Sunday Slowdown

by ü bRaT ü

“Come and lay here beside me,
I’ll tell you how I feel…”

Nyek! Sana lang diba, maging ganoon ako katapang para umamin sa kaniya ng harap-harapan kung ano talaga yung nararamdaman ko. Come to think of it, ano nga ba talaga yung pumipigil sakin? Pride? Fear of rejection? Dahil alam kong wala na talagang pag-asa?

“Things just ain’t the same
since you took your love away,
All I have is dark and lonely days
Coz the sun don’t shine my way…”

Hay nako! Kung alam lang niya kung gaano karami yung luhang iniyak ko. Yung sakit sa dibdib ko kapag nakikita kong magkasama sila ni girlidonotcaretomention. Kung gaano ako ka-depressed at kung paano nawalan ng saysay yung buhay ko noong umalis siya.

“I can’t believe I’m acting like this
I know it’s crazy but I still can feel your kiss…”

Ewan ko ba kung anong mayroon at hindi ko siya makalimutan! Siya naman sobrang dali na naka-move on. Ang bilis ko ngang napalitan, eh! Dapat ako rin ganoon! It’s not like wala akong mahahanap na ipapalit. Mayroon naman diyan, nanliligaw, nagpaparamdam… Bakit siya parin?

“Para sa iyo lamang ang puso kong ito
magpakailan pa man, asahan mo…”

Inisip niya noon na naging kami. Hahaha! Nagpapatawa ba siya? Alam niya naman na wala akong ibang kayang mahalin kundi siya. Kasi wala akong gustong mahalin. Kung hindi lang siya, eh di… huwag nalang.

“You know that I want to say it,
You know that I need to say it,
You know that I’d love to say it,
Our love just goes on and on and on…”

Shit! Kanina ko pa hinihintay yung kantang yan! Bakit? Kasi naaalala ko siya. Yung mga times na magkasama pa kami. Siyempre, wala na akong ibang magagawa kundi alalahanin yung mga iyon, kasi alam kong hinding hindi na iyon mangyayaring muli.

Oops, luha. Isa pa. At isa pa ulit. Haaay… iyak nanaman.
Hosted by www.Geocities.ws

1