d-t: 270106 ; 10.52pm [ next ] [ prev ]
on my own. . ?
  today is the 27th, a weird day to say the least. kase ang linggo na ito ay malabo ang timpla. umaraw at umulan din. at umaraw at umulan din figuratively. good things far outweighed the bad stuff (*nosebleed*) tyka ang galing din tlga, sort of proof na pag nagdaan sa isang pagsubok, ehh, things will start looking up. syempre madaming beses na kala ko di na kakayanin, pero yun nga, dahil naprove yung "life is like a wheel" na paniniwala ay ok narin tanggap na yun. at consistently pinadala sa akin ng isang kaibigan for the past few weeks na parang ang pinaparating ay "life has a way of surprising you, etc etc" basta't masusurprise ka nalang talaga, wala kang inasahan, may darating.

nice happenings in australian open (at least para sakin), justine henin-hardenne is going to the finals this wykend. medyo bad news sa marami lalo na sa mga fans ni sharapova (na kay henin-hardenne natalo sa semis). pero idol din talaga eh, after being eliminated early nung wimby pati nung us open, ayun, comeback and a possible fifth grandslam for henin-hardenne.
justine


in related news.. PACMAN. di na ako dadaldal pa tungkol dito, pero, sumobra talaga ang selebrasyon alam natin lahat to

edgar allan poe once said: "beauty is best expressed, most defined, when in moments of extreme melancholy. because beauty can bring the soul to tears" pero tandaan din natin na alcoholic si edgar allan poe. at lahat ng lines nya ay sinulat at sinabi nya habang nasa ilalim ng alcoholic stupor.

bakit ang labo labo talaga ng panahon. sa gabi ay uulan. kaya lalamig ang tangke ng tubig. at pagligo sa umaga the next day ay sobra ang lamig (3x a wk nga pala maaga ang pasok ko, dalwang 7am at isang 8). kaya yun, ok narin para gising talaga. after ligo ay magkape nalang pampainit. tapos pag-alis ng bahay ayan malamig pa kaya dala jacket. pagdating skul, pasok diba, tapos pagtapos ng class ang init, grabe, dala dala mo ang jaket kaya papawisan ang braso kung san to nakasabit. at pag dating naman sa next class ay naka aircon kaya medyo alanganin kase pawis tapos aircon pero ayos lang kase hindi naman gumagana ang mga ganyan sa bulok naming skwela. paglabas ng bldg ok pa, tapos pag halfway na papunta sa next building (na parang pumunta ka sa bahay ng ka-village mo) buhos yung ulan, so un, basa na. tapos wla palang pasok. hahaha. badtrip ang thurs-fri, pero in that aspect lang. hindi na nga nangyayari ang umuulan habang walang araw ehh. laging maliwanag!

"i never expected anything like this" ("ma!! it's not wat u tink!!!") ("i'v known him por yrs maybe payb!!!") hahaha! de pero yun nga kase hindi ko inakala, sa tingin ko ay ok na at tanggap na ang daloy, at hindi ko na ipipilit sa isang tao kung wala naman talaga, pero ayun na nga, biglaan lang ehh. biglang ang saya. kase hindi nya cguro malalaman gaano kaimportante sakin na marinig yun sa kanya at exacto kung ano yung kailangan ko galing sa kanya, truly she never disappoints. at naverify ko na lahat nung nakaraan, lahat nung mga naisip ko "pano na to? kala ko ba ganyan?" ayun, ok na lahat ehh. so very uplifting. at eto pa! may smiley na uli. hahahaha!

alam mo ba na ang derivative ng cosh ay sinh?!?!... eh anu ngayon? sya ung nagsabi nun ehh. ahahaha. pagkadating ko palang sa 'gusali' ay may kulang na, kaya nakapaghanda narin ako. pero sayang nga lang yung damit ko. ahehehehe.

item of the week ay top leaf reds. 100s sya, at 100 din ang bawat pack. amp yan. pero smooth smooth, walang sabit, kaso nga lang ay pagdating mo sa may same street ng store na pupuntahan ay may 1/3 pa na natitira. weh

nahilo ko dun sa fried noodles thingy ng chow king. pero inubos ko parin. cguro dapat ay kinain ko na rin ang sayote pati ang mga carrot na ewan. pero ayos lang. ang pinakamasaya sa grandslam tennis tourney ay weekend nangyayari ang finals.

kelangan bumili na tayo ng remington shotgun! yung 12gauge. with scope!!!! taena, pagbabarilin nalang lahat diba?

Mga pagbabati: ate cay (shakeys!!! great original pizza!!! since 19pipti9), tita beth (same), ryan lea nissa ate inna mga kachat ko ngayon, gaye at cj (talaga? di nga? sarap?), ate inna galing, mel (anghilig mo ah!), lea kaya pa yan *chksshh* fellowship tayo, pb (kamusta ka na hindi kita maramdaman), lor( thanks solido kahit kung walang pangangailangan magthanks), raye busog ang mata at busog din sa chismis, sunrise boys (12gauge remington shotgun!!.. wid scope!!!!), up friends (dami na ninyo), ayos.
Sounds All-American Rejects - Too Far Gone
       
d-t: 220106 ; 12.04pm [ next ] [ prev ]
you can do it yerself
  nagaabang sa langit, sa mga ulap sumisilip, sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang
eh nastuck sa aking ulo ehh. pasensya na kayo.

it's the 22nd today. tyka ndi lang kahit anong 22nd na nalalaman. jan22 pa ngayon. nabasa ko yung blog mo, at naaliw ako dahil nagets ko agad na tungkol sakin yung paragraph na yun. kya eto, just returning the favor. ehh, alam naman ang lahat. (ba't kaya kelangan pa sa blog magsagutan, para naman di tayo naguusap). ehh sinimulan mo ehh hahaha. ayun, masasabi ko lang ay ang philosophy na naapply ko sa relatively recent times, which is: live it up!

sana may magbigay sakin ng links to e-books na comics, o kya magbigay nalang sakin ng graphic novel. wahehehehe. x-men pls.

lumalapit na ang midterms, and for sure i'm getting "back on track" na. grabe, took half the sem to get out of sembreak. eh kase naman nagka-pasko pa. isang paskong ndi ko pagpapalit that's for sure. pero ang sama nga lang ng tapos. (still moping about that one) eh yun yun ehh. pero eto na nga, kahit na i've been a very delinquent student ay makakaya naman cguro sana ang pagbawi.

ayun, may nakausap kase ako nung wykend ng matagal ehh. granted, i was on the way to realizing it (if hindi pa talaga narealize) yung mga kailangan ko gawin at mga responsibilidad na gagampanan. parang if ever padating palang, in terms na trips nun, naging "catalyst" ang usap na yun. yun lang.

last wyk ay nagkausap usap sa housemates tungkol sa mga banda, ehh, meron banda na hindi maala-alala yung pangalan. tapos dumaan yung buong week, yung isa samin iniisip nya talaga pamya't-mya. pero wala parin. so umuwi na ko dito sa pque nung friday (at si 2ste ay naiwan dun para "magaral" *ubo*mag-inom*heh* sa midterms ng teneo) at wala ng isip isip tungkol sa banda. tapos kagabe ay nagtext ung housemate ng "cradle of filth" yooonn. hahaha. natawa ko eh.

it's one of those times: problemado ang lahat sa ngayon. at parepareho ang pinoproblema. ako lang yata yung namomroblema sa grades. hahahaha. dapat pumarty ako kagabi para medyo nakasama ko ang mga taong makukulit at mahihilig manspot. ayus din, hinanap pa ko ng mga tao kagabe. waw! (paimportante gago)

check this out for alternative shoelacing methods. ewan ako kase natripan ko bigla baguhin ang mga shoelacing para naman "kinareer" hehehe.

friday was really great. ewan, yun na nga, parang todo ganda nung friday (at todo ganda rin nya) pero hindi ako naapektuhan ng sobra, ung tipong "in-lab" buong wykend. kase hindi tama yun. kahit na gano mo kagusto, yun na nga, ginagawan mo nalang ng paraan na makuha ang gusto mo, w/o having to "cross the line" into doing something morally wrong. plus, meron pa akong kandilang dinadala, kya it's not such a hard decision o pagpipigil para sa kin.

mga taong kailangan kong makausap: lor, mel, phoebe (sa "topic" ko). jax (sa lipat bahay). yung lab instructor ng p6 ("gahh gahh ilan na yung zero ko!!"). yung lecturer ng chem (paconsult sa mga bagay bagay na hindi ko inaalam nung time na dapat alamin). yung iba pa na mga ganun (just because). mga kasama lagi sa skwela ("huy, astig talaga ko no?")

nakatatlo't kalahating mug na ng kape ngayong umaga. ewan, nasarapan lang ako. at kailangan ko ng mga bagay bagay to keep me sane sa katipunan, kase pag ginawa ko talaga yung balak ko for this week ay medyo mababaliw yata ko dahil hindi ako sanay. oo tama, magaaral ako this week.

i'm so far away, and so alone
i need to see your face
to keep me sane, to make me whole
..
you're so far away, are you alone
you long for love's embrace
to keep you sane, to make you whole

pero kinukulit narin ako ng ermat ko na mag-empake na ng aking mga gamit. kse may lakad ngyon, at dederetsohin na ako sa loyola hts quezon city. kaya ayun. buti naupdate ko ang links, at first time nakablog ako twice in one weekend in a long while. kaya hirit uli sa kanta: mapapansin kaya sa dami ng yong ginagawa, kung kaagaw ko ang lahat, may pag-asa bang makilala ka

Mga pagbabati: lor at mel mga text ninyo (gahh diba pangalan yun). mm (buti ka pa papasa ng 2nd). mga housemates sa sunrise special mention kay josh na nagpapanggap na isang demonyito sa cradle of filth. lahat ng mga nagsabing tagababa ako (actually konti lang yun ehh at di pa nga ginamit ung saktong words). eLeS sensya na specially kay aris. gahh. ayun.
Sounds Dotsero - Welcome Home
       
d-t: 210106 ; 03.23am [ next ] [ prev ]
different
  3.23am na. whoo. bakit ba ganito, pag wla kang ginagawa, pwede ka naman matulog, pero pipiliin mo wag nalang. n'labo. pero ayus lang, at least naexercise mo ang decision making process. pero sige, dahil hindi naman nakakatulog at kahit walang naiisip ay magsusulat parin. just because. bahagi na ehh.

sabi sakin "huy! galing! panalong panalo!" pero sa totoo hindi ko naman naramdaman yun ehh. sa totoo nga naasar pa ko nung friday kasi kinailangan pang humiram. pero yun, nung nahiritan na ako, dun ko lang naisip ehh, na baka maging reputasyon ko na sa kolehiyo ay maging isang taong "tagababa". naexplain ko na yata sa iba ang ibig sabihin nyan. pero sasabihin ko uli: yung mga tagababa, sila ay mga tao din, pero they strip other people of any distinction or "special" traits. parang binababa nila yung mga tao na nakalagay sa pedestal, dinadala nila to the same level as they are, which is down here on the ground

sabi rin ng mga iba, "huy, kagabe, ang weird tlga!" (babae malamang ang nagsabi nyan), eh ayun, pero bakit naman para sakin ay hindi, pareho lang. related actually ung previous paragraph dito. pero ndi masyado. yun nga lang, paminsan mali ang pagbasa nila sa mga senyales, at hindi naman nila alam ang kabuuan. kaya paminsan gusto ko man yung pinagsasabi at masaya rin isipin ang mga naibigay na mga suggestion, ehh realist talaga ako, at mas gusto ko ma-categorize ang mga bagay bagay. kaya ok narin sana kung pag sinabi ko na ganito, take it for what it is. yun lang.

kase nakita ko na what works for most people, hindi ganun para sa akin ehh. different.

i'm learning. di seryoso.

backstreet boys? in manila?? di nga.. kelan?
tapos na pala eh

gah, nagkakagulo nanaman sa ilang mga bagay bagay, pero hindi naman masyadong sagabal sa buhay. yun nga lang, kailangan ko na talaga mag-aral, eh ok na yung "fun" part, responsibility naman. sinabi nga, hindi naman yung content ng syllabus ang mahalagang matutunan sa kolehiyo ehh kase tuturuan ka din nyan there's all your life to learn. ang mas kailangan mong maipasok sa daloy ng buhay mo ay yung work ethic mo, at ang pagt-tiyaga. responsibility, leadership, integrity. ayus yung piece of advice na yun ehh.

bakit kaya mali mali yung desisyon ko kanina, siguro sinasabi lang sakin na "o tama na ha, nakasulit ka na naman ehh"

blog again this weekend for less vague, at siguro mga laftrip na rin. hindi ko lang kase maisip ngayon dahil magaalaskwatro na.

Mga pagbabati: mga sumagot sa survey (reeko leia carla icy mga iba pa nakalimutan ko), mga up (mm, camille, gaye, jome, jai, cj, miggy, basta lahat na), mga astig na tao (garcia nissa, tropa nila jo, karen from math building), mga eLeS (lalo na si dana. hahaha!), mga barkada ng ate ko (kasama cyempre ang ate ko. basta 8 kyo), gaaahh astig pala talaga ang "friday im in love"
Sounds Kamikazee - Narda
       
d-t: 130106 ; 11.19pm [ next ] [ prev ]
bago naman
  the week was nice. okay na ang wednesday, mas umok pa ng thursday! di na kinailangan ang friday, dahil nabayaran na un nung thurs palang. masaya masaya.
  • lamang na lamang na ako
  • i'll always remember, the thrill of november
  • good week sa sunrise, blessing ng building ngayong weekend
  • parang ang tagal bago bininyagan amp, kalahating taon?
  • the song is disappear.
  • but i hope i don't disappear
  • are you still here, you told me you'd always be
  • bumagsak nga ako sa chem
  • very bad score. very very wrong
  • kailangan ko rin humabol sa physhicsh lab
  • ba't ako nagkaganto?
  • di parin ayus ang counter. pero bumibilang sya, mali lang ang dinidisplay
  • malaki ang mga prizes sa binggo! laftrip
  • mondays and thursdays? kayang kaya
  • miske na "..thursday i don't care bout you.." ang kanta, medyo mali un
  • who cares?? i do. ayan
  • have fun tomorrow night
  • delinquent student na ako. wla kong pe dis sem ehh
  • (bus tumatakbo sa kalagitnaan ng lane sa EDSA. tapos may sumigaw sa likod "MA PARA!"
  • ewan ko, pde ba un??
  • physics: "What is the force exerted by blahblah.." answer ko: yes
  • pero kumpleto naman ang pangalan, student no, college, degree program at DATE
  • mukhang uulit ako ng chem
  • kase naman ba't sabay sabay ang chem physics at calculus sa sem na to ehh!
  • mas ok pa si "peater" (re-) ehh. atleast mas light ang load
  • hindi naman sa nagaalangan ako, mukhang busy sya nun ehh
after math ay tumambay ako math bldg. kase 12.45 natapos ang math at 2.30 pa ang next class. (pero may plano na ako na magcut nung 2.30 na un wla naman cya sa mga critical paths ng curriculum) gumwa ako physics post-lab (yehesss!) ehh ayun. nakaupo lang ako sa mga tambayan areas dun sa 2nd floor. tapos may footsteps na parating pero deins ko pinansin kase nakatutok ako sa trabaho. mmya mya umupo sa tabi ko ung "may-ari" ng footsteps. pag tingin ko whow! hahaha. ehh ayun mukhang bcng bc at abalang abala ako sa gingwa ko (cguro) at sinabi nyang "o, yosi ka muna" or something like that basta't namigay. huh?? hahaha. tapos ayun nung sumindi na sya at naupo na ng tuluyan ay nakatingin parin ako sa physics book. pero wala akong mabasa. blur nalang ang sunod dun. yun ung thursday. amat ang abot ko.

wednesday ay ang unang wednesday na naspend ko entirely sa sunrise. sa totoo ay bumisita pko ateneo mga lunch time pero egh, wla nga ngyare dun ehh. ayun. tapos may nag-gateway. ehh pag tanong ko manonood pala sila ng narnia. eh yoko naman ng mga ganun ehh! haha, tyka hassel, angmahal mahal ng sine sa gateway. kalokohan ang la-z-boy chairs at bottomless popcorn. buti sana kung lord of the rings extended full-length version ang panoorin. o kya isang sine (pde rin ba cosine??! ulul!) na andun un. kya ayun, di na gumimik at akoy nag-aral nalang ng calculus. di umubra da next day ang inaral ko sa calculus. pero umubra mismo ung ako.

trading up?? nahh, just trying to get by.

59.5 out of 150 points is no small thing. katarantaduhan yon. lalo na kung ndi ka naman natuto sa chem nung 3rd yr (kase ba naman bat integrated sci. teacher ang nagturo?! heh) yan ang malaking crisis ko sa ngayon

pati syempre ung mga nasa personal na buhay

cubao deretso ng alabang via EDSA ay 2hrs. medyo sagabal sa oras lalo na pde ka naman mag mrt, pero ok na rin kung gus2 makatipid, at kung wla ka naman hinahabol. mas madali din kase isang sakayan nalang, onti lang ang lalakarin mo pagbaba ng alabang papuntang festi. kaso nga lang, kamalasan naman, ako lang ang nag-alabang sa bus na yon. kya ginwa nung bus nagexit sa sucat at pinalipat pa ko ng bus ehh tae, buti nalang binalik ang sampung piso ko. pero kinse ang hiningi ko kase di nya sinunod ung ruta nya ehh. ayun, assertive na studyante. pde nko magrally ehh. ah ulul. meron nga ko cap na "i love ninoy" at isusuot ko to next month, last skul day bago ang EDSA day. (next month nga ba? diba tama?) (tama ba? yes? is dis ok? waaah). hahaha.

mag-ingat sana si nicco dahil may REB tide ngyon, kung may nagyosi ng Marlboro REBs ay mahirap na dahil umiinit na uli ang panahon, tagay nalang ng icecold na REB Horse beer. masaya rin kung marami kyong gagawa nito pde na kayo sa REB box. pero tama na bisyo at kaprichohan, simpleng mga bagay lang tulad ng REB ribbon cakes, pamya't mya kumain sa REB crab at bumisita sa EGI sa taft para mag- iced tea sa REB spoon. o kya manood ng mga sine ni robert REBford, o kya ang sineng REB diaries (masama iyan!). pero yun na nga ehh, mga pulitiko diba REB plates sila? ang alam ko lang na plate ay ung kinakainan.. tyka ung mga PLATES ni carla sa archi. kung mag PLATE ng 3 times ay considered as 1 absence na itong tatlong to. egh? may bagong tag line ang visine "takes the REB out in 60secs!" sech? csch? mas maganda ang cosh at sinh nakakagana mag-aral ng hyperbolic functions tyka derivatives. ayus na yun.

one of d best wks evar. d best for d year so far

we will all draw lines in the sand

Mga pagbabati: mm (your book. almond limited edition), camille (busy busy, sensya), royce josh warren (binyag na! heh), nicco (PC!! ndi PC muscle kundi ung computer na isa), ate inna (galing mo tlga), arlehn (com4t? boypren? kulit mo!), ate cay at onie (ayus buti nalang tlga dyan kyo napapadali ang buhay, binggo?), cj gaye sandy"peater" (magaling ako ehh, ibang iba), jayreus pati king (o cge, halflong, pero wlang pahiram ng telepono), ma'm nissa (egh??), miss jen (financial calcu "san ung cosine dito."), miggy and jai (kyo ah), jai uli (basta't may formula ay madali nang chambahan), lor (ano ba yan mali ang numero! tsss. bawi ka nalang sakin mocca blends), lea (labo ba? sakay na muna ko sa brand mo, umiinit na ehh), petrucci (ung chem reference pati narin ung gitarista)
Sounds Dream Theater - Voices
       
d-t: 080106 ; 12.16am [ next ] [ prev ]
bright new mourning, este, morning
  what's new:
    theme. i especially liked the banner
    date format. i will now follow ddmmyy format
    the year
    other things feel so new
    and yet, not so different from what i've been used to

wait for sleep. it never comes. ang daming iniisip, ang daming pinoproblema. gusto ko ng isang gabi na wlang nakakabagabag sa akin. hindi nalang pwedeng umok ang mga bagay, kahit pag masaya ka, meron ka paring hinaharap na suliranin. pano pa kaya pag may dumagdag na mga bagay.

christmas vacation? parang isang panaginip. but after everything naaalala ko lahat ng ginawa ko. lahat ng mga nangyari. lahat lahat. pati ung time na patapos na ang bakasyon at back to reality. especially ung time na patapos na ang bakasyon at back to reality. yung vacation, nung natapos, parang dumaan ako sa isang oven. parang lang, kse di naman mainit nung bakasyon. after nung vacation nabalatan na ako. bago na ung skin.. basta, parang nabalatan, lahat ng scars ay tinanggal, parang ganun.

babagsak ako sa first exam ng chem

i'm looking forward. looking forward to my days with you

1o8 day today.

bakt ang bilis. pano nagbago. nakukulitan ka ba sakin? found something you didn't like? i hope we'll always be friends. i care about you. alam ko kung ano tingin mo sa mga iba. wag ka na mahiya. kaya ko. maraming maraming salamat. hindi ako galit. it's just that i haven't had enough time to get used to it yet, wala na agad. i miss you agad.

violet is the color for now. haha. ayos din tlga ito.

ang sayasaya kasama ng eLeS. kgabe lang uli nakasama since nagdistribute ng tshirts ehh. wla lang.

Mga pagbabati: carla happy 18th extended birthday na tuloy tuloy ang party kahit 108 day na, eLeS kagabi: ryan (banat ba sana sa tanong??) rico (wrestling god tlga ndi ka pdeng cook o "taga-gisa") mil (*tuht*.. 3x) dale (kasabay sa boss) rd (laftrip ka haha!) wally moja neil(behind the scenes) taenang gwardya yan, dana mamang mama na daw namboboljak pa ng water dispenser, camil at dustin salamat, mga nagchem test babagsak kyo! ay.. nagaral pala kayo at natulog maaga bago exam. tae. arlene made a breakthrough, salamat. ate cay ok na pagaling ka tapos tara mocca blends. royce and josh tara tugtog na itow! ate inna;) wag mo nang intindihin
Sounds Dream Theater - Degree 5: Disappear

Hosted by www.Geocities.ws

1