Home | Mission&Vission | History | Faculty&Staff | Facilities

JUAN C. ANGARA MEMORIAL HIGH SCHOOL

(History)

Mula sa sinapupunan ng bayan ng Casiguran, ika-18 ng hunyo, 1966 ng isilang ang bayan ng Dinalungan, bayang sagana sa luntiang kapaligiran, masaganang ani at pawang mamayan ang nananahan. Sa gitna ng tahimik at walang muwang sa karahasan, ang musmos na bayan ay sumigla ng maluklok si G. Pablo Galolo Sr., bilang kauna-unahang Punong bayan. Dahilan sa hirap na dinaranas ng nga kabataan sa paglalakad patungong Casiguran at mapanganib na pagsakay ng Bangka patungong Baler upang doon ay makapag-aral. Naging layunin niya ang makapagtayo ng isang paaralang sekondarya sa bayan ng Dinalungan. Noong hulyo 13, 1967 ay inilabas ang papeles sa pagkakatatag ng mataas na paaralan na kinilala bilang Dinalungan Barangay High School. Sa tulong ng tatlong beteranong mga guro na sina G. Rogelio Villanueva, Gng. Loreta Bote at Bb. Bella Hernandez na humubog at nagturo sa mga mag-aaral sa mga bahay nina G. Antonio Soriao, G. Marcelo Acosta at Mayor Pablo Galolo Sr., na bukas puso nilang ipinagkaloob upang magsilbing pansamantalanbg silid-aralan. May dalawampung mag-aaral ang kauna-unahang nagtapos sa Paaralang Sekondarya. Dalawang taon ang matuling lumipas, ang mga mag-aaral at mga guro ng mataas na paaralan ay kinupkop ng Paaralang Sentral ng Dinalungan na tumagal ng halos 22 taon.

Taong 1991 ng pormal na ipagkaloob ni G. Juan C. Angara ang may tatlong ektaryang lupain sa mamayan ng Dinalungan, at dito itinatag ang paaralang Juan C. Angara Memorial High School, bilang parangal at pasasalamat sa taong nagkaloob sa lupaing kinatirikan nito. Sa loob ng 42 taong pagkakatatag ng paaralang Sekondarya ng Dinalungan patuloy ito sa pag-akyat sa rurok ng kanyang tagumpay. Sa kasalukuyan mayroong 549 na mag-aaral at 19 na mga guro ang ating paaralan.