..P..a..P..a....&....M..a..M..a..  

Nagkakilala si Fernando (ang tatay namin) at si Fe (ang nanay namin) through Mama's cousin. Mula sa work nila sa factory, ng kendi ata un sa aking pagkakahula, eh matiyagang hinihintay ng pinsan ni Mama ang jeep na pinapasada ni Papa. Natural magpinsan yun eh di syempre sabay sila uuwi. At first mukhang mas interested ang cousin ni Mama kay Papa, so may times na nagpapa-cute sya kay Papa. Though si Papa naman nagpapa-impress kay Mama, I don't know kung nung time na yun, maco-consider na maganda nga si Mama *grins*. One thing's for sure, Mama has this flawless white skin, who likes to wear miniskirts *how kikay naman*. So who would not notice here? *heller?*. Anyway, basta don na nagstart ang pag-iibigan nila, nag-umpisa sa jeepney ride.. iba nga naman talaga "basta driver, sweet lover". Those were the times na usong-uso ang beatles, bell-bottoms, miniskirt.. just look at the picture on the left..you'll see what 70's era was *lolz*.

Sa lahat ng manliligaw ni Mama, sya ang pinili ni Mama. Sabi ni Mama sa akin, ma-alaga daw si Papa. They had their problems din before they got married, pero this one is for real, pinagdasal pa nga daw ni Mama na bigyan sya ng sign if she's choosing the right person. So they got married, 29 June 1976, and I was born 11 December of that same year ;-).

Mama and Papa are both music lovers, they had collections of big discs, yung uso non, and of course tape cassettes. Sa kanila ko nakuha ang pagkahilig ko rin sa music.. pero ang music walang hilig sken *lolz*. Mama can sing, Papa? malabo. Mostly Mama influenced me with her tastes in music, I remember we were singing songs of AIR SUPPLY together, while Papa is a avid fan of BEATLES. Music and dance goes together hindi ba? So Mama, would tell me to watch PIA MORAN as she dances BODY LANGUAGE, and afterwards would encourage me to dance like her. She was so proud that she would call all the ladies of the nearby apartments just to watch me dance the BODY LANGUAGE *eekk*. Para makarelate ang mga bagong henerasyon, yung dance na yun ay parang yung saway ng SPAGHETTI ng SEXBOMB DANCERS. Where I would wiggle my body, round and round, pero sa version ng BODY LANGUAGE, imbes na pababa while wiggling, paikot ng dahandahan until I complete one rotation.

After 5 years, they had their church wedding at Bangar, La Union on 1981. That time, I guess nasa General Motors na ang work ni Papa. May times na pag umuuwi sya iba-iba kotse nyang dala, those were the times ata na may tino-tour syang mga tourist na may connection sa GM, I'm not really sure about that. Pero sure ako na may mga times na sya ang driver ng mga tourist, na pumapasyal dito sa Manila. And for that, na may kotse sya pauwi, minsan ginagawang pangpunta nila sa beerhouse *lolz* ng di alam ni Mama (ata?!). Tapos there's this thing we usually do, na para umuwi si Papa. Kse nung maliit pa ako, we (Mama and I) usually wait for Papa from work or from somewhere else :P. Pag ganyang ginagabi naman, este minamadaling-araw na naman si Papa. Gagawin namin, we would get Papa's worned clothes, kung pantalon man yun or damit, basta yung ginamit na nya at hindi pa nilalabhan. Mama would hang it, and she would let me strike it 3x ng 3 strands of walis tingting, while chanting "PAPA UMUWI KA NA!!!" 3x too *lolz*. It sure works, kasi maya-maya kumakatok na si Papa sa door namin. Mama told me, pag ginawa daw yung ganon, makakaramdam daw si Papa ng parang di sya mapapakali, na parang may humihila sa kanya papauwi. Pero sa mga minsanang escapades ni Papa, he remains a responsible husband and father to us, all throughout.

When Mama began to sell fish at Galas Market, that's when big changes happened. Usually I am with mom while Papa's working. Pero nung pareho na silang nagtrabaho, naiiwan na lang ako with our kasambahay. Those family gatherings at school, rarely namang nakaka-attend sila both. Relatives, mas lalong laging nasa bahay, especially pag may occasion, inuman, maingay, then afterwards may away na *geez* pero di naman madalas. Unti-unti umangat ang buhay namin, then at about the of age of 7, lumipat na kami sa tirahan namin sa DAMKA, Old Sta Mesa. It was a compound/place na dating kangkungan *lol*, na ini-award sa aming mga residente ni Pres Aquino non. So, we owned the property na.

Who would knew na sa isang iglap, biglang magtu-turn ang buhay namin. Nung nasunugan kami after a year na maisilang ang bunso namin, nagkahirap hirap na. Hanggang sa time na kinailangan na ni Mama na magquit. Though before kaya pang paikutin ang pera, nung after nasunugan, nahirapan na. And that came to a conclusion that one of them should seek employment abroad. Nag-try si papa, pero I forgot the reason bakit hindi natuloy. Then nagtry si Mama, there were many attempts at first pero wala.. then came the oppurtunity na pumunta ng HongKong to work as DH. It was the real start of a broken family. No matter how much Papa tried to make our family intact, mas lalong mahirap na kasi mas malayo na sila sa isa't-isa.

I don't know how painful it is with my two younger sisters to know na wala ng intention ang mother namin to come back. Hindi nga rin yata nila alam or naguguluhan din siguro sila ano ba talaga ang nangyayari, dahil mga batang-bata pa sila. Tulad din siguro ng pagkakaalam namin, yun din ang alam ng mga kapatid ko, na she was just there to work at mairaos ang buhay namin sa paghihirap.

 
..J..u..V..Y..  

After 3 years of waiting for a baby brother/sister, finally my wish was granted on the latter part of1984. Then 9 months later, 6th of July 1985, it was raining, at baha pa sa labas, mom delivered a baby gurl so cute and adorable. Wuhoo! ate na ako. Tapos, ilang months after, ang chubby chubby, hirap ngang buhatin dahil payatot ako non. Yung name na JUVY si papa ang nagbigay non, pero before pa, nung buntis pa si mama, biruan sa bahay na pag boy daw ang name ay MAX.. tapos pag girl ay MAXIMA..

Grabe ang age difference namin, almost 9 years. I wanted her to grow up na agad, para makasama ko sya sa school.  Yun nga lang highschool na ako.. nasa prep pa lang sya.. pero at least may little sister na ako, at may tumatawag na sa akin ng ATE JHING. Mga toddler years
nya, mabibo, unlike me na sobrang mahiyain. Madalas isama sa palengke, habang si mama nagtitinda ng isda sa Galas Market. Kantahan mo ng song ad ng OLA, yung kamay nya magsisimula ng gumalaw ng parang don sa pearly shell. At isa pa sa patok na commercial sa kanya, eh yung kay Alice Dixon na commercial ng palmolive na I CAN FEEL IT, YEAH!

Naalala ko, pag naiiwan sya ng service namin (jeep sa malayong kamag-anak namin na ginagamit sa pagdedeliver ng isda, imagine ung amoy?..wehehe), hihintayin nya ako till uwian namin. Yung konting baon(money) ko, share ko pa sa kanya. Tapos don sya maglalaro, may kasama rin kse sya na classmate nya na may kapatid din sa highschool, si NESTOR MAITIM. Uyyy!! tinutukso pa nga namin sya ni FANNIE don sa classmate nyang yun. Yun nga lang pag naiinip na siguro.. ang gagawin nya.. mula ata sa unahan na room hanggang maabot sa room namin eh.. sumisilip sya sa mga bintana.. tapos ung damit nakupu! puti pa naman, ang dumi dumi. May mga mantsa ng chocolate, or kung ano mang kinain
nya, o kaya dumi na rin ata mula sa bintana ng mga rooms, ginagawa atang basahan yung damit nya.

 
..J..o..a..N..N..a....M..a..R..i..e..  

Heto si joma, ang bunso. It was April 1987, two years after juvy was born, nagconceive ulit si mama. Wish ko lalaki naman, para may baby boy na kami. Pero girl ulit, wihihi.. so tatlong maria na kami. January 19, 1988, ipinanganak si bunso.

Sa aming tatlo, sya lang ang matagal na na-breastfeed ni mama. Alala ko pa non, nilalagyan ng sili yung nipples ni mama para matigil na si joma. Eh wala na nga atang lumalabas na gatas eh, pero di pa rin natigil si joma, nakalimutan ko na kung kelan natigil at paano natigil.

Isa pang kakatuwa kay joma, nung bata pa sya, pag nagkakatanungan kung san magbabakasyon or kung san magi-stay.. ang sagot ko sa LA UNION, si juvy sa BICOL, tapos sya, proud na proud na sasabihing sa SM(centerpoint). Pag tinanong mo kung bakit, kase daw masarap daw don dahil malamig.

May takot dati si joma sa putukan or gulo/away. Pag may away sa labas, pupunta na yan sa kwarto nila at magtatalukbong ng kumot, nangangatog. At pag new year's eve na, kami nasa may pinto, nagiingay habang nanonood ng fireworks, sya naman nasa kwarto at takot. Siguro kaya sya ganon, dahil sa na-experience nya nung nasunugan kami. Magda-dalawang taon pa lang kasi sya non, nung nasunugan kami. Malaki ang epekto siguro sa kanya, kaya konting kaguluhan or kakaibang ingay, natatakot na sya. Ewan ko lang ngayon kung ganon pa rin sya. Pero sabi
ni mama, si joma daw pinakamatapang, kse pag nasa kalsada sila ni juvy, sya ang nakikipagaway sa umaaway kay juvy.

Limang taon pa lang si joma nung umalis si mama para magtrabaho as DH sa HongKong. Ang alam ni joma, may pupuntahan lang si mama, pero di nya alam na magtatrabaho sya at matatagalan bago umuwi. I know nagtampo si joma, dahil nabasa ko sa isang letter na sinulat nya.

 
[ home ][ photos ][ papa & mama ][ my sis jov ][ my sis joma ]
[ my pedigree chart ][ my husband's pedigree chart]
[ my husband's hompage ][ guestbook ][ other links ]



Hosted by www.Geocities.ws

1