oi!
pangks tuloy. shot ka muna tol. ako
nga pala si hippie ang inyong tanggero. kilala rin ng ilan sa bansag
na hippie. bago ko paikutin ang tagay ipaalala ko lang senyo na sanay
lang akong mag-ingles pag laseng okey? kaya ipagpaumanhin niyo kung
taglish ang tirada ko sa site na ito. ang pangalan ng webpage na ito
ay hango mula sa pamagat ng huling album ng isa sa pinakamalupit na
bandang bumasag sa aking pandinig at nakaimpluwensya sa akin sa tindi
ng kanilang mga lyrics -- ang dead
ends. bagamat patay na nga ang dead ends at wala na rin ang
mga kasabayan nilang bandang sumulpot noong panahon ng brave
new world, twisted red cross at herald x ay
tuloy pa rin ang tugtugang kanilang nasimulan. tuloy pa rin ang tunog
ng musikang ilalim (basa: underground music). punk's not dead eka nga
(pasensya na kayo bulakenyo ko). kase hangga't may bakanteng garahe
at bandang ayaw ibenta ang kanilang musika sa mga kupal sa industriya,
buhay ang eksena. hangga't may umaandar na xerox machine, ayos ang mga
nagpapa-fanzine. hangga't may maiiskor na gin bulag, ice tubig (o tang
pomelo) at iba pa, jamming palang sa studio solb na. tapos salang sa
konsyerto. sabay makigulo sa slam-an. sige rak en rol, tuloy ang rakrakan.
o siya tama na yan ilabas na ang tambol, isaksak na ang gitara, nakahain
na ang pulutan, inuman na!
unang
labas: agosto 3, 2001 (bertdey ng tatay ko)
bwisita
numero ka!