:: Lyrics
These lyrics come from Mark's self-titled debut album. This CD is highly recommended and contains a number of ballads and slow jams by Mark Bautista. Definately take a look.

PS: These lyrics are basically unformatted. I dont think all of the lyrics are here, we'll be working on this for you guys

» Baliw
» Kapag Ako’y Kailangan Mo
» Ako’y Maghihintay feat. Sarah Geronimo
» Sayang Naman
» Lahat sa Buhay Ko
» Ngayon at Kailanman
» Will You Still Love Me Tomorrow
» Another Chance
» Out Here On My Own
» Lost Without Your Love
» One Girl
» The Power Of Love

Baliw
Ano, ba itong napasok ko? Nang makilala ka’y nag-iba ang mundo, nabura lahat sa pangingin, walang nais intindihin kundi itong damdamin sa ‘yo

Ano, ba itong dinulot mo? Buong araw, pati gabi, ikaw sa isip ko, ikaw lamang sa paningin, at syang nais intindihin, nasisiraan yata ako

Chorus
Ikaw ang lagi sa isipan ko, walang iba sa puso ko, baliw yatang umibig sayo. Ikaw ang hanap bawat sandali, nakikita na lang lagi, baka may sira ang isip ko mapapansin mo kaya itong baliw sa ‘yo.

Ano kayang magagawa nito? Isang ngiti mo lang sa kin, natutunaw ako, nauubusan ng hangin, nauutal na bigkasing, nagmamahal ng todo sa ‘yo

Kapag Ako’y Kailangan
I
Ang paghihirap mo’y nakita ko no’ng siya’y kapiling pa, ngunit hindi ko magawang lapitan at kausapin ka. ang pagdurusa mo ay tila akin ding nadarama, ngunit wala akong lakas na kunin ka

II
At di nga nagtagal tuluyan ding ika’y nilisan niya, laking pasasalamat ko dahil ika’y malaya na, sinabi ko noon sa ‘yo kapag ako’y kailangan na tawagan lang ako’t pupuntahan kita

Chorus
Hindi ka na luluha, hindi ka na tatangis at di mo na mararansan ang pait, dahil ako’y lagging maaasahan mo narito lagi pag ako’y kailangan mo

(repeat II & chorus 2x)

Ako’y Maghihintay feat. Sarah Geronimo
Mark:
Alam kong ikaw ay bata pa walang malay sa mundo, ngunit damadamin ko sayo’y tila nahuhulog

Sarah:
Bata mang ituring ako’y mayroong pagtingin, huwag mo sanang mapansin ako’y naglalambing

Duet:
Dahil hindi pa tamang panahon upang magmahalan kahit na puso ay nasasaktan

Chorus
Ako’y maghihintay lamang sa iyo hanggang umabot tayo sa takdang panahon, magtitiis, magbibigay kahit umabot pang habang buhay, ako’y maghihintay

Mark:
Habang ako’y naghihintay huwag sanang magbago, hindi ko kakayanin na ikaw ay lumayo

Sarah:
Darating din ang araw at sasabihin ko kung ano ang tunay kong nadarama sa iyo

Duet:
Ngunit hindi pa tamang panahon upang magmahalan kahit na puso ay nasasaktan
Ay hindi magbabago ang damdamin ko sa ‘yo at balang araw ang magtatagpo ang mga puso

Sayang Naman
Di ko makalimutan ang mga sumpa sa akin na di iiwan, ako ay nagtiwala at sa ‘yo ay naniwala na ako lamang ang nasa buhay mo, tandang-tanda ko pa nang sabihin mo sa akin na ayaw mo na, ang mundo ko ay gumuho at luha ay biglang tumulo at mga pangarap ko’y naglaho ano pa ba ang aking magagawa, siguro nga’y hindi tayo para sa isa’t-isa

Sayang naman ang pag-ibig na ibinuhos ko sa ‘yo, sayang naman ang mga panahon na ginugol ko sa ‘yo, kung mababalik ko lang ang ating nakaraan di na sana hahantong sa ganitong kalagayan

Di ko matandaan kung ano ang huli nating pag-aalitan, saan ba ako nagkulang, ako ang may kasalanan at bigla kang lumisan ano pa ba ang aking magagawa, siguro nga’y hindi tayo para sa isa’t-isa

Sayang naman ang pag-ibig na ibinuhos ko sa ‘yo, sayang naman ang mga panahon na ginugol ko sa ‘yo, kung mababalik ko lang ang ating nakaraan di na sana hahantong sa ganitong kalagayan

Kung mababalik ko lang ang ating nakaraan di na sana hahantong sa ganitong kalagayan

Lahat sa Buhay Ko
Kulang ang bawat sandali kung di kapiling ka, bakit ba sa pag-iisa hanap-hanap kita

Refrain
Ayokong mangyari na sa piling ko’y mawalay ka, Ikaw lang palagi at wala na ngang iba

Chorus
Ang puso ko, ang isip ko, ang buhay ko’y para sa ‘yo, at hindi kailan man ako’y sa ‘yoy magbabago, maglalaho itong mundo ngunit di ang pag-ibig ko, ganyan ka kamahal, ang siyang lahat sa buhay ko

Refrain
Hindi ako nangangamba basta’t kasama ka at lagi ay nadarama init ng pagsinta

(repeat refrain and chorus)

Hindi ko kailangan kahit na anong yaman sa mundo, hiling ko lamang habang buhay ay ikaw at ako walang saysay ang pag-ibig kung iiwanan mo, nais ko’y ikaw lang dito sa aking mundo ang sa t’wina ay kayakap ko

(repeat chorus)

Ngayon at Kailanman
Ngayon at kailanman, sumpa ko’y iibigin ka, ngayon at kailanman, hindi ka na mag-iisa, ngayon at kailanman, sa hirap o ginhawa pa asahang may kasama ka sinta naroroon ako tuwina, maaasahan mo tuwina, ngayon at kailanman

Dahil kaya sa ‘yo nang maitadhanang ako’y, isilang sa mundo. upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo, upang ngayon at kailanman ikaw ay mapaglingkuran hirang bakit labis kitang mahal, pangalawa sa Maykapal higit sa aking buhay sa bawat araw ang pag-ibig ko sa ‘yo liyag lalong tumatamis tumitingkad, bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon, na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang kapag ang araw at bituin ay di na matanaw, kapag tumigil ang daigdig at din a gumalaw, subalit isang araw pa matapos ang mundo’y magunaw na. hanggang doon magwawakas pag-ibig kong sadyang wagas ngayon at kailanman

Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa ‘yo liyag lalong tumatamis tumitingkad, bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon, na daig ng bawat bukasBawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon na daig ng bawat bukas

Labis kitang mahal tangi sa Maykapal ngayon at kailanman.

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1