d-t: 260206 ; 08.52pm [ next ] [ prev ]
marches and maneuvers
  bakit hindi ko inakalang ganto pala ang mangyayari?

Bakit naman kasi sobrang ganda ng mga nakaraan, hindi ko inexpect na pwede palang maging tulad ng dati.

Naaapektohan parin pala ng mga bagay na nakakaapekto sa karamihan.

Why did it have to be so different, tuloy, ang expectations ko ay 'invincible' na ang sitwasyon, nothing can go wrong.

Where did it go?;)

look familiar?
best friend mo sa unknown analysis
[taken (without permission) from sandra's livejournal]

imissu. . .

Mga pagbabati: ate cay. happy birthday narin kay javy
Sounds updharmadown - June
       
d-t: 240206 ; 11.06pm [ next ] [ prev ]
trigonal bipyramidal na seesaw
  Masasabi na ring laftrip ang mga pangyayari. Nung una, siguro ang naisip ay "gahh, hindi ito p-pwede!" o kaya "pare idol kita" mga ganun (speaking in context, of course) na pagtingin. Pero ngayon ehh matatawa nalang ako kase ang galing talaga ng turn of events, it never fails to amaze me whenever I sit down and take the time to really think it through. Hindi naman sa lagi akong nagiisip tungkol dun (may schoolwork pa naman tyaka syempre, action!) kaya yun na nga un, nakaka-amaze. singit lang, kase nabobo ako ehh, blog ako ng blog at type ng type dito hindi ko pala nai-on ang coffee maker. just did. So anyway, yun na nga ang punto, laftrip narin. Kaya alang-alang duon ay eto ang isang kwento.

Nasa loob ng isang Chemistry lab (oi neil at ryan: diphosphorus pentoxide, wala pa yan, kita mo nga yung magandang score) nangyari, may reporting per group. So syempre ako ang feeling ko naman tingin ko alam ko na lahat yung pinagsasabi nung mga tao (pero ang aking pagf-feeling ay naverify naman later in the day pagdating sa chem lecture.. magaling na ko!!!). Kaya sige, nakafocus lang sa pagbuo ng molecular model ng TeCl4 compound gamit ang clay at toothpicks. Bigla nalang may gripo na tunog sumabog, pagtingin sa left ay basa na ang isang kaklase kase yun nga, para mo narin pinasabog yung gripo dun sa ginawa niya ehh. Haha. Loser. Pero hindi lang naman yun (babaw ko naman), nagrereport na yung wet guy ng kanyang covalent shiyet. Eh ako naman si gago edi kinausap ko nalang ang kagroup ko, edi malamang di ako nakikinig. Nung time na yun ay nakaupo ang prof sa may malapit lang (kase reporting yun ehh) at pinuna nalang ang aking mga gawain (ewan ko bakit. ahahahaha, hehe) kahit ako ay nasa likod naman niya. Ayun, sabi sa kin "psst, listen!" at ako'y nabigla. Di naman, medyo masaya nga ehh (ibig sabihin ba nun ay papansin ako?). So nakinig nalang ako sa next na report. Tapos yung prof may pinaulit na detail sa group na yun. Edi bigla ko may lightbulb sa ulo (di naman, kunwari lang) kaya ang ginawa ko nalang ay kinalabit ang prof at sinabing "psst! listen!" ahehehe. Siguro natawa naman si King, ehh kase ganun yung tipo ng hirit na ihihirit niya, pero yun lang yung dahilan na matatawa siya. Siguro yung daga (daga kase yung boses niya ay parang ganun) ay may ibang naisip na dahilan, pati narin ang mga tropa niya sa may lugar na yun. Convenient nga na nahirit ko yun, kase gusto ko rin tignan ang reaction ng mga iba, may obserbasyon na gustong isagawa. Ang badtrip, hindi ko na nagawa yung observation kaya useless na ang "benta" na hirit. (Di, di naman sa sobrang laking part ng buhay ko yung hirit, pero ang dami ko lang nasabi). Siguro yung isa ay nagselos o kaya nainggit ("checking out my legs" ehh), at yung bakla ay gusto na umalis. Syempre meron din natulog, ang aga aga ng lab ehh. Nalate pa nga ako.

May magandang argument: DOTA vs relationship. Actually hindi naman mismong relationship, gusto lang siguro tirahin ang DOTA (as in pabagsakin ah, hindi yung "tirahin"). Pero diba, libre naman humalik ng tao, hindi pa sasakit ang mata mo. Tyaka DOTA ay more than 1hr, ang pagmake-out ay.. kadiri na yun kung ganun katagal. Pero dahil dun mas madalas pwede gawin kase hindi time consuming. Pero sabi hindi ka daw papaiyakin ng DOTA, at hindi hihiling na magbago ka, at hindi ka papaantayin ng dalawang oras sa mall. Hehehe. Ok, tama nga naman. Pero ano yung nakuha mo sa DOTA? Diba pag nanalo ka ay pareho parin ang mundo, yun nga lang gumastos ka ng pangbayad sa oras. Siguro mga ibang babae ay insecure lang dahil inuuna ang pc sa kanila, may nakikita siguro sa paglalaro ng DOTA na hindi nakikita sa babae na yun. Pero totoo ba talaga yun? Minsan ay gusto mo lang talaga maglaro, di naman sa "may kulang" yung tao. Kaya don't jump to conclusions. Ibig sabihin, kung may obligasyon sayo yung tao, you've got nothing to worry about/feel insecure about. Pero ang sa akin, mas masaya nga humalik ng tao. Libre ehh.

Math naman ay nahiritan ako ng prof ko, (na ayon kay lea ay bebot daw), at nakulitan narin ako sa hirit niya. Naisip isip ko "nako, kung alam mo lang ang tingin ko sayo ehh di ka siguro makakahirit ng ganun". Tyka nasama narin dun yung "aba, malupit ako sa mga tao na tulad mo!" Hahahaha, di naman malupit. Nagiging dahilan lang ng pag bow-down.

Meron isang tao na kailangan kong sipain. Hindi naman sa maeexpel ako o kaya maaresto kung hindi ko sinipa pero wala lang, haha, ang kulit nung tao ehh. Siguro nainsecure sakin. Hmm, in line with the paga-aresto line, this past week ay foundation thingy sa UP. Ang masaya dun ay carless oval (as in sinara ang academic oval ng UP to traffic, use side streets lang daw) kaya ang luwag nung streets masaya magwalking, tyaka hindi narin gaanong kadumi at kainit sa oval dahil bawas pollution. Pero ang malaking bagay last week ay may mga taong naaresto sa UP, nakita daw ang iba na ineescort paalis ng campus. Nagchismoso nalang ako at sinabi sakin na hinuhuli ang mga suspected NPA members sa school. Parang makulit yun ahh, di mo alam yung katabi mo pala sa physics ay NPA pala. Hahaha.

Private jokes time: pagdating nung daga tinginan na yun for sure; ang hilig mangspot nung bakla ehh, nakakaurat na seryoso; pero ok lang na"grill" naman yung bakla at nailabas na rin na atat siya umalis palagi; chain rule ni jome, epektibo ito pag malapit ka na makwarto este kwatro; pinagod ko daw? hardly touched her; magkatugma yung feeling ko sa daloy ng mga pangyayari sa buhay niya; kahit na bawal, i hope you realize, i'm still gonna do it

I've realized that I've been taking some friends for granted. In line with this, I'd like to properly thank some people. Una si JC, salamat sa pagsuporta mo, even though you're a very principled person naiintindihan mo naman na minsan kelangan pansinin mo ang init at ang lamig para di mabaliw. Gelo, thanks again for the buffet, and thanks for sponsoring the trip home. Nicco, thanks for putting up with my being a sucky housemate. Neil, nagkakaintindihan lagi, Medina ehh. Ry salamat sa pagchop-chop ng iyong mga gamit para may use ang pagpunta sa album launch, also for the transportation. Josh sa pagkinig sakin kahit sukang suka na sa mga pareparehong kwento at walang kamatayang hirit na pailalim. Marrah at Kris, pangkatuwaan lang naman, I'm not really like that.. usually. Egh, eto muna, wala na sa lugar ito.

I should have started long ago with writing down all the thoughts in a separate section. Pwede na mapalabas ang livejournal ko dito sa site na ito, dun nakalagay ang max ng pagiging makatha ko, often nosebleed-worthy, but it's a good way to organize what I want to express. Continuation lang yun ng literature section (sa mga loyalista dito ay alam ninyo yun) ng site na tinanggal ko kase ayaw niya sumunod sa gusto kong itsura niya.

May tao na taga-pisay, may kagalit daw yun, tapos ang ginawa ay naglagay ng isang high-molarity acid solution sa 8 colemen/jugs. Ang hassle ay hindi yung target ang nakainom ng lason na yun. At yung nakainom ay may kidney failure na, naospital, buong buhay niya ay sabog na ang kidneys niya, sunog esophagus.. kawawa naman. Ayun. Just don't mess with the nerds anymore.

Medyo matagal ko na tinanggap din na end na muna ng isang kabanata ng buhay ko na minahal ko. Pero ngayon palang ako nagsisimulang kumilos para magampanan ng konti yung loss na yun. Malamang ay nakatago lang yun somewhere, ilalabas ko nalang pag may oras na ang lahat, sa ngayon ay mabubuhay na ko sa lugar at sa panahon at gagawan ng paraan maituloy parin ang gusto ko. Hope it turns out fine, pero hindi to katapusang permanente, just to fill the space kumbaga.

I actually care about the molecular geometry of covalently bonded compounds. And I care about.. err. It's the week which, quite frankly did not go as planned. At ayokong isipin na it's a good thing na hindi nasusunod ehh. Paminsan gusto mo naipapakita mo sa sarili mo na kaya mo sundin ang mga sinabi mo, kahit nung time na sinabi mo alam mo na na ayaw mo sundin. Pero tama na tungkol dun, kase pag hindi mo iniisip ay hindi ka maaasar.

Hope mike di�o gets out and makes a full recovery agad. Di na ako nakadalaw sa ospital kase nasa quezon city ako ehh. Pero eLeS parin syempre. Ayun, yun lang naman.

Mga pagbabati: ma dad atecay (ano?! pano tayo?); lab (king jayreus aljay reynald daga); phy (gaye camille jai miggy icybabe); math (mm jome ceej tropang-pisay); nissa; isama narin ang mga ibang hindi kaklase pero kinakasama naman.
Sounds Eraserheads - Maskara
       
d-t: 180206 ; 11.38pm [ next ] [ prev ]
"is it fair?" este UP Fair
  Siguro kung malaman nung tao na yun na ang dahilan kung bakit kailangan ito gawin ay dahil sa kanya, eh siguro ay maaasar at medyo ma-insecure na rin yun kase kung hindi dahil "bata" or dahil may modo naman ay hindi na pinipigil itong mga pangyayari. Kase marami namang tao na hindi marunong, walang morals, walang kaisip isip. Ang swerte narin niya at hindi ganun ang kasintahan niya. At kahit papano swerte narin siya na nakakalamang ako. (Not in the literal sense of the word, iba yung "pagkalamang" mismo, hindi siya ang nilalamangan ehh). So is it fair? Tama lang yun. I can see it now.

UP Fair last week. Actually the week before was midterms week at dahil dun ay nagtodo na ng selebrasyon netong nakaraang week of the fair. Hindi naman siya gaanong kasayahan, I'm still seeing a lot of things that zobel foundation week is really way better than most fairs in schools here in the country. Pero yun na nga, dahil private school naman ang zobel tyaka sobrang kinakareer ang foundation week (mostly since it's not a university dahil ang hirap naman mag-ayos ng ganung event for a community like UP, tyaka na rin dahil ang zobel ay wala pang 30years old, may "spark" pa kumbaga) ehh mas natitripan ko parin ang zobel fair lalo na yun naman ang aking kinagisnang "practice". So yun, every night ay may concert, sa loob ay may maliit na perya/carnival, may mga carnival games at mga manghuhula, may mga commercialized branded foods, may mga UP manininda din siyempre, at may mga tiangge din. Pinasok ko lang talaga ang fair grounds nung thursday na dahil nung monday at wednesday ay hindi ako pumunta (early class tues, no reason to go to school on wednesdays dahil walang class), at nung tuesday at friday naman ay nakuntento narin tumambay sa labas ng enclosure sa sunken garden. Maganda ang experience ko for this year, medyo nahassle ng konti at nagastusan nung tuesday (sa totoo early morning wednesday), pero bawing bawi at sulit na sulit ang buong week nung thursday.

Tuesday's concert was okay, puro naman pag-ibig ang kinanta, pero tumugtog ng "chinelas" ang kamikazee so hindi naman lahat ay pang magkasintahan. Sumali ako sa "single's night out" nung gabi na yun, if only because walang pasok wednesday at sayang naman ang aking gabi. Ang mahirap dun ay walang chaser. Pero ayus lang din kase sumobra nga talaga ang alcohol para sa mga kasama ko. Nag-uwi ako ng isang tao sa aming lugar sa katipunan at duon niya inantay ang sunrise (dahil nasaran siya ng dorm niya, curfew). Nakatulog siya sa hagdan, at buti ay gising pa si Kris at sinamahan ako, sumunod narin si Marrah mya mya. Ayun, lumipas oras (pasensya na at hindi ko na pinahiga si Sandy sa aking kama dahil nahiga siya sa damuhan at feeling ko ay nasukahan din ng isa pang sabog) ng mabilis. Pero ang pinakaimportanteng leksyon dito ay kung maglalasing lahat ng kasama mo, siguraduhin mo lasing ka na rin para hindi ka lugi sa pag-alaga. Pati wag ka narin maghalo ng bisyo.

Wednesday ay dumating ng mabilis, natulog nalang ako buong umaga (buti nalang at wala pang araw nun kaya nakapikit ako mabilis) at nagasikaso ng mga gawain nung hapon. Didn't go to fair na, katamad naman ehh tyaka may pasok ako ng maaga pag Thursdays. Sayang din kase pinakamadami ang bands sa lineup for Wednesday pero ayus lang hindi naman katapusan ng mundo.

Thursday eto ang masaya na araw, pumasok sa physics lab, lecture ay naging free cut, math masaya as always tapos walang geog. I was dismissed by 1, at may inayos na para sa gabing iyon. And after some time passed, nagkaron ng ideas. Kaya ayun, umuwi na muna, and all I can say is those were the least dull couple of hours that I've spent at sunrise. The "walls" have always been broken down before they got a chance to stand, kaya every time nalang ay kailangan magtayo nanaman ng ganun. Eh ayun, I wasn't really thinking about that, tinanggap ko lang ulit, kumain sa KFC bago nagpuntang UP para sa fair. I accompanied Nissa that night and it was fun. Ang maganda dun sa gabing yun ay maaga ang pasok the next day (7.30am) at dahil dun ay wala akong nakitang kaklase ko. Haha. Ano, ang "cool" ko na pala, nagpupuyat ako at lumalabas kahit may klase pa ng ganun kaaga, tssss. It was a great night, pwede mo nang sabihin forget everything. Pwede mo narin sabihing bow down. Hehehehe. Nung solb na si Nissa at umalis na siya ay nakita ko naman ang mga zobel na tagaUP. Nanuod nalang ng mga banda, grabe ang galing galing ng Sugarfree nung gabing yun. Sulit na din ang tugtog ng Hale, pati narin yung mga ayoko na isipin na mga banda. Basta't ang alam ko duon, kahit umalis ako ng (relatively) maaga ay nasulit ko na ang araw. (sa totoo kahit hindi pa fair ay pde ko na sabihin yun ehh)

Friday was unofficially called "last" day. Siguro sige last weekday narin ng fair, at last day ko sa loyola in the span of 2weeks, pero sa fair ay hindi naman talaga last day, sa loyola ay umabot parin ako ng saturday, at sa week naman (na tatapusin) ay hindi ito talaga last day. Pero last day nga naman daw kaya sige lang. If Thursday was more than expected, then Friday left me wanting. Ayun, ok ang umaga, tanghali pati hapon. Nung gabi na ay awww. Nanuod ako ng album launch ng Sandwich sa SM North, gumana yung pagka-eLeS dun, at naaliw din sa galing ng banda na yun. Nagpasign pa nga, laftrip kase chop-chop. After nun ay bumalik sa UP para sa fair. Ang "eraserfest" na tinawag ay hindi nasulit ehh. Mostly kase pagod na ko kaya di ko naenjoy. Masaya pagatapos nun, sa Somethin' Fishy sa eastwood (first time ko kumain ng midnight buffet dun). At pagatapos nun ay tumumba sa kama sandali, tapos umuwi na sa bahay. Bakit ba ganun. Feeling ko ay hindi ko parin kakayanin. Pero hindi na ko sure dun. Malay ko masurprise ko ang sarili ko.

I'm still wondering, and I know that I'll keep waiting. Kahit ano pa man sabihin sakin, sa ngayon eto ang gusto ko, eto ang gagawin, kaya pasensya nalang kase hindi ko kaya na hindi.

Mga pagbabati: tuesday group (icy babe, ange tsk tsk, gaye tumba, ceej ok ang pack, sandy hassle ka, gino benta tayo ng tao, ching behind the scenes, kaye ulul, other classmates na hindi ko alam ang mga pangalan hahaha); sunrise boys hindi ako rebelde; nissa I had a great time; zobel-up (mm next time nalang); neil pati ryan malaki talaga ang aking skwela; jc and jello salamat!; ate cay tulog; ateinna sana masaya ang linggo mo; lea sinisipa ko na rin yun; kris and marrah buksan ang isip; kuya eddie; and this other person na nalalabuan nalang ako bigla kase ba't ganun???
Sounds Eraserheads - Wag Mo nang Itanong
       
d-t: 130206 ; 05.17pm [ next ] [ prev ]
'eto na un' o kaya 'this is it'
  Have you ever been given something which you don't really want? Ibig sabihin, ayun, sige, binigay sa iyo yung bagay na yun, ayus diba libre. Pero it's not something that you really like, o kaya hindi mo naman normally kakailanganin ang bagay na yun. What do you do? Edi syempre diba tatanggapin mo yun, at gagamitin mo na rin, hahanapan mo ng use ang gamit na yun, kase nga naman, binigay yun sayo eh, hindi mo hinihingi, dumating nalang biglaan. As in, to show appreciation nalang, kahit wala naman sa normal na daloy ng buhay mo ang gamit na yun syempre use it narin, specially if the person who gave it to you is a friend or a special person. But let's not dwell on material things.
What if in a given situation, meron kang sinabing gagawin mo, meron kang sinabi na "o ganto mangyayari, blah blah", yun meron kang na set na agreement with someone. Tapos yung conditions ay depende rin sa desisyon nung tao na yun. What if ang nadecide niya, hindi yun ang inaasahan mo na magiging decision niya. As in, syempre handa ka na rin na kung magkakataon ganun na nga ang mangyayari, alam mo na ang gagawin mo, kaso nga lang hindi yun ang "desired result" mo. Malamang you have to stick to what you said earlier, na kung ano madecide niya, edi yun na basis ng mismong sariling decisions mo, kahit na ayaw mo. Unless napakaplastik mo (which is what i really hate) at sobra ding makasarili, ehh ayun syempre ipipilit mo yung gusto mo. But i guess you have to be really messed up in some part of your life to go back on what you said, what you promised. So ayun, you gotta take what was given to you, no matter how bitter a pill to swallow because it's what you said you would do. In life we go day to day, and we affect people, kahit hindi natin inaasahan o pinlano, you have an effect on other people's lives. What would the other person think about you if suddenly "ahh, kase i suddenly changed my mind" o kaya "ehh, hinde, sinabi ko lang yun kase kala ko payag ka". O, diba, ehh, hindi p-pwede yun. It's simple lang, it's just a matter of integrity. But maybe i'm categorizing it too much again.

I, i've proven time and again that all i want from anyone i meet is honesty, raw and complete honesty. Siguro yun din yung dahilan bakit minsan nasasabi sa akin "ang solid mo humirit" o kaya "ang deretso mo magsalita, di mo ba kaya pagandahin?" or something to the same effect. I guess ganun talaga ako, just gonna say the brutal truth, and that's why i demand it in return. Ayun, napatunayan ko na rin syempre na ako mismo, kaya ko harapin ang katotohanan na yun. Kahit siguro sobrang nakaka-kaba o kaya makakadulot ng kalungkutan sa akin, i guess that's one of my strong points. Ewan, dahil nga siguro ako minsan masyado akong *totoo* ehh yun narin yung dahilan bakit minsan naloloko ako o kaya mas malalim pa dun, naba-backstab ng mga iba. So it's a normal thing, both a pro and a con. Kaya din hindi ako usually nagkakaproblema sa panghuhula o kaya pagbabasa ng mga kilos ng mga tao na gusto ko alamin, kase pwede ko naman din tanungin para atleast alam na agad. Nung pasko yun yung nangyari, at i guess in a way yun din ang nangyari nung wednesday. Hindi siya buong-buo, pero atleast kahit papano ay totoo yun. Yun nga lang, i don't think i gave enough assurance na kaya ko ang katotohanan. Ang dahilan lang siguro is it's a new thing for me, and that stuff like that happens but in dreams and on the silver screen, kaya di ako "comfortable" (as in, nahihiya ako, yun lang naman).
So anyway, tungkol dun sa truth thing, meron kase nasabi sa akin ehh. Ayun, hopefully it's the bare truth, no sugar coating, basta't buong-buo na yun. Kase para sa akin, madali ako maniwala na yun ang totoo. Yun nga lang growing up in the world, meron talaga mga plastic na tao na as in opposite pa ng sinabi nila ang kanilang ibig sabihin. So it's in the back of my mind and it won't let me feel okay. Alam mo yun, nasa utak mo na "baka iba naman ang ibig nya sabihin", "hindi totoo yun, how do you explain [insert events]" kase nga andun yung knowledge na people do it. Add to that pa na gusto mo talaga na iba yung ibig sabihin ng tao na yun. You almost want to believe that person lied, kase hinahanapan mo ng lugar ang justification of past events. It's kinda scary, everytime it happens to me (hindi naman ako santo no, ilang beses na rin nangyari na ang gusto ko talaga ay nakakaapekto sa moralidad ko), kase nga what i know that i want is honesty, and what i feel that i want is that the person lied. As in, ayun, pag sa simula "sana pakipot lang un!" pag tumagal ay "sana she's just playing around", at once that person is in my blood, once she gets underneath my skin "please tell me she's lying" na ang nagiging epekto. It's happened before, at hindi ko man nagustuhan, tinanggap ko pa rin (refer to first par.) kase that's what i've been given. And it's happened again at hindi ko pa alam kung ano ang mararamdaman ko in the coming days. My feelings always surprise me, they just come and go, hindi ko mapredict. Pero i've made my point. I wish it was different, but i know that it's the truth, and i'm still gonna accept it because i promised.

nagkaroon na ng bagong section ang mga blog entries na ang tawag ay "the dump" dahil dito pwedeng itambak lahat ng pagf-feeling at ka-epalan. ayun. basta't dyan ko nalang lalagay para atleast nasa lugar naman yung mga kalokohan na yun.
the dump: "buti ka pa di pasmado" (bakit? di ka naman talaga pasmado ehh, you're just getting sweaty palms because of me); whispering in front of class habang test time (oh, di naman yan talaga ang gusto mong kausap ehh, ba't tingin ka ng tingin dito?); an older woman and her guy friend keep staring at me (haha! guy feels threatened, woman can't look away!); "ui pare, patulong naman dito sa analysis ko oh" (hah, di ka talaga papasa kundi dahil sakin!!); "paantay naman oh" (swerte mo naman..); "teka kailangan ka namin dun ehh" (ahh, ehh, wala naman ako maiaambag sa study group, baka naman gusto niyo lang ako spottan..)
parang sarap upakan ang dating ahh. hahaha. pero yun, imbento naman ang iba ehh, kaso pasensya na, yung mga iba naisip ko talaga nung times na nangyayari yun kaya ehh, bahala na.

Pinagpalit ko ang brain cells, pinagpalit ko ang formula ng surface area of a sphere (who's gonna need it later on anyway, if ever pwede naman tignan ang libro ehh!) para sa "feelings". I'm thinking of someone whose biggest turn on is "feelings". I tried it out, and okay naman, masarap pala rin yun, nakakalaglag din at nakakablanko ng utak. It wasn't a big deal, it wasn't *mind-blowing*, pero pasok din sa expectations ko (i don't really have high ones). Pero wala akong pagaalangan, wala akong inaalala, kahit siguro pumasok na ang buong block bigla kasama na lahat ng mga maiimpluwensiyang tao ehh hindi naman ako kikibo. Pero in truth, prior to that, i was scared. Ang inaalala ko ehh kung hindi ako makatumbas o maka-"live up to it", so to speak. But i guess it's not really important, the only thing i regret is that hindi ko sinulit as much as i would have with someone i've known for a long time, at tyka, basta, someone who falls under her idea of *normal* for me. Yung hindi shooting for the stars kind of person. Pero yun nga, be happy with it, cause it sure is way better than nothing. Nakakahiya na nga na pumasok lang ako bigla sa buhay, sa ganitong pagkakataon at circumstances pa, tapos siya pa yung naga-alala sakin.. Wow, i'm so fortunate.
i've learned about myself. that i'll take only what someone has for me, nothing more.


To sum it up, the point is it's okay and i wasn't taken completely by surprise kase nga naipaliwanag na yun dati. Ganyan talaga, sori ka nalang. Yun nga lang it's an age old battle as head fights heart and i'm caught in the middle. Ang gusto ko talaga, and i'm not denying it, ay ituloy. Pero ang pangako ko stands, at kung yun naman ang gusto niya ehh bakit ko kokontrahin? It's not about me, it's about you parang ganun. Ah mali, hindi "parang ganun" kundi ganun yun talaga. So hopefully she won't worry anymore kase i've almost done the mistake once before, yung unahin ang aking damdamin at yun ang hayaang magsalita. Kaya rin siguro hindi na ako naka salita, kase baka mali ang masabi, at ang epekto nun ehh siguro kulang sa assurance. Alam ko kulang sa assurance kase tanong siya ng tanong.
Will i follow strictly? Yes. Will i feel happy about it? Of course not. But it's not about feelings, it's about duty. It's about the promise, and the deal (no matter how unclear), and the joy it brought. Bayaan mo na yung mga kalungkutan, sus, pwede ka naman din magaral, as in, yun din naman ang ginagawa mo pag hindi ka lumilibot sa palma hall. Hahaha. Pero yun na nga. wow, ang dami ng nasulat ko, baka maging epekto nanaman ehh hindi maniwalang ayus lang ako. hahaha. Ayun, sanay na naman din na sobrang dami ng sinusulat ko ehh, i guess i'm frank but not concise, takes a lot of words but i'll say it anyway.

Nung monday night ay napanuod ko ang Paramita sa magnet dito sa katipunan road loyola heights qc, eto yung unang beses kong mapanood tong banda na to. May hype factor din kase yung vocalist ay sya ring drummer. Kaya i was really interested in seeing how to do it properly (isa rin yun sa gusto ko gawin ehh), and i wasn't disappointed. Galing! Pagkapasok ng kantang "Hiling" ay hindi na ko tumigil sa pag sing along hanggang matapos sila tumugtog. Ayus, bago crush!
kung ito ang 'yong hiling
gaano man kasakit sa akin
ibibigay sayo
..
ang tanging pakiusap lang,
huwag mo akong kalimutan

Hagulgol mode? Naah, best part of the song lang para sakin. Sus, kapal ko naman, according nga sa isang cliche ay hindi mo naman pde pakawalan kung hindi naman "yours" in the first place diba. Tyaka hindi naman tungkol sa "falling out of it", it's just a matter of who she wishes to be, and i'm not gonna make her do something she'd feel guilty about, kahit na sinasabi rin sakin ng damdamin ko na "hina mo! bayaan mo yung iba!" tyka "di pa naman kasal ehhh!!!!" ahahahaha, loko lang ang huling bahagi. The important things didn't really change anyway, so ayus!

Mga pagbabati: Josh and Nicco who are currently reading over my shoulder (*ughugh*); ate ko; study group (ange, ceej, ching, gaye, icy, ung mga iba wahh kakahiya either nakalimutan ko na andun kayo o hindi ko talaga lam pangalan niyo) (onga no puro babae, pero ano ngayon?); nissa (cheryl? ayus un ah); kris at marrah (whoo!); and others i've forgotten
Sounds Barry Manilow - Somewhere Down the Road
       
d-t: 050206 ; 02.20pm [ next ] [ prev ]
short stories and shortchanged
  first of all pde ko lang sabihin na dahil sa pagdidiin ko na natalo si sharapova kay justine ay ayan nakarma ako at napanood ko ang final ng pinakabaduy na aussie open ever. ayun. sobrang asar parin ako tungkol dun sa nangyaring un, pero sige, tagal na rin nun ahh.

what follows is a series of short stories detailing some of the things that happened to me last week, and some things that happened to other people. heh. ewan, kyo na bahala kung ano ang sa akin at ano ang sa iba.

Ang Pagkamatay ng Kuko sa Paa
Shaw Boulevard station: MRT. mainit, masikip. standing room. carrying a big backpack, with a calculus book, a laboratory manual, some clothes, notes. pack of marlboros in hand, as well as the train ticket. middle-aged woman gets in the car, finds no room to sit. sumara na ang pinto, at malapit na umandar. nabuo sa isipan ang mga salitang "humawak ka" pero too late, umandar ang tren, at ang matanda ay nadala, nagstep back, at naglanding ang buong timbang nya sa sapatos ko. aray.

The Power of Sleep
Thursday, naurat dahil sa lagnat, sore throat pati sipon. miske math class ay hindi nakapagpagana, walang gana makinig. review pa naman yun para sa exam sa friday. pag uwi ay hindi makatulog, walang pahinga dahil masakit ulo. nagkape para makalma at mainitan ang katawan. hindi na nahugasan ang gamit na coffee maker pati ang mga gamit na mga plato at utensils, nakatulog na ng maaga (unang beses sa sobrang tagal na panahon). mga 10pm ay tumba na at nananaginip na. nagising 4.30 ng umaga the next day. niluglugan nalang ang coffee maker mula kagabe, at gumawa nanaman. hindi na nainom ang kape dahil nakatulog uli. pag gising ay magaalas-syete na. naghanda para sa skwela, kumain, etc. hindi na nakaaral para sa math exam, pero sige ok lang.
pag take ng math exam ay namental block, dahilan narin sa suot nya, at dahil andun ako sa harap ng kanyang mesa, she's there in my face. pero konting pagsanay lang sa maliit na distansya sa pagitan namin, nasagutan ko lahat ng numero. ayun, wala akong lagnat pag gising, pero hindi ako nakaaral ng math. pero nasagutan ko lahat. whoo!

Parang nasa Highschool parin
May bago sa mga araw ko, at ang nakaraang linggo ang simula. Araw-araw na lamang, bawa't oras na libre, bawa't minutong may kaunting pagkakataon, kinukuha ko na muli ang bawa't oportunidad. Pwede narin sabihing oportunista ako at abusado. Sa simpleng gawain tulad ng pagpunta sa skwela, gusto ay may pakwela parin, "agahan mo ah!" At hindi naman iniba ang daloy ng mga gawain, ganun parin ang routine pero nga lang, may dagdag, maswerte ako at nasa normal na daanan ko ang lugar na yun. Hindi na bago ang pakiramdam na ganito. Parang nasa highskul nga uli. Yun nga lang, on a much larger scale. Kung sa zobel ay kaya na ikutin ang buong ruta sa loob ng 20mins (30 pag marami kasama at wala namang talagang hinahanap, ung tipong kahit sino s-spottan) ehh ngayon ay isang ruta lang ang magagamit, as in papunta sa isang bldg lang yung kalahating oras na yun. Pero ok lang. Kasi araw-araw ginawa, (pwera miyerkules), at hindi ko ito mapigil. Sabi nga "can't get enough", ehh, hindi ko kasalanan yun;) Ewan, tama nga, pag bago palang, sobrang aliw, exciting, at hindi mo makontrol, parang basta nalang lilitaw sa isipan at biglang gusto mo na kac nagiinit na yung laman mo, (egh?) at mababaliw ka na ata kung hindi mo makuha kahit dalawang minuto lang. Ang laftrip ay narerealize mo, aware ka at the moment na para kang bata uli, sobra sobra kung amatan, nabubulag na sa mga bagay bagay. Ang maganda naman dito ehh walang nagreklamo, game na game. As in, ewan ko lang, siguro magkasing-adik lang kami pareho. Baka "kailangan" to sa ngayon. Basta ang alam ko ay masaya.

The Party is Home
Nagkaron ng serious upgrade ang pc sa apartment sa sunrise. At ang game of choice ko ngayon ay quake3, dahil adik ako dito nung 3rd year. Humina na nga ako sa ibang mga gawain, kase di ko namamalayan ang daloy ng oras habang naglalar. Pero surprisingly, i'm even more focused on my studies than i was nung "bulok" pa yung pc. Ewan, siguro kase ngayon may pacing na, andyan na yung convenience eh, kaya parang utang na loob na yun para sa ginhawa, maging competent na na tao.

Barya-barya
Burger Machine: walang barya. walang sukli sa isandaan. pagtingin ng coins ay kinse lang ang andun pero ang kinain ko ay 25. payag na yung tauhan dun sa barya ko. astig. siguro kase "regular customer" na rin, lalo pag mga alas-dos ng umaga at ako nalang ang gising, sila narin lang ang bukas na kainan.
Love Shawarma (the original TURKEHS shawarma!!! barok ampota!): may guy na sobrang tagal na nya nandun. as in, nakatayo lang walang ginagawa. hawak nya ung shawarma. tapos nung tinanong sya nung tao eh inaantay daw nya sukli nya sa isandaan, eh pagbukas drawer wala namang isandaan dun. (mabuti pa sana umalis nalang sya ehh, nilulubos pa ang panloloko ehh). ayun, di na nga nya binayaran yung shawarma, nanghingi pa ng "sukli", gahh, ano ba naman yan. ako nga wala kong pera pero gagawin ko ba yun?! haha, ewan malay mo diba? hehehehe. pero ayun, sobrang tagal ko nakapila sa likod nya tapos wala rin nangyari, iniwan nalang nya ung shawarma dun. ako na yung sunod tapos pag tingin ko andun na sa kabilang side ng booth ang pila. arrrgghhh, asar. i spent 40mins dun sa place na yun, badtrip oh.

Mabunga ngayon ang mga Puno
Paminsan parang ang buhay ay monotonous, parang walang kakaiba, wala, sobrang dry. Tigang na lupa. Uhaw ka. (Llaguno mems hahaha), at paminsan naman ay sobrang masagana, sobrang abundant ng harvest. Ewan, sa isang aspeto ng buhay ko ngayon ay ganun. Walang "breathing room", hindi ka pa nakakapagsettle down mula sa recent events ay meron nanaman. Kahit paguwi, walang patawad. It's actually scary, because i'm out of my element, (nasa qc ito nangyayari ehh), pero hindi naman yung hindi ka gagalaw dahil nakakakaba. Only because i'm currently dealing with the unknown, and experimenting with new things. Yun lang naman. Pero ang saya ng feeling.

--kagabe ay ang 'surprise' bday celebration para ke camille. kulang yung mga tao, ewan, siguro kase huli na rin kami dumating. kulang din ang eLeS kagabi, at hindi pa ako nakasali masyado, kase umalis agad. pero ok rin dun, steady naman, ung iba amats. at ung isa ay sobrang labo talaga nakakatawa.
girl na girl ahh. thursday dilaw, tapos friday ay pink. hmmmm.. astig talaga yung linggo. i haven't been this "persistent" in a long long time.

ang salita na stampede, it implies a level of mentality more suited to animals. ang bobo talaga ng nangyari kahapon. as in, sensya na pero tanga tanga talaga solid! man, sabi nga ng lab instructor ko sa isang brain teaser: (ung sagot sa brain teaser na un) na what's very important nowadays is education. i mean, nung lumalaki ako, mga 5yrs old hanggang mga 10 ay nanonood ang mga katulong sa bahay ng that's entertainment, mga ganyan, tapos egh nung may malay na ako eh wala na ko oras para sa mga ganun. tapos nabalitaan ko ito, at nung tinanong ko ano ba talaga ginagawa sa wowowee ehh ganun parin pala halos! as in, that was half of my life ago, tapos eh hanggang ngayon ay ganyan parin ang nakakapagpaaliw sa masa?? my god. and damn, ung pagkamatay nung mga tao, sobrang bobo ng nangyari na i almost wish i could say they deserve it. almost. it's not just the death, it's the reality that our society is too uneducated to be left to itself. marami ako talagang thoughts dito, at kung gugustuhin nyo ay tara discuss natin over coffee. main point, hayy nko, (sabi ko di ko gagawng maapektohan ng buhay UP pero nakakatulong to sa argument ko eh) sana sa PAGCOR nalang o kaya sa BIR magkaroon ng budget cut, imbis na sa UP. education tlga ang kailangan ehh. we're such a sad nation.

i'm starting to find, mga aspeto ng buhay nung highskul na simple lang, ngayon ay nagiging mas importante at mas significant na. at ang mga komplikado nung highschool, hindi na ganun ngayon. a good example is expectations. in highschool may social expectations, as in who you are as a person. in college it's all about what you can do, kahit sino ka pa o kahit saan pinanggalingan mo, basta't kung ano yung kakayahan mo yun lang. ewan, mas maigi talaga ang ganun (ung sa college). (pero nung highschool mas gusto ko yung highskul) hehehe, ayus naman. kase the thing is, i probably haven't lived up to the "ability" standards (sa expectations oo, tama lang ang mga hinala nung una akong nakita) pero sa tingin ko naman eh i satisfied the "as a person" expectations and surpassed them. (same reason, nung una ako nakita ay hindi ako mukhang matino kausap) hahaha. ayun. ewan. great ender to a really good week.

Mga pagbabati: gelo jc nicco (super snickers, taking out, don't get held up, i'm a rhino, dami pota), dino (sapatos! ayos!), camille happy happy birthday, carla ano ba yun talaga, eLeS kagabi, ate inna (naman, argh), nissa (adik ah), ate ko, ung math prof, ung mga magaling na tagabenta ng greens
Sounds MuDvAyNe - Forget to Remember

Hosted by www.Geocities.ws

1