Marcelo L. Gonzales
4-achievers adviser
Isang masipag at mabait na guro na nag tapos sa Mount Carmel College. Nagturo sa Mayor Cesario A. Pimentel National High School (dating San Luis National High School) sa loob ng halos labing anim na taon.
Ngayo’y ipinagpapatuloy nya ang kanyang pagtuturo sa Villa, Aurora upang maging isang ganap na punong guro ng sekundarya.
Ang fourth year achiever batch 2011-2012 ay isa sa mga maipag-mamalaking produkto ng Mayor Cesario A. Pimentel National High School. . .
Maituturing itong pinaka huling batch na tinuruan ni Ginoong Marcelo L. Gonzales na ngayo’y nagtuturo na sa Villa, Aurora upang maging isang ganap na punong guro. Kahit na sa sandaling panahon lang kami nagsama-sama ay marami naman kaming alaala na naiwan sa bawat isa, kahit na minsan nagkakaroon ng sama ng loob sa isa’t-isa hindi pa rin naming malilimutan ang mga pinag-samahan naming magkaka-klase.
Kaya ginawa ang website na ito hindi dahil sa isa lamang itong proyekto sa kolehiyo kundi magsisilbi na rin itong alaala sa mga taong nakaka-kilala sa huling batch na tinuruan ni Ginoong Gonzales.
Joel Lipata Cerbito
4-achiever
Batch 2011-2012