Paghuhubad kay Kristo
PAGHUHUBAD KAY KRISTO


Matapos na si Hesus ay makapaglakbay na pasan ang krus mula sa palasyo ni Pilato hanggang sa Golgota kung saan Siya ipapako, Siya ay walang awang hinubaran ng Kanyang kasuotang dumikit na sa katawang sugatan kung kaya't muling nanariwa ang sugat sa buong katawan na likha ng paghampas sa Kanya.

Binigyan nila Siya ng alak na may halong mira nguni't matapos tikman, hindi Niya ito ininom (Mateo 27: 34, Marcos 15: 22-23, Lucas 23: 36). (Ang ganitong alak na may apdo o mira ay ibinibigay sa papatayin upang hindi lubhang maramdaman ang hirap sa pagkamatay.)

Ipinako Siya sa krus at pagkatapos ay pinaghatian ng apat na kawal ang Kanyang kasuotan. Ang Kanyang tunika na walang tahi at hinabing buo ay hindi nila hinati bagkus ay pinagsapalaranan kung mapapakanino. (Juan 19: 23-24, Mateo 27: 35, Marcos 15: 24-25, Lucas 23: 33-34)


Hosted by www.Geocities.ws

1