Matagumpay na Pagpasok sa Herusalem
MATAGUMPAY NA PAGPASOK
SA HERUSALEM


Habang papalapit sila sa Herusalem inutusan ni Hesus ang dalawa sa Kanyang mga apostoles na magtungo sa nayon kung saan may makikita silang batang asnong nakatali at hindi pa nasasakyan ninuman. Sinabi Niyang kalagan ito at dalhin sa Kanya.

Inilagay ng mga apostoles ang kanilang mga balabal sa ibabaw ng asno at ito ay sinakyan ni Hesus patungong Herusalem.

Maraming tao ang naglatag ng kanilang mga balabal sa daan. Ang iba ay nangagsiputol ng madahong sanga ng mga punongkahoy at siya nilang inilatag sa daan.

Ang mga taong naglalakad sa unahan Niya at sa likuran Niya ay nangagsisigaw ng "Hosana sa Anak ni David! Mapalad ang pumaparito sa ngalan ng Panginoon! Hosana sa kaitaasan!"

Nang pumasok si Hesus sa Herusalem ay nagkagulo ang buong bayan at nagtanong kung sino Siya. Sumagot ang mga tao at nagsabing, "Ito ay ang propetang si Hesus, taga-Nazaret sa Galilea."

Ang pangyayaring ito ang ginugunita tuwing Linggo ng Palaspas.



Mateo 21: 1-11, Marcos 11: 1-11,
Lucas 19: 28-40, Juan 12: 12-19
Hosted by www.Geocities.ws

1