|
KINABUKASAN?
Lahat naman ng tao ang gusto in the end maging successful at magkaroon ng maayos na buhay, sino ba naman ang ayaw ng ganitong pamumuhay. Mayroong mga matatanda na nagtatrabaho pa din meron din naman ang babata pa pero hindi nagtatrabaho. Tama na lahat lang ng mayaman sa bansa natin ang mas lalong pang yumayaman at ang mahirap ay mas lalong nalulubog. Ganito ko din nakikita ang mga tao. Yung mga masisipag na mas lalo pa din nagsisipag at yung mga katamtaman lang eh hindi halos nagbibigay ng effort. Nakakalungkot pero yaan ang katotohanan. Ikaw na nagbabasa neto, sa tingin mo sa paanong paraan mo mababago ang mga maling nakasanayan na natin. Para sa akin kasi mas mabuti na talaga magumpisa ng pagbabago sa sarili, hindi nga natin kayang pakiusapan ang lahat ng tao. hindi din naman lahat susunod sa atin. Ang maganda eh magpakita tayo ng magandang asal, kasipagan at determinasyon ng sagayon hindi man natin ipagsigawan sa buong mundo na kailangan natin magbago eh atleast naging halimbawa tayo at minsan na din tayong naging bayani sa ginawa nating pagpapakita ng magandang asal. Hindi pa huli ang lahat, may oras pa lalo na sa mga kabataang katulad ko na nag aaral pa din. God Bless us all!
|