PCAW Pilipino Edition
Setyembre 27, 2002


TUTULAN ANG �GYERA NG US LABAN SA TERORISMO�LABANAN ANG BANTANG GYERA NG US LABAN SA IRAQ!



"Gyera laban sa Terorismo", LUSUBIN ANG IRAQ!

Ito ang sigaw ng Gobyernong Bush. Sa halip na pakinggan ang mga apela sa kapayapaan, nagbandila ng karahasan at paghihiganti ang mga awtoridad Amerikano. �Terorista si Saddam, Banatan natin siya bago pa man siya sumalakay!�

Ito ang lohika nina RAMBush, ang makabagong Rambo, tulad ng isang cowboy, bumaril muna bago magimbestiga.  Maggyera muna bago makatwiran kung bakit tayo nakipaggyera!  

Sa Pilipinas, pumayag na ang gobyernong Arroyo na gamitin ng US ang Pilipinas upang dalhin ang gera laban sa bansang Iraq. Magiging "lunsaran" ng gerang mapalanalakay laban sa Iraq ang Pilipinas. Ito sa kabila ng katotohanang, may aabot sa 1.4 milyong Pilipino ang nasa Middle East at malalagay sa panganib dulot ng gyerang magaganap.

May pakinabang ba ang mga mamayan sa gyerang nais ilunsad ng Pamahalaang Bush laban sa Iraq?

Sino Ang Makikinabang sa "Gyera ng US laban sa Terorismo"?

Walang pakinabang ang mamamayang sa Gyerang plinaplano ng US. Sa halip sa lutasin ang mga problema sa ekonomya ng Amerika, pilit ibinabaling ng pangkating Bush-Chenney-Rumsfeld ang pansin ng daigdig at ng masang Amerikano laban sa Iraq.

Sa halip na lutasin ang problema na may higit sa apat na milyong walang trabaho na may pinakakaing aabot sa 11 milyong kapamilya nito, ang problema sa kawalan ng atensyong medikal ng higit sa 40% ng mamamayang Kano, nais ng pangkating Bush na digmain ang Iraq . Gusto nilang gumastos ng higit sa 65 bilyong dolyar upang magkamal ng tubo ang kanilang mga korporasyong may negosyong militar.

Kamakailan laman sa Los Angeles, isinara ng Department of Health ang may 11 ospital at klinika dahil sa wala raw perang ipantutustos dito. May pera para sa gyera, ngunit bakit walang pera para sa kapakanan ng daang libong nangangailangan ng paggamot sa Los Angeles? Apektado rito ang mga karaniwang Pilipino na pasyente ng mga naisarang klinika at ospital.   

Labanan ang Atake laban sa mga Migrante! Ipagtanggol ang mga demokratikong karapatan!

Ang may 11 milyong  walang dokumento mga migranteng na walang papel ay tinatarget ng malupit na diskriminasyon ang immigrant bashing. Mataposa ng 9/11 may 1,500 na mga �suspetsadong terorista� na karamihan ay mga Arabo at Muslim ang dinakip at kinulong. Hanggang ngayon iilan pa lamang sa kanila ang kinasuhan at marami na sa kanila ang ipinatapon. Waring ibinabalik nila ang panahon ng paniniil noon laban sa mga  Amerikanong-Hapones na ibinilanggo noong World War II. 

Target din ng pagpapatapon at tratong kriminal ng Absconder Plan ang may 316,000 migrante. Ang nalalabing 30% na "citizen� ng 28 milyong  migrante ay target din ng diskriminasyon at makalahing ekslusyon namumukod dito ang trato sa 11,000 beteranong Pilipino ng World War II na mga senior citizens.

Ang mga manggagawang migrante sa Amerika lalo na yaong mga walang papel ay nagtratrabaho sa marurumi, mahihirap at mapanganib ng  mga gawain na may mababang pasahod at walang tiyak na kasigurahang trabaho. Karamihan sa kanila ay mga caregivers o tagapag-alaga ng mga may-sakit o matatanda , tagalinis o katulong sa bahay o mga hotel at kainan o iba pang bahay kalakal. Sila ay nasa panganib ng pagkahuli, pagpapatapon o paniniktik ng INS at mga lokal na pulisya.

Ang mga migranteng naging American citizen naman na karaniwan ay mga propesyunal na  kawani sa gobyerno, manggagawa sa ospital o mga kawal ng sandatahang lakas ng Amerika at nasa iba'tibang propesyon ay di ligtas sa malakahing diskriminasyon. Sila rin ay target ng mga paninira, tuligsa at atake ng mga rasistang puti.

Kaya nga paparami ang mga batas na naglalayong idiskrimina ang mga Asyano kabilang ang mga Pilipino. Tulad ng batas na nagpatalsik ang mga migranteng Pilipino sa mga airport at ginawang mga American citizen lamang ang pwedeng matanggap sa trabahong ito. Ito ang dahilan kung bakit pinatalsik ang may 1,000 airport screeners sa San Francisco at iba pang airport na mga Pilipino.

Hanggang ngayon, limamput-anim  (56) na taon na ang lumipas, ayaw pa ring kilalanin ng Goberyong US ang may 11,000 Beteranong Pilipinong nasa US at ang may 64,000 nasa Pilipinas bilang mga  beterano. Ayaw silang bigyan ng makatwirang kompensasyon sa kanilang paglilingkod sa gyera ng US laban sa Hapon mula 1941-45.  Nabubuhay sila sa napakapobreng kalagayan sa kawanggawa at tulong ng kanilang mga Kababayan.

Ang masahol pa, tinatarget ngayon ng mga awtoridad ng US ang mga progresibong Pilipino-Amerikano na tumutuligsa sa mga progressibong organisasyon.  Tinatarget ng US at ng Gobyerno ng Pilipinas na �siraan, ikriminalisa at dakpin si Prof. Jose Ma. Sison, ang political consultant ng NDFP sa usapang pangkapayapaan na naglalagay sa panganib at peligro sa usapang pangkapayapaan sa Pilipinas.

Next Page
Back to Main Page
Hosted by www.Geocities.ws

1