Tres Caidas
TRES CAIDAS


Ito ay naglalarawan ng tatlong pagkadapa ni Hesus na pasan ang mabigat na krus. May dalawang Hudyo sa magkabilang tabi Niya at may isang Hudyo sa hulihan na nakahawak sa Krus.

Ang unang pagkadapa ni Hesus, bago Siya masalubong ng Kanyang ina, ay inilalarawan sa ikatatlong istasyon ng Daan ng Krus o Via Crucis.

Ang ikalawang pagkadapa, sa may pintuan ng Judiciaria, ay inilalarawan sa ikapitong istasyon ng krus.

Ang ikatatlong pagkadapa, sa lugar na malapit na sa Golgota ng Kalbaryo kung saan Siya ipapako sa krus, ay inilalarawan sa ikasiyam na istasyon ng krus.

Sa pagkadapa ni Hesus ay nagsugat ang Kanyang mga tuhod at balikat. Lubhang mabigat ang krus na siyang sumasagisag sa mga kasalanan ng tao. Sa bawa't pagkadapa, si Hesus ay nagpupumilit na makabangon upang ang tao ay magsikap ding bumangon sa pagkadapa sa kasalanan.


Hosted by www.Geocities.ws

1