LOREN LEGARDA HOMEPAGE MAIN PAGE
THE INSIDE STORY
AWARDS & RECOGNITION
PRESS RELEASES
JOIN THE VOLUNTEERS
SIGN OUR GUESTBOOK
LOREN SA BAWA'T BARANGAY
Sa mahabang panahong nakaraan, ang tuwinang binibigyan ng diin ng Pamahalaan upang mapabuti ang kabuhayan sa bansang Pilipinas ay ang malawakang programa sa pagpapaunlad at pakikipag-ugnayan sa iba't- ibang bansa or "globalization". Nguni't, sa kabila ng lahat, maliwanag na hindi naisasakatuparan ang mga mithiin ng taong bayan. Hanggang sa ngayon, ang pamumuhay sa Barangay ay masasabing wala pa rin katiwasayan.

Sa dahilang ito, ang aking adhikain ay baguhin ang pamamaraan ng pagpapaunland. Sa halip ay dapat na ang bigyan ng diin ng Pamahalaan ay ang Barangay.

I propose that we go back to basics. Think Barangay! Focus the development efforts towards the Barangay level. Promote self-reliance of every Barangay. Ito ay magagampanan sa pamamagitan ng aking programang "L-O-R-E-N SA BAWA'T BARANGAY".

L-O-R-E-N stands for Law and Order, Rights of women, youth and children, Education, environment, employment and Nationalism.

L-O-R-E-N seeks to bring about:

  • Kapayapaan sa bawa't Barangay
  • Pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan at kabataan sa bawa't Barangay
  • Education, environmental protection and employment sa bawa't Barangay
  • Nationalismo sa diwa at sa isip ng bawa't isa sa Barangay

My dream - ang aking pangarap ay mabigyan ang bawa't Barangay ng:

  • Kapayapaan
  • Kaunlaran
  • Katiwasayan

Sa inyong tulong at awa ng Panginoon, sa ating pagtatagumpay, sa loob ng 6 na taon ng aking magiging panunungkulan bilang isang Senador, ang aking tatangkilin at pagmamalasakitan ng higit sa lahat ay itaas ang antas ng kabuhayan sa bawa't Barangay.

I will endeavor to visit and help as many of the 42,000 Barangays in the Philippines as possible.

Ito ay aking isasakatuparan sa pamamagitan ng mabisa at matagal ko ng ipinaiiral na pamamaraan. I have helped many people in the past by serving as an INTERMEDIARY. I will bring together those who can, with those who cannot. Gagawan ko ng paraan na ang mga tao at mga organisasyon na may kakayanan ay tumulong sa pagpapaunlad ng mga Barangay na nangangailangan. Helping others help themselves.

Tunay na ang aking nais ay makatulong ang programang "L-O-R-E-N SA BAWA'T BARANGAY". At ng ang "L-O-R-E-N SA BAWA'T BARANGAY" ay magkaroon ng lubos na katotohanan, ang sinumang ngayon ay buntis o nagdadalangtao, at manganganak sa darating na buwan ng Mayo, ay hinihiling ko na ang sanggol ay pangalanan na LOREN.

Mababae man o malalaki ay angkop ang pangalang LOREN. Ang tunay kong pangalan ay Lorna Regina, kaya ako ay binigyan ng palayaw na LOREN. Kung lalaki naman, ang maaaring ipangalan ay Lorenzo at ang palayaw ay LOREN pa rin. Tungkol dito, kung inyong mamarapatin, ako ay nag-aalok na maging isa sa mga Ninang ng lahat ng sanggol na bibinyagan at papangalan na LOREN.

loren's signature

LOREN LEGARDA      
... back to top
[ HOME ]   [ THE INSIDE STORY ]   [ AWARDS & RECOGNITIONS ]
[ PRESS RELEASES ]   [ JOIN THE VOLUNTEERS ]   [ SIGN OUR GUESTBOOK ]

This page hosted by Get your own Free Homepage
Send your comments to the webmaster

Web Site Designed & Developed
by Friends of Loren Legarda
Hosted by www.Geocities.ws

1