La Samaritana
LA SAMARITANA


Habang nakaupong nagpapahinga si Hesus sa balon ni Jacob, dumating ang isang babaeng Samaritana upang umigib ng tubig. Sinabi ni Hesus sa Samaritana na Siya ay painumin. Sinabi ng Samaritana na si Hesus, bilang Hudyo, ay hindi dapat humingi sa kanya ng tubig. (Noong mga panahong iyon, ang mga Hudyo ay hindi nakikipag-usap sa mga Samaritano.)

Sinabi ni Hesus na kung nakikilala ng babae ang sa kanya ay humihingi ng maiinom, ito ang hihingi sa Kanya ng tubig. Ayon kay Hesus, ang bawa't uminom ng tubig na galing sa balon ay muling mauuhaw nguni't sino mang uminom ng tubig na bigay Niya, ang tubig na nagbibigay buhay, ay hindi mauuhaw magpakailanman. Hiniling ng Samaritanang siya ay bigyan ng ganitong tubig upang hindi na muli pang mauhaw at umigib.

Pinahahayo ni Hesus ang Samaritana upang tawagin ang kanyang asawa nguni't sinabi nitong wala siyang asawa. Nang sabihin ni Hesus na ang babae ay nagkaroon na ng limang asawa at kasalukuyang may kinakasama ay naisip ng babae na si Hesus ay isang propeta.

Dumating ang mga apostoles at sila ay nangagulat nang kanilang makita si Hesus na nakikipag-usap sa isang babae.

Iniwan ng Samaritana ang kanyang banga ng tubig at nagpunta sa bayan kung saan sinabihan niya ang mga taong magpunta kay Hesus na nagsabi sa kanya ng kanyang mga ginawa.



Juan 4: 1-30
Hosted by www.Geocities.ws

1