cozy dhon

                            my compositions
blue lark:
a code name or title i used to have a unique name for me.
blue for lonely and lark for a singing bird.




w e l c o m e * w e l c o m e * w e l c o m e

|my tagalog compositions|


"paraiso: pangarap ko"
ang pangarap magsimula
magsimula dito sana
para naman makamtan na
ang buhay ko'y langit na nga
ang pangarap ay tulad mo buhay ko nga ay kompleto kung sa iyo di magbago pangarap ko, paraiso
paraiso ang pangarap ang hangin mo ay malanghap bulaklak mong nagmumukadkad itong puno, aking yakap
bundok sana'y lunti lagi ang batis mong malaputi yang ulap mong di masipi para sa aki'y pinipili
paraiso, natupad na kailanga'y nakamtan nga paraiso'y mahalaga sa puso ko'y ingatan ka.


"pangarap"
nararating unti-unti
kaligayaha’y hindi masabi
di masipi ang saya
hiling kaylapit na
mabigkas man ng labi nakikita na sa ngiti malapit nang maging akin ningning ng mga bituin
handa ko nang hawakan ulap sa kalawakan kaysigla damdami’y kaysaya
di na aasa pa wala nang hihilingin pa pagkat nandito na pangarap lang noon katuparan na ngayon
huwag nang kukurap wala nang hanap di ito isang pilit bawat saglit kislap ay marikit.


"blind item"
mula nang lumabas ka
hindi naman sa hanap-hanap ka
pero down-to-earth ka daw talaga
with maamong mukha, may kinilig pa nga
but for me, idol kita sa acting, nandiyan ka sa big screen, patok pa soap opera’y hanap ka
naging role model ng Pinas more famous than bigas hinihintay na lumabas those dimples na patas
marami ka daw negosyo here and there namumuro pamilya at negosyo number one sa puso mo
buong bayan nashocked puso ng iba like nasaksak when the headlines nabunyag that you are napahamak
oo, nawala ka whole nation ay lumuha and I, sumali pa nga sino ba ang sasaya?
even if nawala ka still buhay ka pa alaala mo’y heto pa admiring things mong nagawa.


"sumamo"
di ko sinasadyang masaktan ka
ang lumuha ka’y di ko alintana
damdamin mo sa aki’y nagbabago
dahil sa sugat na dinulot ko
inaasam ko’y patawad mo nang puso ko di mangulila sa iyo huwag ka sanang lalayo
iwanan at kalimutan mo mahal kita at sana’y tanggapin at dinggin ang pusong nagsusumamo nanghihinayang ang nararamdaman
ating kalimutan ang hidwaan ako’y iyong muling pagbigyan dahil ikaw lang ang kailangan
di na alam ang gagawin yakap mo ang nais at tangi kong hiling.


"nag-iisa"
bakit ganito ang puso
pag nangungulila sa iyo
di maitago
nararamdaman ko
sabik na makita ngunit kaylayo mo sinta mahagkan ka pangarap ko tuwina
nasaan ka nais kitang makita nalulungkot, natatakot nasaan ka nais ay bumalik ka nalulumbay, nag-iisa
pawiin ang sakit alisin ang galit nagmamahal at magtatagal.


"kaibigan na lang"
unti-unti kang lumalayo
sa piling ko
di masabi kung ano
ang dahilan mo
nagtataka kung bakit ba umiiwas at di kumikibo anong pagkakamaling nagawa ko sa iyo
parehong nasasaktan damdamin at isipan mga pinagdaanan baka masayang lang
huwag sanang hayaang mawala sa kawalan pagkat hindi maitago tunay na nararamdaman
huwag sanang tuldukan pusong nagmamahalan ako’y muling balikan kahit kaibigan na lang.


"araw, buwan ulap at bituin"
palubog ang araw
sadya kong natanaw
landas mo’y isang ilaw
hatid mo’y kaylinaw
araw ay kay tulin di kayang pigilin subalit diyan ka rin sisilip-silipin
bituin mo ang gabay kislap niyo ang alay di ka nga mawalay buwan hugis mong suklay
maitim na ulap mahirap itulak subalit ang hanap isang gabing gaganap
araw man o gabi kay daling masipi sa akin pinili pagganap ng gabi.


"kaibigang ulan"
sa himbing ng tulog ko’y
narinig ang tawag mo
mula sa panaginip ko’y
nagising sa tinig mo
sa pagkakahimlay ko’y mariing bumangon ako mula sa higaan ko’y sa bintana tumungo
kaibigan, sige pa ngunit huwag ibuhos bigla ngunit huwag paisa-isa subalit hanggat parang musika
kaibigan, ako’y babalik na ngunit iiwang bukas ang bintana kaibigan, ako’y matutulog na ngunit sana’y nariyan ka pa
habang pinagmamasdan buwang nagpapaalam habang pinapalitan ulap na may kaitiman
habang ang kanayunan himlay sa higaan habang ang aking kaibigan ako’y dinadamayan.


"sayang lang"
naluluha na lang ako
tuwing naaalala ko
ang ating mga nagdaan
nakapanghihinayang
ng ating pagmamahalan na noo’y pinaglalaban kaysakit isipin kayhapdi sa damdamin
sayang lang sayang ang pagmamahalan kaypait ngunit di kayang ipilit ulitin ang naging atin
mahirap umasa umasa sa wala mukha mo pa rin sa alaala bakit ba, ano ba talaga?


"mariana"
lumaki ang ulo mo
nang dahil na rin sa iyo
tignan mo ang iyong sarili’t
buhay ay sinakluban na ng langit
ngunit may gatas ka pa sa bibig ikaw ba ay manhid Sana naman ay iyong maisip at tumingin sa paligid
di ba ikaw si Mariana na pisngi’y malamakopa ngunit ito’y noon pa nung wala pang droga
hindi mo ba naiisip kaylayo na ng iyong mga panaginip mga bituing marikit kayhirap nang masungkit
magbibilang na lang ba ng poste? o magbabasag na ng mga bote kung ang droga’y di iwinaksi baka ika’y magarote.


"laging para sa iyo"
sa sandaling ito
habang nabubuhay pa ako
mananatili dito
lalaban sa mundo
sa buhay kong ito minsan nabibigo minsan nananalo minsa’y pare-pareho
ako’y naghahanap kaligayahang tunay at ganap kayamanang hinahanap di pa nga nalalasap
bakit ba ganito buhay ko’y litung-lito? pag-ibig nga ba ang gusto na sa akin ay gumugulo?
kayamanang hawak ko ibibigay lamang sa iyo di magbabago ito’y laging para sa iyo.


"napapagod"
ang hirap limutin ang nakaraan
lalo pa’t mayroong nagdaan
masakit kung babalikan
ang oras ng kasiyahan
ngayong wala ka na di ko alam kung paano ba harapin ang mga parating pa makakaya ko pa ba kaya?
nais pa sanang ika’y mapagmasdan labi mo’y mahalikan ngunit kahit ngiti man lang ay di pa masilayan
sarili ko’y napapagod ako’y lalong lumulubog nakalipas ay di madurog hanggat ika’y di nalilimot
mga saya’y nanunuot ang isip ko’y napapagod mata’y hirap sa pagluhod pag naalala ka’y luha ang dulot.


"para lang sa iyo"
giliw ko
laging tapat sa iyo
ang puso kong ito
sa gabi’t araw
lagi kang natatanaw
mahal ko pakinggan mo ang samo ko minamahal kita puso ko’y umaawit para lang sa iyo
gagawin kong lahat tatawirin ko ang dagat sa bundok aakyat di tatalikod sa iyo
aabutin ang langit manunungkit ng bituin lilipad sa hangin para lang sa iyo
mahal ko buong buhay ko iaalay sa iyo puso’t damdamin ko’y para lang sa iyo
gagawin kong lahat para lang sa iyo nais ko lang sana tayong dalawa
gagawin kong lahat di tatalikod sa iyo nais ko lang sana sagutin mo ako.


"si jacob"
siya si Jacob, kilala ko
oo, si Jacob- isang guro
siya’y kilala doo’t dito
sa panulat o sa dyaryo
oo, dyaryo, nagiisa sa panulat, magaling siya pagtuturo’y mahalaga estudyante, paturo ka
siya si Jacob, isang ama paaralan, nandoon siya nagbibigay disiplina gabi kung uuwi na
ngunit Jacob, wala ka na pangarap mo’y tuloy pa ba? sino pa ba ang gagawa iniwan mong mga pag-asa?
saan ka man naroroon tuloy pa rin at susulong pangarap mo na tumulong itutuloy ng may dunong.


"nagbabalik sa iyo"
kahapon lang nung ako’y nariyan pa
ang damdami’t puso ko’y kaysigla
kaypayapa ang aking nadarama
ngunit ngayo’y tila ibang-iba
bakit ba ngayo’y nilisan ka? ang mundo ko’y bigla na lang nawala
batid ko na ang mundo ko’y ibang-iba kapag iniwan ka’y walang tuwa sa piling mo di na ako lalayo sa pag-ikot ng mundo ako’y nagbabalik sa iyo
bukas ba’y may babalikan ako’y iyong muling hahagkan at sa iyong mga kandungan ang nadarama’y kapayapaan
buhay ko’y napariwara di malaman saan pupunta
ayoko nang lumisan pa hanggat nariyan ka sa piling mo sinta langit kung kapiling ka
ako’y hagkan mo pa at aawitan ka sa iyo nakita ko tunay at wagas na pag-ibig mo kaya’t nagbabalik sa iyo.


my motto:
"i don't want to trace someone's path, instead create my own path and leave a trail"



BACK TO TOP




BACK TO MAIN PAGE










Hosted by www.Geocities.ws

1