Santa Veronica
SANTA VERONICA


Si Veronica ay isa sa mga babaeng nakasalubong kay Hesus nang Siya ay nagpapasan ng krus patungong Kalbaryo.

Sa kanyang pagkahabag pagkakita sa maamong mukha ni Hesus na duguan sa hampas, pinagluluraan at puno ng alikabok, kinuha niya ang kanyang balabal at buong tapang na nakipagsiksikan sa pulutong ng mga tao at kanyang pinunasan ang mukha ni Hesus.

Ang kanyang ginawa ay dagling ginantihan ni Hesus sa pamamagitan ng malinaw na pagkalimbag ng Kanyang mukha sa ipinamunas ni Veronica.

Ito ay naglalarawan na ano mang gawain nating pagkahabag sa ating kapwa ay gagantimpalaan ng Diyos sa iba't ibang paraan.


Hosted by www.Geocities.ws

1