Nagkakilala
si Fernando (ang tatay namin) at si Fe (ang nanay namin) through
Mama's cousin. Mula sa work nila sa factory, ng kendi ata un
sa aking pagkakahula, eh matiyagang hinihintay ng pinsan ni
Mama ang jeep na pinapasada ni Papa. Natural magpinsan yun eh
di syempre sabay sila uuwi. At first mukhang mas interested
ang cousin ni Mama kay Papa, so may times na nagpapa-cute sya
kay Papa. Though si Papa naman nagpapa-impress kay Mama, I don't
know kung nung time na yun, maco-consider na maganda nga si
Mama *grins*. One thing's for sure, Mama has this flawless white
skin, who likes to wear miniskirts *how kikay naman*. So who
would not notice here? *heller?*. Anyway, basta don na nagstart
ang pag-iibigan nila, nag-umpisa sa jeepney ride.. iba nga naman
talaga "basta driver, sweet lover". Those were the
times na usong-uso ang beatles, bell-bottoms, miniskirt.. just
look at the picture on the left..you'll see what 70's era was
*lolz*.
Sa lahat ng manliligaw ni Mama, sya ang pinili ni Mama. Sabi
ni Mama sa akin, ma-alaga daw si Papa. They had their problems
din before they got married, pero this one is for real, pinagdasal
pa nga daw ni Mama na bigyan sya ng sign if she's choosing the
right person. So they got married, 29 June 1976, and I was born
11 December of that same year ;-).
Mama and Papa are both music lovers, they had collections of
big discs, yung uso non, and of course tape cassettes. Sa kanila
ko nakuha ang pagkahilig ko rin sa music.. pero ang music walang
hilig sken *lolz*. Mama can sing, Papa? malabo. Mostly Mama
influenced me with her tastes in music, I remember we were singing
songs of AIR SUPPLY together, while Papa is a avid fan of BEATLES.
Music and dance goes together hindi ba? So Mama, would tell
me to watch PIA MORAN as she dances BODY LANGUAGE, and afterwards
would encourage me to dance like her. She was so proud that
she would call all the ladies of the nearby apartments just
to watch me dance the BODY LANGUAGE *eekk*. Para makarelate
ang mga bagong henerasyon, yung dance na yun ay parang yung
saway ng SPAGHETTI ng SEXBOMB DANCERS. Where I would wiggle
my body, round and round, pero sa version ng BODY LANGUAGE,
imbes na pababa while wiggling, paikot ng dahandahan until I
complete one rotation.
After 5 years, they had their church wedding at Bangar, La Union
on 1981. That time, I guess nasa General Motors na ang work
ni Papa. May times na pag umuuwi sya iba-iba kotse nyang dala,
those were the times ata na may tino-tour syang mga tourist
na may connection sa GM, I'm not really sure about that. Pero
sure ako na may mga times na sya ang driver ng mga tourist,
na pumapasyal dito sa Manila. And for that, na may kotse sya
pauwi, minsan ginagawang pangpunta nila sa beerhouse *lolz*
ng di alam ni Mama (ata?!). Tapos there's this thing we usually
do, na para umuwi si Papa. Kse nung maliit pa ako, we (Mama
and I) usually wait for Papa from work or from somewhere else
:P. Pag ganyang ginagabi naman, este minamadaling-araw na naman
si Papa. Gagawin namin, we would get Papa's worned clothes,
kung pantalon man yun or damit, basta yung ginamit na nya at
hindi pa nilalabhan. Mama would hang it, and she would let me
strike it 3x ng 3 strands of walis tingting, while chanting
"PAPA UMUWI KA NA!!!" 3x too *lolz*. It sure works,
kasi maya-maya kumakatok na si Papa sa door namin. Mama told
me, pag ginawa daw yung ganon, makakaramdam daw si Papa ng parang
di sya mapapakali, na parang may humihila sa kanya papauwi.
Pero sa mga minsanang escapades ni Papa, he remains a responsible
husband and father to us, all throughout.
When Mama began to sell fish at Galas Market, that's when big
changes happened. Usually I am with mom while Papa's working.
Pero nung pareho na silang nagtrabaho, naiiwan na lang ako with
our kasambahay. Those family gatherings at school, rarely namang
nakaka-attend sila both. Relatives, mas lalong laging nasa bahay,
especially pag may occasion, inuman, maingay, then afterwards
may away na *geez* pero di naman madalas. Unti-unti umangat
ang buhay namin, then at about the of age of 7, lumipat na kami
sa tirahan namin sa DAMKA, Old Sta Mesa. It was a compound/place
na dating kangkungan *lol*, na ini-award sa aming mga residente
ni Pres Aquino non. So, we owned the property na.
Who would knew na sa isang iglap, biglang magtu-turn ang buhay
namin. Nung nasunugan kami after a year na maisilang ang bunso
namin, nagkahirap hirap na. Hanggang sa time na kinailangan
na ni Mama na magquit. Though before kaya pang paikutin ang
pera, nung after nasunugan, nahirapan na. And that came to a
conclusion that one of them should seek employment abroad. Nag-try
si papa, pero I forgot the reason bakit hindi natuloy. Then
nagtry si Mama, there were many attempts at first pero wala..
then came the oppurtunity na pumunta ng HongKong to work as
DH. It was the real start of a broken family. No matter how
much Papa tried to make our family intact, mas lalong mahirap
na kasi mas malayo na sila sa isa't-isa.
I don't know how painful it is with my two younger sisters to
know na wala ng intention ang mother namin to come back. Hindi
nga rin yata nila alam or naguguluhan din siguro sila ano ba
talaga ang nangyayari, dahil mga batang-bata pa sila. Tulad
din siguro ng pagkakaalam namin, yun din ang alam ng mga kapatid
ko, na she was just there to work at mairaos ang buhay namin
sa paghihirap.