Virgen Dolorosa
VIRGEN DOLOROSA


Ang Virgen Dolorosa ay Birhen ng Hapis.

Ang ina ni Hesus na si Maria ay nagtiis ng hirap mula pa nang siya ay maging isang ina hanggang sa kamatayan sa krus ng kanyang Anak.

Pito ang balaraw na tumimo sa puso ni Maria:

  1. Ang hula ni propeta Simeon na ang kanyang anak na si Hesus ay magdurusa alang-alang sa kaligtasan ng sangkatauhan.

  2. Ang pagtakas ng mag-anak sa Ehipto upang iligtas sa kamatayan ang sanggol na si Hesus.

  3. Ang pagkawala at pagkatagpo kay Hesus sa templo sa gitna ng mga pantas.

  4. Pagkasalubong kay Hesus na sugatan at pasan ang mabigat na krus patungong Kalbaryo.

  5. Ang pagpapako at ang pagkamatay sa krus ni Hesus.

  6. Ang pagkalong sa duguang bangkay ni Hesus nang maibaba sa krus.

  7. Ang paglilibing kay Hesus.

Hosted by www.Geocities.ws

1