaki ang pagbabago sa paglimbag ng pahayagan 20 taon na ang nakakaraan. Nagsimula ang Inquirer sa maliliit na palimbagan noon. Ngayon naman ay makabago na ang pamamaraan ng paglimbsag satulong ng "Print Town" at makabagong teknolohiya. WEBSITE + TV = INQ7.NET
Noong taong 2000, napagtanto ng Philippine Daily Inquirer ang limitadong tradisyunal na website para sa balita lamang. Kinailangan nito ng tuloy-tuloy na paghahatid sa loob ng 24-oras ng pinakabagong balita kahalintulad ng pagpapalabas sa telebisyon buong maghapon at magdamag ang pangangalap at pagbibigay ng balita. Noon ay nakipagsanib ito sa GMA network Channel 7 para mabuo ang INQ7.net Ang online website na INQ7.net ay pinagsamang bago at mainit na balita ng mga programang nilalaman ng telebisyong Channel 7. Ang pinakauna nito ay ang pakikinig ng dzBB Radyo Balita at mga usapang inilalabas sa Channel 7. Ipinalabas dito ang mga kasalukuyang pangyayari, nagaganap at nabubuong balita. Ang mga maiinit na kuwentong balita ay napapadala at nababasa na rin sa text o SMS. Ang tagumpay ng proyektong ito ay nagbigay daan sa mga kababayan nating nasa ibayong dagat na mabasa at mapakniggan ang mga balita at mapanood ang kanilang paboritong palabas sa kanilang mga tahanan. Kaalinsabay nito ang pagpapalawak ng manonood sa mga manggagawa dito at sa ibayong dagat. Sa kabuuan, ang pinagsamang pagsisikap at pamama- hayag ng Inquirer at GMA 7 ay nagpagabo sa serbisyo publiko. Front Page Evolution
Habang nagbabago ang oras at balita, kasama nila ang "frontpages..." Note: Click thumbnails for larger picture.
4-10 Pebrero 1985


Galing sa lingu-lingguhang balita.

10 Pebrero 1986


Extra.

25 Pebrero 1986


Kasaysayang umuunlad.

29 Agosto 1987


Kudeta.

29 Setyembre 1989



18 Hulyo 1990


Habang ang malaking larawan ang nagsasabi, isang grapikong mapa ang nagbibiay ng kaalaman.

1 Hunyo 1991


Ipinahayag ang malaking balita sa pamamagitan ng larawan at grapika.

1993


19 Nobyembre 1994


Modernong teknolohiya ng kompyuter ang nag-aayos ng "layout."

13 Agosto 1996


Kinukuha ng "Infographic Overview" ang inyong atensyon sa mga detalye.

12 Hunyo 1998


Ang "Philippine Centennial ay nagdaos din ng unang pagsikat ng Philippine Daily Inquirer.

16 Hulyo 1998


Inquirer faces up to an ad boycott with

1 Enero 2000


"There's an Inquirer in your future."

20 Enero 2001


Extra goodbye.

20 Enero 2001


10 Pebrero 2004


Ang sining ng pulitika.

4 April 2005


"Front page elegy."

Hosted by www.Geocities.ws

1