|
2005: Isang Kahig, Basta Makatuka? Panibagong taon na naman. Ang taon 2005 ay sinasabing taon ng kahoy na manok. Ano naman kaya ang kahihinatnan ng mga Pilipino sa taong ito? Ayon sa mga ekspertong manghuhula, ang taong ito ay patuloy na magdudulot ng paghihirap sa ating mga Pilipino. At dahil nga taon ito ng manok, pinaniniwalaang ang �isang kahig, isang tuka� ay higit na mamamayani. Ayon kay Jojo Acuin, isang sikat na psychic, �may katangian man ang tandang na lumipad ay limitado naman ang inaabot nito. Samakatuwid, ang tagumpay sa taong ito ay may sukatan�. Sa kabilang banda, ang masuwerteng negosyo daw para sa taong ito ay ang mga negosyong may kinalaman sa pagkain samantalang ang masuwerteng kulay naman ay orange. Marahil, sanay na nga ang mga Pilipino na makarinig ng mga prediksyon. Sa bawat pagtatapos ng taon ay inaabangan ang mga sasabihin ng mga sikat na manghuhula para sa susunod na taon. Patunay nga lang ito na hindi pa rin kumukupas ang pagiging maka-pamahiin ng mga Pilipino pagkat ang mga hulang ito ay ginagawang gabay para sa pagsalubong at pagharap sa taong darating. Marahil, sa hirap ng buhay ay nag-aabang ng panibagong pag-asa ang mga Pilipino sa tuwing darating ang bagong taon. |
|
Copyright © 2005 |