| ARALIN 1 |
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
Ilagay ang Oo kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung hindi wasto ang isinasaad Ilagay ang sagot sa may kaliwang bahagi na mga kahon.
- Hindi makatulog si Florante sa buong magdamag dahil nag-aalala siya sa mga hayop na gamagala sa gubat.
- Ikinabahala ni Aladin ang panunumbalik ng dating lakas ni Florante kaya mababakas sa kanyang mukha ang kagalakan.
- Tuwin mapupukaw si Florante sa maagang pagkakatulog siya ay naghihimutok dahil sa inaabot niyang kasawian.
- Lalong natuwa ang Moro nang makitang kumilos ang kanyang kalong sapagkat mararamdaman na nito ang hirap sa kanyang iigagawad.
- Halos makalimutan ni Aladin ang kanyang suliranin nang mamasdan niya ang panunumbalik ng dating lakas ni Florante.
- Hindi mabigkas ni Aladin ang pasasalamat na ginawa ni Florante nang ito ay pagbalikan ng malay.
- Ang pag-aaruga na ginawa ni Aladin kay Florante ay isang kabayanihan.
- Nang pagbalikan ng malay si Florante ang una pa rin niyang tinawag ay si Laura, nagpapatunay na ito ay mahal pa rin niya.
- Naniwala si Aladin na si Florante ay may katuwirang mamatay nang mabatid niya ang kadahilanan.
- Hindi isinalaysay ni Florante kay Aladin ang dahilan ng kanyang paghihirap sapagkat ayaw niyang balikan ang nakaraan.
|
|