|
|
Bad trip na bad trip ka na ba sa traffic? Hindi na makatiis sa boarding house o wala nang matuluyan paglabas ng Kalayaan at may balak pumasok sa pinakamasayang dorm sa UP? Kung ganon, ito ang mga dapat mong gawin para matupad ang iyong pangarap Magtanong sa dorm manager ng Molave kung ano ang mga kailangang gawin, ipasa at kung mayroon pang bakante. Dapat siya mismo ang kausapin dahil kailangan mong magpalakas sa kanya. Dapat malapit ka sa kahit isang Professor lang para may mag-recommend sayo.Gumawa ka ng application letter at dito mo na ibuhos lahat ng ka-dramahan sa buhay mo. Magkaroon na rin ng mga kaibigang taga-molave para makibalita kung may mga dapat nang gawin para makapasok. Kaibiganin rin ang mga gwardya para malaman kung kailan nandoon ang dorm manager. Kulit-kulitin and dorm manager. Kahit sabihin niyang puno na, sabihin mo pa ring maghihintay ka ng bakante. Follow up. Dapat magtiyaga para makita ng dom manager na pursigido at interesado kang pumasok. Maganda rin kung taga-probinsya ka para priority ka, pero wala ring silbi yun kung sa araw ng paghuhusaga kung sino ang mga tatanggapin ay huli kang dumating. Dapat sobrang aga ka para siguradong may slot ka. Katulad ko. Ala sais y media pa lang ng umaga nandon na ako, pero 8:30 pa dumating ang dorm manager. Kung gusto mo, isama mo ang nanay mo para mas malakas ang hatak, para na rin sa interbyu kasi kakailanganing kausapin ng dorm manager ang guardian o magulang. Kapag nabigyan ka na ng application form,�Emagsaya ka kasi makakakita ka na ng liwanag! Tanggap ka na! Pumunta ka na sa cashier at magbayad na ng P250.00 para sa deposito upang wala nang makaagaw sa trono mo. O di ba ang dali lang?! Pero syempre kailangan ng diskarte. Kaya mo yan! |

Go To Next Article
Back To Main Page
Go To
Welcome To Strange!
Body Parts
Body Phenomenon
Life
About Me
Articles
Site Links
Guestbook
Site Map
