Ecce Homo
ECCE HOMO
(NARITO ANG TAO)


Matapos na si Hesus ay maipahagupit at malibak bilang isang hari na may koronang tinik at balabal na purpura, si Pilato ay lumabas muli sa mga tao at sinabi, "Ihaharap ko Siya sa inyo upang malaman ninyo na wala akong makitang kasalanan Niya." Inilabas si Hesus at sinabi sa kanila ni Pilato, "Narito ang tao." Pagkakita sa Kanya ng mga tao, sila ay sumigaw ng "Ipako sa krus! Ipako sa krus!" Walang nagawa si Pilato upang si Hesus ay maligtas. Lalong nagsigawan ang mga tao ng "Ipako sa krus! Ipako sa krus!" kaya't ibinigay sa kanila si Hesus upang ipako sa krus.



Juan 19:4-6
Hosted by www.Geocities.ws

1