garfield iLyN-On-LiNe!
home about me gallery guestbook site links sitemap

songs

And this is where my favorite articles are. Two of them come from my Journalism 109 class. The others are just some writings that I find interesting or inspiring. Hope you'll feel the same after you read them.

You're Under Arrest!
poems
graphics
articles

ISANG PRAYMER SA HIKA

ANO ANG HIKA?
Ang hika o asthma ay kundisyon kung saan ang isang tao ay nahihirapang huminga. Sa normal na paghinga, ang hangin ay malayang pumapasok at lumalabas sa baga. Subalit sa pag-atake ng hika, ang daanan ng hangin ay namamaga at sumisikip, at ang hangin ay hindi nakakapasok sa baga. Dahil dito, ang tao ay nagkakaroon ng matinding ubo.
Ang mga sintomas ng hika ay nagkakaiba depende sa tagal ng pag-atake nito. Maaari itong abutin ng oras, araw, linggo, o buwan. Gayunpaman, kadalasang mas malala ito sa gabi at sa madaling-araw. Ang kundisyon ng hika ay nag-iiba-iba. Ang ilang mga pag-atake ay dala ng okasyunal na "triggers" gaya ng pag-eehersisyo, at ang iba naman ay sinusumpong lang pag may pagbabago sa kapaligiran (halimbawa ay biglang pag-init o pahlamig ng panahon.

MGA DAHILAN NG HIKA
Mas makipot ang daanan ng hangin ng mga taong may hika at mas sensitibo sila sa mga bagay na nagiging sanhi ng "allergies" (o ang tinatawag na "allergens") kung ikukumpara sa mga taong walang hika. Kabilang sa mga "triggers" ng hika ay impeksyong dulot ng mikrobyo, mga "allergens" tulad ng usok ng sigarilyo, matinding alikabok, at "pollen", o matinding pagpapakita ng emosyon. Bawat taong may hika ay may iba-ibang reaksyon sa iba-ibang "trigger". Ang kaalaman tungkol sa mga "triggers" na ito ay syang pangunahing hakbang upang makontrol ang pag-atake ng hika.

SINO ANG MAAARING MAGKAROON NG HIKA?
Tinataya ng World Health Organization o WHO na may 100 hanggang 150 milyong tao sa buong mundo na may hika, at ang bilang na ito ay kasalukuyan pang tumataas. Ang mga namatay na sa kundisyong ito ay umaabot na sa mahigit 180,000 taun-taon. Ang hika ay problemang pangkalusugan hindi lamang ng umuunlad pa lamang na bansa tulad ng Pilipinas kundi maging ng mga mayayamang bansa na rin. Maaariitong magsimula sa kahit na anong edad, ngunit kadalasan ay sa pagkabata.

PAANO NASUSURI ANG HIKA?
Ang mga kailangan para sa pagsusuri ng hika ay isang maingat na medical history, at mga tests of pulmonary function. Isa sa mga paraang ginagamit sa pagsusuri ng hika ay ang spirometry. Ito ay ang pagsusuri sa bilis ng paglabas ng hangin mula sa baga upang malaman kung normal ang pagdaloy ng hangin sa baga ng isang tao.

PAANO NILULUNASANANG HIKA?
Ang pagkontrol sa hika ay pinapakahulugang kawalan ng sintomas at malalang pag-atake, normal na antas ng paggawa o pagkilos, at normal na paghinga. Ito ay maaaring matamasa ng halos lahat ng may hika na walang side effects mula sa gamot. Ang pagkontrol ng hika ay maaaring makamit sa pamamagitan ng epektibong asthma management program na gaya ng sumusunod:

  • Pagbibigay ng kaalaman sa mga pasyente tungkol sa mga posibleng sanhi o "triggers" ng kanilang hika upang maiwasan ito(BR>
  • Pagbibigay kaalaman sa mga magulang at kamag-anak ng mga pasyente, lalo na ng mga bata, tungkol sa mga dapat gawin upang maiwasan ang pag-atake ng hika, at mga dapat gawin habang hinihika ang pasyente
  • Pagkakaroon ng epektibo at maayos na plano ng medikasyon

HOW TO COOK IGADO

Igado is an Ilocano dish made from sauteed pork meat and innards, and sometimes seasoned with green peas, potato strips, or strips of red bell pepper. It reflects the Ilocano's closeness to the sea, as its taste is characteristically salty due to the use of "patis" (fish sauce) or "bagoong" (fish paste).
The ingredients for

1
Hosted by www.Geocities.ws