Dahil sa malawak at walang tiyak na mga  pahayag na ito maaring matatakan na mga "teroristang organisasyon o indibidwal" ang sinumang nais nilang bansagan ng ganito.Tira-bulag ang tawag sa atakeng ito laban sa mga demokratikong organisasyon at indibidwal sa Amerika at ibang bahagi ng mundo. Waring binabalik ang panggigipit na naranasan ng mga Anti-Marcos na mga pwersa noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas.
Nakapagtataka na habang ang tendensya sa buong mundo ay negosasyon tungo sa kapayapaan tulad ng sa Sri Lanka, Norhern Ireland, Angola,Chechenya at iba pang bansa, sa Pilipinas , gyera ang panawagan ng Gobyernong US-Arroyo.  


KAPAYAPAAN . HINDI GYERA!,KATARUNGAN HINDI PANINIIL!
HANAP-BUHAY HINDI GYERA!  KABUHAYAN MUNA BAGO GYERA!


Naniwala ang Peoples Coalition Against the War(PCAW) na kapayapaan ang kailangan ng mundo hindi digmaan. Ayaw namin ng gyera laban sa Iraq. Tanging mga kapitalista ang yumayaman sa gyera. Hindi naman sila ang lumalaban kundi ang mga mahihirap. Walang makikinabang sa gyera kundi ang iilang kapitalista. Hindi sila ang mamamatay kundi ang mga walang mahanapang hanabuhay na sundalong ipapadala nila sa digma.

Nakita natin ang resulta ng pananalakay ng US sa Afghanistan. Bumuti ba ang buhay ng mga mamamayan ng Afghanistan matapos mapatalsik ang pwersa ng Taliban at Al-Queda?  Libu-libo lamang ang namatay at patuloy na namamatay dahil nagpapatuloy ang digmaan doon. Napalitan lamang ng mga warlords at nakabalik ang hari ng Afghanistan. Walang pagbabago kundi ang pagpapalit ng mga naghahari at ang pagkontrol ng US sa bansang ito. Mahirap pa rin ang mga mamamayan ng Afghanistan.

Ganito rin ang mangyayari sa Iraq kung sasalakayin ito ng US. Mapapalitan lamang si Saddam ng bagong tirano na malamang na magiging tagasunod ng US.  Lalo lamang maghihirap ang Iraq kapag inakupa ito ng mga Amerikano. Malulubos ang kontrol ng mga korporasyong US sa langis ng Gitnang Silangan.

Naniniwala ang PCAW na dapat tigilan ang kampanya ng Gobyernong laban sa mga migrante, mga Muslim at mga Arabo. Waring ibabalik laman ng Gobyernong US ang paniniil sa mga Aprikanong Amerikano matapos ang gyera sibil sa anyo ng legalisadong paniniil  sa ngalan ng �Patriot Act� o makabagong Mcarthyism.

Ang aming panawagan ay lalong pagibayuhin ng lahat ng progresibong mamamayan ang pagoorganisa  para sa pandaigdigan katiwasayan Tanging nasa pagkakaisa a tpagoorganisa para sa pagkakaisa ang lakas!

Nagawa nating pahintuin ang gyera sa Byetnam noon. Kaya nating patigilin ang geyra laban sa Iraq ngayon! TAMA NA ANG GYERA, KAPAKANAN NG MASA ANG IUNA!

KAPAYAPAAN SA MUNDO!

KATARUNGAN PARA SA LAHAT!


Back to Main Page
Hosted by www.Geocities.ws

1