Santa Marta
SANTA MARTA


Si Marta ay kapatid nina Maria Magdalena at Lazaro. Sila ay mga kaibigan ni Hesus.

Si Marta ang sumalubong kay Hesus nang puntahan Nito ang patay nang si Lazaro na binuhay Niya (Juan 11: 20).

Minsan, dumalaw si Hesus sa kanilang tahanan. Si Marta ay lubhang abala sa paghahanda at sa mga gawain sa bahay, samantalang ang kapatid niyang si Maria ay naupo sa paanan ni Hesus at nakinig sa mga salita Nito. Dumaing si Marta na pinababayaan siya ng kapatid sa mga gawaing bahay at hiniling niya kay Hesus na utusan si Mariang tumulong sa kanya. Sinabi ni Hesus na ang piniling paglilingkod ni Maria ang siyang higit na magaling at hindi ito aalisin sa kanya. (Lucas 10: 38-41)

Inilalarawan ni Marta ang pag-aabala sa mga gawaing kailangan sa ikabubuhay at si Maria naman ay naglalarawan sa mga gawaing ispiritwal. Kapwa kailangan ang dalawang gawaing ito ayon sa ating katatayuan sa buhay. Dapat na pagkaabalahan pareho ang paglilingkod sa tao at paglilingkod sa Diyos.


Hosted by www.Geocities.ws

1