| Ano'ng kahulugan ng ating logo? | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| (reprinted from Ang Kappatiran, special issue no. 2, August 1977) Isang katuparan! Sa pinagsama-samang talino at paggawa, nabuo ang ating opisyal na logo. Ito ay napagtibay noong ika-7 ng Hulyo, 1977. Tatsulok, bilog, pula, at asul ang siyang nagpatingkas sa makahulugang logo. Makahulugan sapagkat ang kabuuan ng logo ay nag-aangkin ng pinag-isang interpretasyon. |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Ang logo ay binubuo ng dalawang hugis --- isang malaking bilog at sa loob nito ay tatsulok na tinataglay ang Ang Tao. Bilog sapagkat ito ang hugis na sumasagisag na walang katapusang pag-asa. Ang tatsulok naman ang sumasagisag sa pakikibaka sa mga problema at pagsubok upang makamit ang mga adhikain sa mas malawak na lipunan. Ang pula sa tatsulok ay sagisag ng mga problemang hinaharap ng ating kapatiran gayundin ng mas malawak na lipunan. Ang asul ay simbolo ng pag-asa na makakamit natin ang ating mga mithiin. Upang pag-ugnayin ang dalawa, ang kamao ng ikatlong tao ay lumabas sa tatsulok bilang tanda na ang pakikibaka ay kaakibat naman ng pag-asa. sapagkat ang kapatiran ay bahagi ng mas malawak na lipunan, ang pangalan at ang taon ng kanyang pagkakkatatag ay nasa loob ng tatsulok. Ang Ang Tao ay nagpapahiwatig ng pag-unlad ng tao mula sa kanyang pagkawalang-muwang, pagkamulat, pakikipag-laban, at pagpapakatatag. Bigyan natin ng tunay na kahulugan ang logo sa pamamagitan ng aktibong pagkilos sa pagsasakatuparan ng ating adhikaing makapagsilbi sa mas malawak na lipunan. |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Home | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| BLOG | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Projects and Activities | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Photo Gallery | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Other Photos | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Members | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| News | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() ![]() |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| 2003 Anniversary | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| History | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| UP Kappa Phi Sigma Home | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| [email protected] | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Email: | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| webmaster | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||