Brick

by ü bRaT ü

“She’s a brick and I’m drowning slowly
Off the coast and I’m heading nowhere
She’s a brick and I’m drowning slowly…”

Brick. Ang aking favorite song. [bukod sa To Be With You, hehe] Pero bakit ko nga ba favorite ang Brick? Hindi pa ako nagpapa-abort, at wala rin akong near death experience sa pagkalunod. [Pero, Charlotte, hindi ka marunong lumangoy, diba? Hindi ka pa talaga nalulunod?] Hindi pa ako nalulunod dahil hydrophobic ako. Hindi ako nagbababad sa tubig at hindi sumusubok magpunta sa malalalim na places.

At, contrary to popular belief, walang koneksiyon sa buhay pag-ibig ko ‘tong kantang ito. [Ano… akala niyo tungkol kay Chris nanaman, no? Hindi rin!]

Favorite ko na ang Brick bago pa kay Chris. Favorite ko parin hanggang ngayon. Nakakatuwa nga eh, kasi isa yun sa mga bagay na hindi nagbago sa akin. Kaht napakababaw na bagay lang yun, aba! Achievement yun! Paano kasi noong dumating siya, lalo na nung sanay na akong andiyan siya parati, umikot na sa kaniya yung mundo ko. Yun bang parang lahat ng ginagawa ko, may kinalaman sa kaniya. Handa akong magbago, magsakripisyo, masaktan… basta para kay Chris.

Ayan tuloy, noong umais siya, malaking bahagi ng pagkatao ko, nawala kasama niya. Narealize ko rin na hindi mali yung pagkakakilala sa akin ng mga tao bilang “girlfriend ni Chris”. Hindi lang yun basta association, yun talaga ang description ko. Kumbaga, kung yun man ang naging identity ko, masasabi ko rin na totoo yun. Yung pagiging girlfriend ni Chris, that actually makes up most of my personality.

Eh ngayong hindi na kami at may iba na siyang mahal, ano na ko?

Wala. Ex-girlfriend ni Chris.

Ang pangit namang identiy nun! Pero… anong magagawa ko? Yun lang naman talaga ako, eh. ex-girlfriend na hanggang ngayon, sa kaniya parin umiikot ang buhay. [Tama bang lahat ng bagay ay in reference sa kaniya? Pati mga time periods sa buhay ko, Chris parin, “bago kay Chris” at “nung umalis siya”. Ano yun, parang BC at AD?!]

Ex-girlfriend na overly sensitive. Ex-girlfriend na sawi. Ex-girlfriend na tanga. Ex-girlfriend na inlab parin. Ex-girlfriend na bitter. Ex-girlfriend na iyakin. Hay naku Charlotte, kaawa-awa ka naman.

Sana katulad nalang ako nung babae sa kanta. Brick.

Sana brick nalang ako, walang nararamdaman. Para hindi na ko nasasaktan.
_ _ _

Walang koneksiyon kay Chris, ha?
Mayroon na ngayon!
Hosted by www.Geocities.ws

1