Paghampas
PAGHAMPAS


Si Hesus ay nakagapos sa haliging bato sa harapan, sa kaliwa at Siya'y pinaghahampas ng Hudyo na may sibat at suplina.

Si Hesus ay nililibak at hinahampas ng mga nagtatanod sa Kanya. Siya ay kanilang piniringan, niluluraan, pinagsususuntok at pagkatapos ay pinahuhulaan kung sino ang gumagawa ng gayon. (Mateo 26: 67-68, Marcos 14: 65, Lucas 22: 63-65)

Nang si Hesus ay dalhin sa palasyo ni Pilato, Siya ay pinagtatanong nito. Wala itong makitang pagkakasala ni Hesus. Sinabi niya ito sa mga nagdala kay Hesus nguni't pinili ng mga itong si Barrabas ang palayain.

Ipinakuha ni Pilato si Hesus at ipinahagupit (Mateo 27: 26, Marcos 15: 15, Juan 19: 1). Halinhinan ang mga Hudyo sa paghampas ng suplina na may matulis na tinik sa dulo kung kaya't ang katawan ni Hesus ay naging sugatan at duguan.

Ayon sa isang pahayag ni Hesus sa isang babaing banal, Siya ay nagtamo ng 5,455 sugat sa Kanyang katawan at ang pinakamalaking sugat na lubha Niyang tiniis ay ang sa balikat.


Hosted by www.Geocities.ws

1