HULING HAPUNAN
Bilang pagdiriwang ng pista ng Paskuwa o pagkaligtas mula sa Ehipto, tinipon ni Hesus ang Kanyang labindalawang apostoles upang magsalu-salo sa Kanyang Huling Hapunan noong gabi nang Huwebes bago Siya mamatay.
Bago maghapunan ay hinugasan ni Hesus ang mga paa ng Kanyang mga apostoles upang maipamalas sa kanila ang pagpapakumbaba at pagmamahalan sa isa't isa. (Juan 13: 1-20)
Nang sila ay nangagsisikain na, kumuha si Hesus ng tinapay, nagpasalamat, ipinamahagi ito sa mga apostoles at nagwika, "Kunin ninyo at kanin; ito ang aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo." ("Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.") Pagkatapos ay kumuha Siya ng kalis, nagpasalamat, ibinigay ito sa mga apostoles at nagwika, "Tanggapin ninyo at inumin; ito ang kalis ng aking dugo na ibubuhos sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan." ("Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.")
Sa Huling Hapunan naganap ang hindi madugong paglalarawan sa Kanyang kamatayan sa krus na siyang kaganapan ng paghahain ng Kanyang buhay sa Diyos Ama alang-alang sa katubusan ng sangkatauhan.
|