Sabi mo mahal mo ko...sabi mo di mo ko iiwan..sabi mo hihintayin mo ko. Saglit lang akong nawala iba na kasama mo. andaya talaga...dahil ba sa mahal mo lang ako pag wala siya?
Ask ko si God, sabi ko "Bakit mo siya kinuha sa kin? binigay ko naman lahat?" Sabi niya "Di ka kasi nagtira para sa'yo" sabi ko, "Ganito po kasi ako magmahal." sabi niya, "Kaya pala lahat kinalimutan mo pati ako"
Sana akin ka para di ka iiyak. sana akin ka para di ka na masasaktan. sana akin ka para di ka na aasa pa. ngunit ang talagang nais ko'y Sana ako siya na minahal mo ng sobra sobra.
Minsan ang layo ng tingin mo. Sino ba'ng hinahanap mo? yun tao bang magmamahal sayo? yan ang hirap sayo eh! ang layo lagi ng tingin mo, ang tagal ko na dito...di ba pwedeng sa kin ka naman tumingin?
Iniwan kita di dahil ayoko na sayo. tinalikuran kita di dahil galit ako sayo, lumayo ako di dahil ayaw na kitang makita, umalis lang ako kasi ayaw ko nang umiyak habang nakikita kang masaya...sa piling niya.
Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo...muntik ko na sabihin na mahal kita...pero nung sasabihin ko na...napatigil ako dahil bigla mong sinabi...."lam mo mahal ko pa siya".
Mahal kita, mahal mo siya. Siya naman di ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo...tanga ka at siya naman, manhid....parang tayong dalawa...yun nga lang...ako yung tanga at ikaw naman yung manhid.
Ano ba 'to? ikaw na naman iniisip ko. Kaya ang hirap makatulog sa gabi eh, di kita makalimutan. Pero nakatulog din ako, alam mo kung paano? Sinabi ko sa sarili ko "Tanga, may mahal na yon...tulog ka na."
Mahirap umasa sa wala. Mahirap magmahal sa taong may ibang mahal. Mahirap ipagtanggol ang taong walang paki sa nararamdaman mo...at higit sa lahat, mahirap masaktan ng wala kang karapatan.
Sabi mo mahal mo ko, naniwala ako. Sabi mo hanggang katapusan tayo, umasa naman ako. Sabi mo di mo ako sasaktan, at nagtiwala ako sayo. pero bakit ganito, iniwan mo ako at niloko. pero okay lang, may magagawa pa ba ako? siguro lang talagang di ako para sayo.
Bakit ganito ang nararamdaman ko, sabi ko okay lang, kahit wala ka, kaya ko. sabi ko tigilan mo na ko dahil kaya kong wala ka. sabi ko walang kwenta sa kin ang nangyari sa tin...pero bakit ang sakit sakit ng nararamdaman ng puso kong nangungulila dahil sayo...bakit mahal pa rin kita?
I can't blame you if one day you'll walk out of my life but expect me to give up everything just to keep you in sight but if i fall, give me a chance to say, "Gagawin ko lahat, wag ka lang umalis"
Lahat ng tao nagbabago, lahat ng tao nagmamahal ng iba, lahat tayo masasaktan...iiwanan at kakalimutan...pero pag dumating sa kin ang araw na yon...pipilitin ko pa rin maalala yung araw na minahal mo ko.