| nagugulat pa rin ako kapag naririnig ang sariling tinig. Hindi ako sanay mabasa sa papel ang ibig sabihin. Gaya nito: Kita mo, hindi ako lumayo. Noong hapong sinabi mo: "hindi na tayo puwedeng maglaro," umuwi ako. Nagdilig ng halaman, gaya dati. Pagkatapos, pumunta ako sa gubat, inakyat ang kalumpang. Hindi ako madaling malula. Nahiga ako sa sanga at kinanta nang paulit-ulit ang "Sa Wakas" ng Eraserheads. Umuwi ako sa paglubog ng araw. Mag-uukit sana ako sa puno, pero alam mo, noon, wala talaga sa isip ko ang pagsusulat.##Isang araw, magigising ka at matatagpuan ang sariling hinahanap/ itong aking tula. Ibig mong makatiyak. Hahalughugin mo/ ang mga baul ng iyong alaalang nagnanaknak na sa anay./ At matatagpuan mo ito: nakaipit sa mga pahina ng aklat/ ni Francisco; naninilaw at halos malutong na sa pagkakatupi./ Susuyurin mo ang buong saknong, muli't muling babalikan/ ang bawat taludtod, hindi tatantanan ang bawat kataga--/ na para bang naghahanap ng sagot sa mga tanong/ na kapwa natin iniwasan. Nang una mong nabasa/ ang isinulat ko: "May rebelde saanmang bahagi ng mundo/ dahil hindi nawawalan ng nagwawala sa bawat kanto/ at nakasusulasok ang pagkabulok sa bawat sulol"--/tinitigan mo ako na para bang ibig mong mapasok/ |