SANTO ENTIERRO (BANAL NA PAGLILIBING)
Sa prusisyon ng Biyernes Santo, ang pinakatampok sa lahat ay ang Santo Entierro o ang Mahal na Seņor sa malaking andas na binubuhat ng maraming tao. Sa bawa't kubol na dinaraanan ay sinusuhob ang Mahal na Seņor at dito inaawit ang ilang talata ng panalangin ng paghingi ng patawad. Pagkatapos ay buong lakas at tatlong ulit na isinisigaw ng isang tao ang "Seņor, Misericordia, Seņor" (Panginoon, maawa ka, Panginoon) na buong taimtim na inuulit ng mga tao.
|