Home | Links | Contact Us  

 
 Home
 Introduction
 Different Denominations
 True Church
 Question and Answer
 Articles
 Links
 Guestbook
 Contact Us

 You are visitor
Counter

   
 
ANG WALANG HANGGANG PABALITA

"At nakita ko ang ibang mga anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawat bansa at angkan at wika at bayan;

At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Diyos, at magbigay kaluwalhatian sa Kaniya; sapagkat dumating ang panahon na Kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.

At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.

At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay, ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Diyos, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero."
 
 



APOCALIPSIS 14:6-10

   
 
Ang Panginoon ay may aral na buhay na nararapat ingatan ng tao. Ang mga aral na ito ang siyang magiging gabay ng bawat isa sa paglalakbay sa sanlibutang ito at habang naghihintay sa pagparito ng ating Panginoong Jesus. Nais ni Satanas na sirain ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabangon ng mga huwad na aral upang iligaw ang mga tao. Pagyamanin po natin ang aral ng Panginoon sa ating buhay upang kung sa gayon ay maging sandata natin sa anomang anyo o paraan na ginagawa ng mga nagliligaw palayo sa katotohanan. Alalahanin po natin ang sinasabi ng kasulatan sa 2 Timoteo 2:15 - "Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anomang iakahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan."

Ang pagpapala nawa ng Panginoong Diyos ang siyang sumainyo, ngayon at magpakailanman.

Siya Nawa.


Amiel N.de Guia
   
 

Copyright (c) 2003 Navotas SDA Church

Hosted by www.Geocities.ws

1