Ang Google Inc., tinatag noong 1998, ay isang kumpanya sa Estados Unidos na namamahala ng Google search engine. Nasa "Googleplex" ang kanilang punong tanggapan na matatagpuan sa Mountain View, California at mayroon silang higit sa 3,000 empleyado. Naging CEO si Dr. Eric Schmidt, dating CEO ng Novell, ng bumaba sa puwesto si Larry Page ang isa sa mga nagtatag ng Google.