Sabi ko noon di na ko masasaktan, sabi ko kakalimutan na kita, sabi ko di na kita mamahalin pa, na kaya kong gawin lahat yon. Kaso, bigla mo na lang sinabi...mahal kita, mahal mo pa rin ba ako?
Sabi nila mahal mo din ako, kayahinanap kita, yun pala may hinahanap kang iba, nung nagmakaawa ako, nagalit ka pa...haayyy, minsan na nga lang magmahal, pumapalpak pa...sorry ha, mahal kasi kita eh
isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan, at parehas tayong nahirapan. pero bakit ganon? sa huli, sino lang yung natira? ako lang di ba?
Sabi nila "iwanan mo na". sabi ko "ayoko". sabi nila "okay pa?" sabi ko "ayos lang". then tinanong nila ko isang araw "kaya mo pa ba?" napaluha ako habang sinasabi, "mahal ko eh, kaya kakayanin ko".
minahal kita noon pero pinabayaan mo. minahal kita ngayon pero binalewala mo, ngayon minahal mo ako, pinakawalan ko, bakit ngayon mo pa ako minahal, ngayong may mahal na akong iba?
sabi nila kung mahal mo daw ang isang tao, pakawalan mo. sabi naman ng iba kung mahal mo ang isang tao, mahalin mo ng lubos. pero di ba mas mahal mo ang isang tao kung...pasayahin mo siya sa piling ng taong mahal niya?
masakit sa kalooban ang lokoihn ka, ang paasahin ka, ang pagtaksilan ka, pero mas masakit sa kalooban ang...gamitin ka lang niya.
Sabi nila tanga ko daw kasi hinihintay pa rin kita, kasi okay lang sa akin kahit nandiyan siya, kasi wala naman akong magagawa para malaman mo na mahal kita. paano pag naging tayo? eh di masaya....isang manhid at isang tanga.
Alam mo miss na kita, kaso siya naman miss mo! lam mo mahal kita, kaso siya rin mahal mo! Siya na lang lagi! Kahit nasasaktan ka niya okay lang kasi mahal mo siya! Ang tanga mo no, parang ako!
If I only have one hour left to live and I'm with you that day...I'll lay my head unto your shoulders as I feel the breeze touch my skin and say " pasandal lang po muna ha? matagal po akong mawawala eh."
Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. totoo ba yon? paano kung hindi ka niya mahal? anong ipaglalaban mo? isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? mahirap yata yon ah!!! kaya mo ba? pero pag mahal mo talaga, kakayanin mo di ba?
Sana pag nakita mo na yung taong mahal mo, huwag kang magpakatanga, wag kang magpakamartir, wag kang magpakagago...ayokong makitang nahihirapan ka...tignan mo nangyari sa akin nung minahal kita....
Sabi nila, kapag mahal mo, lahat ibibigay mo...lahat gagawin mo...pero paano na lang kung hilingin niya na maghiwalay kayo...ibibigay mo ba kahit mahal mo pa siya?
Paano mo malalaman kung mahal ka niya? Simple lang....tumalon ka tapos sigaw mong mahal mo siya, pero kung di ka niya sasaluhin, wag kang mag-alala, ano ba'ng silbi ko? di ba tagasalo pag wala siya?