a |
| May mga bagay na hindi matatakasan / gaya ng kamatayan at ng sinilangang bayan. // Heto ako: nakatayo sa kanto ng Kundiman / at Espa�a, nag-aabang ng masasakyan, / nag-iisip ng dahilan kung bakit laging ganito: / walang pagkakat aon na nag-iisang naghihintay / sa tabi ng daan; may mga p pumaparang dyip / subalit sa biyaheng di ko patutunguhan. // Nakalulungkot ang arangkada ng sandali. / Hindi naman t talaga ako nagmamadali / ngunit ano'ng gagawin sa mga ka kasama / na hindi ko naman lubusang kakilala? / Tangay na kami at bitbit namin / ang kanya-kanyang karanasan at alaa alaala / na maaaring may kung ilang dekada / ang pagitan. Ilba't iba ang aming pinagmumulan / at sa huli'y magkakaib a rin ang inuuwian. // Itinataya ako't nagtataya rin sa lipuna n nang wala naman talagang kalaban- / laban. Ilan sa kanila ang may hinanakit din / sa sistema? Kung mababasa ko lam ang sana / sa kanilang mga mata o sa galaw ng kamay / sa kanilang pagpara ang pag-unawa sa kahulugan / ng pakikib aka, mas may nabuo sana akong pasya. // Sino sa kanila ang nanindigan sa EDSA? / Kaninong pag-asa ang nabulabog sa mga putok / na maririnig lamang sa mga malalim / at lihi m na pag-iisa? Sadyang nakapapagod din / ang ganitong m ga araw ng paghihintay, / ang halos pare-parehong mukhan g nakasasabay, ang mismong pagpapatuloy ng buhay. // He to ako't inaalala ang pagkamatay / ng ama sa Mendiola, iniis ip ang inang / patuloy na nakikibaka habang ako nga / ngay |
![]() |
|