Paggapos
PAGGAPOS


Matapos na si Hesus ay madakip ng mga bantay na Hudyo at ng pangkat ng mga kawal sa pamumuno ng kanilang kapitan, Siya ay iginapos at dinala muna kay Anas na biyenan ni Caifas. Pagkatapos ay dinala Siyang nakagapos pa rin kay Caifas na pinakapunong saserdote nang panahong iyon.

Kinaumagahan ay dinala si Hesus kay Pilato, ang gobernador na Romano, na nagsiyasat kung ano ang Kanyang pagkakasala. Tuwing Pista ng Paskuwa ay nagpapalaya ang gobernador ng isang bilanggo at tinanong ni Pilato ang mga tao kung ibig ba nilang palayain si Hesus. Hiniling ng mga ito na si Barrabas, isang bilanggong nakamatay, ang palayain at hindi si Hesus. Pinagbigyan ni Pilato ang mga tao at si Hesus ay kanyang ipinahagupit.



Mateo 27:2, Marcos 15:1
Hosted by www.Geocities.ws

1