ANG BAYAN NG PAKIL

Ang unang pamayanan ng Pakil ay itinatag ni Padre Pedro Bautista, isang misyonaryong Franciscano, nong taong 1858. Siya ay naging isang Santong Martir.

Ang Pakil ay naging isang baryo at bisita (bayang walang sariling pari) ng Paete nong 1602.

Noong taong 1670, ang dating kura ng Sta. Ana, Maynila na si Padre Francisco Barajas ay nagmisyon sa mga tao sa kabundukan ng Tanay hanggang bumaba sa baybayin ng Laguna at nakarating sa Pakil. Sa sipag at tiyaga ni Padre Barajas, ang Pakil ay naihiwalay sa Paete nong ika-12 ng Mayo 1676 at binigyan ng pagsasarili at pananagutan bilang isang bayan. Ang unang naging Kapitan ay si Diego Jorge at ang unang naging Kura ay si Padre Barajas.

Ang Pakil ay nagsarili mula 1899 hanggang 1903 at ang unang naging Presidente Federal, mula 1899 hanggang 1901, ay si G. Bernardo Gonzales. Si G. Gonzales ang siya ring naging Presidente Municipal mula 1901 hanggang 1903.

Ang Pakil ay ibinalik bilang baryo ng Paete noong ika-12 ng Oktubre 1903 at inilipat sa pagiging baryo ng Pangil noong ika-25 ng Nobyembre 1903. Ang Pakil ay napaanib sa Pangil hanggang 1927.

Naging ganap na bayan ang Pakil nong ika-1 ng Oktubre 1927 sa bisa ng Utos Pampangasiwaan Bilang 77 (Setyembre 9, 1927), na sinusugan ng Utos Pampangasiwaan Bilang 91 (Disyembre 5, 1927). Ang unang naging Presidente Municipal ay si Gelacio Galleros na nanungkulan hanggang ika-27 ng Oktubre lamang dahil siya ay biglang dinapuan ng karamdaman na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Humalili sa kanya si EMeterio de Ramos. Ang unang naging Alkalde Municipal ay si Ciriaco Gonzales na nanungkulan mula 1932 hanggang 1937.

Ang bayan ng Pakil ay napasailalim ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at lumaya noong ika-5 ng Abril 1945.

Ang Pakil ngayon ay may 13 barangay. Anim ang nasa poblacion: Baņo, Burgos, Gonzales, Rizal, Taft at Tavera. Anim din ang nasa kabilang ibayo ng dagat Banilan, Casa Real, Casinsin, Dorado, Kabulusan at Matikiw. Ikalabintatlo ang Saray na nasa bundok ng Sierra Madre.

Ang Pakil ay may sukat na 4,469.77 hektarya. Noong 1990, ang populasyon ay bumilang ng 13,455 katao. Ang populasyong botante noong 1991 ay bumilang ng 7,899.

Hi-way

Tanawin mula sa Bundok Pingas

Bayan
Hosted by www.Geocities.ws

1