My Reflection

This is the first official website of Aiza Joy Gumia.

Home

My profile

My VIPs

My articles

Site Links

Site map

E-mail Me

     Sa kabila ng sinasabing paghihirap ng ating bansa, hindi pa rin naaalis sa ating mga Pilipino ang hilig sa pagkain. Likas na mahilig ang mga Pilipinong kumain kaya kahit naghihirap na ang tinitiyak na kahit papaano�y malagyan ng laman ang sikmura.

    Halimbawa na lamang dito sa Masscom, sa kabila ng paggagahol sa mga papers, prods., exams at kung anu-ano pang mga gawain ay hindi mo makikita ang Gloria�s na walang tao. Ayun at ang iba�y doon pa nga gumagawa at nag-uusap. Meron din namang para makatipid ay hayun at nagkalat sa labas at doon naman kumakain ng fish balls, kwek-kwek, isaw, monay, turon, taho at kung anu-ano pang nilalako nina ate at manong. Kung masuwerte-suwerte ka naman at may natira sa pera mong ginamit pangpa-xerox ng sangkatutak na readings ay marahil sa SM, Choco Kiss, Chateau Verde o kung saan mang medyo mamahaling kainan ka pupunta. Gahol ka man sa oras o nagtitipid ng baon, kapag tawag na ng sikmura ay hinding-hindi mo ito mapahihindian. Paano nga naman kasi gagana ang iyong isip at katawan kung wala itong laman? Hindi ba�t pagkain lamang ang solusyon dito?

     Kaya naman mabenta sa ating mga estudyante o sa kung sinumang Pilipino ang anumang pagkain na makakapatid sa ating gutom, mapamahal man ito o murmurahin lang. At, sa kahit anumang taon hinding-hindi mawawala sa mga Pilipino ang hilig na ito na kung minsan ay nagiging paraan na rin ng pampalubag-loob sa mga hirap na nararanasan. Di ba�t anong sarap nga naman na pagkatapos ng isang mahaba at mahirap na gawain ay busugin mo ang iyong tiyan?

...NEXT...

Copyright © 2005
All Rights Reserved
Aiza Joy A. Gumia
University of the Philippines, Diliman QC

Hosted by www.Geocities.ws

1