| |
Navigation
Main
Personality Snapshot
UpClose and Personal
Anything Goes...
Poem 1
Poem 2
Poem 3
Poem 4
E-mail me
E-mail 1
E-mail 2
Guest Book
Photo Gallery
Pictures of:
Mharimond
Family
Friends
Officemates
Games Section
Free Cell
Hearts Network
PinBall
Cool Links
Yahoo
Friendster
MySpace
MyZorpia
The JavaScript Source
|
|
METAPORA
<isang malayang taludturan patungkol kay prinsesa>
-sinulat ni wysiwyg/lolo/kuya/tatay/rupeltiltskin/shrek/doremon/o kahit
ano
na-
naniniwala ka ba?
na pag tahimik ako
kaisipang singlalim ng karagatan
ay kaluluwang malalim ang nanahan
oo nga't malikot ako,
madaldal, makulit, maingay
pero bakit hindi mo itanong?
ako nga ba ito?
tulad ng isang payaso
sa kanyang mga ngiti ay nakatago
pero sa puso ay sinserong ginto
naghahanap ng pagtangap,
uhaw sa sulyap ng kanyang prinsesa
walang ibang hangad kundi
ang maalayan ng kanyang mga ngiti.
maliit lang lang ako
pero malaki sa akin ang pagiging totoo
sabihin mang palabiro at maloko,
paraan ko lang naman upang manatiling humihinga
iyong buhay, hindi patay walang gana at wa-kwenta
hindi ako 'yun - pero pag nanahimik
isipin mo na lang gumagawa ng nobela o tula
bawat titik, mga salita at linya
malalim subalit tumitimo.
pasensiya na sa pagiging ma-drama
buhay ko naman sadyang hindi komedya
baka walang manood ng aking palabas
pero ikaw gusto mo ba?
maglaro at sumama,
tumawa at umiyak na rin
dalawang mukha sa atin ay laging nakahain.
isang metapora ng katotohanan
kahit ako'y maliit kaya mo pa ring sandalan,
kahit mabigat ka pipilitin kong di-mabuwal
na sadyang mundo natin ay magkaiba,
mababaw lang ang aking kaligayan
malayo at puno naman ng mga pangarap ang iyong tinatanaw,
at kung sa palagay mo na ang tulang ito ay walang patutunguhan
bakit hindi mo uilt itanong kay wysiwyg na makulit?
anong simpleng tanong ang pwedeng ibigay?
sa taong nagmamahal sa gitna ng katahimikan
tanging masasabi ay hindi kaylangan ng salita o tula,
at mga palamuting maaring ipagyabang sa madla
ang mahalga ang nasa loob, mga salitang kahit 'di bigkasin
maiintindihan mo na --
makikita mo na sa mga mata.
ayokong mangako sa aking prinsesa
sapagkat sino ako para umasta,
pero nandito lang ako palagi
kung kaylangan mo lang
o kahit na siguro pag hindi mo kaylangan,
tunay na ako'y walang alam
kung paano sasagutin ang tanong ng buhay....
---Ronnel L. Bunayon---
|
|