|
PAGKABUHAY NA MAG-ULI
Ang Pagkabuhay na Mag-uli ang pinakadakilang pista ng simbahan sapagka't kung si Hesus ay hindi nabuhay na mag-uli tulad ng Kanyang laging bibabanggit at ipinahihiwatig sa Lumang Tipan, ang lahat ng Kanyang mga iniaral at ipinahayag na katotohanan ay ituturing na walang kabuluhan at pawang kabulaanan.
Sapagka't Siya ay tunay na Diyos, nasa Kanyang kapangyarihan ang mabuhay na mag-uli at bumuhay ng mga patay. Dalawang anghel ang nagpatunay na si Hesus ay nabuhay na mag-uli. Ang Kanyang bangkay ay hindi ninakaw ninoman sapagka't ang Kanyang libingan ay may bantay na mga sundalo. Si Hesus ay nagpakita sa mga apostoles at mga kababaihan at Siya's nanatili sa daigdig nang 40 araw bago Siya umakyat sa langit.
|