Bilang 1 (Oktubre 2003
  
Umuwi ako sapagkat napagpasiyahang ito ang pinakamabisang / gamot sa kalungkutan. Hindi sa simbahan nahuhugasan / ang kasalanan. Nasa sariling bayan ang buka ng absolusyon / at pagsisisi. Ilang gabi ang aking binuno sa pagbuo ng desisyon. / Waang sandaling hindi ako dinamayan ng pangamba: / paano kung wala na ang mga kababatang / nakasama sa pag-akyat sa mga puno ng mangga -- / o ngayon ba ay may aakyatin pang mga bunga? / Ano ang mukhang ihaharap ko kay ama? / Pangangahas ang ugat ng aking paglisan. Lumaki ako / at kinasawaang akyatin ang lumiliit na puno sa aking paningin. Nagsimula akong mangarap / nang walang pagkilala sa lupang pinagkakabuhayan / ng pamilya. Binansagan akong lapastangan ng kuya: / Sa tingin mo ba'y kaya mo nang mag-isa? / Buo ang loob ko. "Hindi ako para rtto." Suntok sa panga / ang ipinabaon niya. Nabuhay ako sa pagbabakasakali./ May kung ilang anihan ang pinalagpasng aking pagmamatigas hanggang sa halos inilimos ko na / maging pambili ng aking bigas. Ngayon, mapapangahasan / kong muling magbaik. Takot ang nakaulayaw ko hanggang sa panaginip. Kilalanin pa kaya ako / ng mga tinalikuran? Bukas kayang daratnan ang pinto sa dating

BALIK SA KANTO

MAY-AKDA

JOURNAL

TULA

KUWENTO

SANAYSAY

KRITISISMO

AKLAT

KLASE

ARCHIVE

USAPAN

LINKS
Unang Labas
Sa panahong ito kung kailan kailangang matutunan ng mga manunulat kahit ang pinakasimpleng batas ng html, at magparamdam hindi na lamang sa binubuklat na pahina ng mga diyaryo, magasin, journal at aklat kundi maging sa
Hosted by www.Geocities.ws

1