SALUBONG
Ito ang masayang pagtatagpo ng mag-inang sina Maria at Hesus. Anong laking ligaya ang naghari sa puso ng Birheng Maria nang pagkaraan ng mga araw ng hapis at dalita ay muli niyang makita ang kanyang Mahal na Anak na wala nang pagdurusa at puspos ng kaluwalhatian.
Kasama ni Maria ang ilang mga kababaihan at ibang mga apostoles sa pagsasalubong.
Ang tagpuang ito ay inilalarawan sa Linggo ng Pagkabuhay at ginaganap sa ika-lima ng umaga saanman sa Ibaba (Oben), patio, Baņo at Burgos.
Matapos ang Salubong ay may pabitin. Ito ay ginaganap din sa Ping-as, Santacruzan at iba pang mahahalagang okasyon.
|