Ang Probinsyana
Mula sa probinsya, ako ay lumarga,
At ditto nga napadpad sa lugar ng Pampanga.
Walang alam na ibang mapapasukan,
Kaya’t nagging trabaho’y magladlad ng katawan.
Nasusulasok man sa nakasusulasok na gawain,
(Kung iyo’y trabaho ngang maituturing)
Di ko naman malaman kung
saan susuling
Kaya’t tanging magagawa lahat ay
lunukin.
Bigla na lamang di ako dinatnan
Lalo akong nalito, dinaan ko sa
dasal.
Pumasok na katulong sa mag-asawang marangal
Di nagtagal at ako ay nagsilang.
Ang aking inluwal ay maitim at pango
Sa itsura nya’y tyak ama ay Negro
Ngunit sino naman kaya sa kanila?
Sa dinami-dami, sagutin ya’y di ko kaya.
Unti-unting nilagom ng pighati ang pag-iisip
“Lasunin ko kaya o ilong ay pisilin?
Me malapit na ilog, akin kayang lunurin?
Tama! Iiwan ko na lang sa pinto ng simbahan.”
At wala sa sariling ako ay naglakad,
Di namamalayang luha ay pumapatak,
Nang ilalapag ko na ang aking anak,
Biglang walang tahan siyang umiyak.
Bigla ay para akong nagising,
Dinampot ko ang sanggol, itinutok ang tingin,
Pinatahan sa aking dibdib at aking nilambing,
Sabay usal sa kanya, “Anak, ako’y patawarin!”
Back to My Poems (and Others) Page