Florante at Laura
Home Tauhan Buod Mahihirap na salita Forms





Buod ng Florante at Laura
Pamagat ng Aralin Storya
Kay Selya Isang paghahandog sa babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso. Sinasabing nabuo ang akda sa panahon ng kapighatiang dinanas ni balagtas sa pagkabigo sa pag-ibig. Naging madamdamin ang mga salitang nakapaloob sa mga saknong nitohabang inaalala niya ang nakalipas nilang suyuan ni Maria Asuncion Rivera sa tuwing namamasyal sa ilog beata at namitas ng mangga. Binalikan niya ang mga masasaya at malululungkot na napagdaanan nila ng kanyang kasintahan. Bagamat hindi nagtagal ang kanilang pagsasamahan, nauwi sa kanaynag matinding pagdurusa, Gayunpaman, iyon ang nagsilang sa Florante at Laura.
Sa Babasa Nito Kaslaungat ng mga makalumang istilo ng awit, Si Francisco ay naiiba sa mga hipokritong manunulat, na nahihiya sa pag hingi ng paumanhin sa mga mambabasa, kung anuman ang diwa mg kanilang mga akda. Bagkus, nagbigay/tinuruan niya ang kanyang mambabasa kung papaano bashain at intindihin ang akda. Pinakiusapan niya na huwag babaguhin ang nilalaman nito dahil baka matulad kay Sigesmundo na kababaago ng nilalaman ay nawalan na ng lasa ito.Ipinahayag din niya na huwag basta-basta husgahan ang kaniyang akda, sa halip ay suriin muna itong maigi.
Gubat na Mapanglaw Nagsimula ang tagpo sa isang liblib na gubat na halos hindi nasisinagan ng araw dahil natatabunan ito ng mga malalaking puno ng higera. May mga baging din na namimilipit sa sanga ng kahoy na dumadagdag sa kapanglawan ng nakakasuka at mabahong amoy ng gubat. Nababalot ang buong kagubatan ng lagim at habag dahil sa gumagalang mababangis na hayop. Sa kalagayang iyon, may isang lalaki na nakagapos sa puno nasing gwapo naman ni Adonis. Maihahantulad mo ang itsura ng gubat sa itsura ng Pilipinas noong ito ay sakop ng Espanya. Lugmok sa kahirapan ang bayan dahil sa pag abuso ng mga prayle sa kanilang kapangyarihan. Ang pagkakagapos ni Florante doon ay inihalintulad ni Francisco sa kanyang kalagayan sa bilangguan.
Reyna sa Albanya Maayos na inilarawan ni Franciscoang kalagayan ng Albanya. Ito ay nababalot sa kasamaan dahil pinamumunuan ng sakim na si Adolfo. Inagaw niya ang trono sa hari sa pamamagitan ng dahas. ANg pagtataksil na iyon ay dulot ng kasakiman sa kayamanan at kapangyarihan. Nangingubabaw sa kaharian ng Albanya ang pag-iimbot ni Adolfo. Sadyang nagdurusa si Florante sa sinapit ng Bayang Albanya at nang kanyang ama na si Duke Briseo. Sa panaghoy ni Florante ay hindi niya maiwasan na maghinanakit sa Diyos dahil sa masaklap na sinapit. Ngunit sa bandang huli ay nanaig pa din ang kanyang pananampalataya sa Diyos, anumang pagsubok ang kanyang hinarap. Naipalam din ni Francisco dito ang kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng pananaghoy ni Florante. Lihim niyang naipahayag ang kanyang paghihimagsik laban sa maling pamamalakad.
Gunita ni Laura Naibsan ang pagdurusa ni Florante sa sinapit ng albanya at ng kanyang ama nang minsan naalala niya si Laura. Ang pag-iibigan nila nag nagsilbing panandaliang lunas sa nararamdamang niyang pighati. Si Laura lamang ang nagdudulot sa kanya ng ligaya sa napakahirap na katayuan ni Florante. Bawian man siya ng buhay, ang pag-iyak ni Laura sa kaniyang bangkay ay magbibigay sa kanya ng walang hanggang pagkabuhay. Ngunit balewala din ang lahat dahil nasa ibang kanlungan na ang kanyang minamamahal. Nawalan ng malay si Florante nang sumuko na ang kanyang puso sa sakit.
Sa pangungulila at matinding pagdurusa. Patuloy ang pagbuhos ng damdamin na may kasamang panigbuho dahil sa inakalang pagtataksil ng kasintahan. Hindi niya sukat akalain na sasayangin lang ni Laura ang pag-ibig na inalay niya para sa dilag. Ang buong pusong pag-aaruga, sa tuwing may digmaan siyang pupuntahan ay kanyang hinahanap. Sadyang walang makakalunas sa kahirapang dinaranas ni Florante sa pagaakalang nilimot na siya ng sinisinta. Walang kapantay na hirap ang kanyang sinapit. Naulila na siya, na Broken hearted pa ng kanyang sinisinta.
Pagdating ng Morong Gerero Di naglaon, may morong gerero na dumating na nagngangalang Aladin. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan, at nang makahanp ito ay na[pahiga lamang siya kasabay ng pagbuntong hininga at sinambit ang katagang �Flerida�� Hinanakit at galit ang kanyang nararamdaman sa kanyang ama na si Sultan Ali-Adab dahil inagaw niya si Flerdia sa kanyang piling. Ngunit sa kabila ng lahat, buo pa din ang pag �galang niya dito.
Duke Briseo- Ang Mapagkandiling Ama Si Aladin ay napaluha sa kanyang paghihinagpis. Nagkataong sinagot naman ito ng buntong hininga ni Florante. Sa pagkamangha, hinanap ni Aladin kung saan ito nanggaling. Si niya inakala na may ibang tao pa pala ang nasa masukal na gubat maliban sa kanya. Natagpuan ni Aladin si Florante at nadinig ang madamdamin na pagsambit ni Florante sa dinanas ng kanyang Ama.
Panaghoy ng Gerero Napakinggan ni Aldin ang hinanakit ni Florante tungkol sa sinapit ni Duke Briseo sa kamay ni Konde Adolfo at nakaramdam siya ng awa. Napagtanto niya na magkaiba sila ng sitwasyon. Si Florante ay inaruga ng mabuti at minahal ng kanyang ama�Samantalang siya ay inagawan pa ng minamahal.
Pamamaalam ni Florante May dumating na dalawang leon sa harap ni FLorante. Halos manhid na ang pakiramdam ni Florante sa harap ng mga mababangis na hayop. Palagay niya ay matatapos na ang kanyang buhay Malungkot siyang nagpaalam sa Albanya at sa kanyang sinisintang si Laura. Hiniling niya na san aay maging Masaya si Laura sa piling ng malupit na si Adolfo.
Ang pagkakaligtas ng lalaking nakagapos Sa aralin na ito, Ipinahayag dito ang pagtatapos ng masaklap na kaganapan. Ang pagliligtas ni Aladin kay Florante ay sumisimbolo ng kapayapaan at pagkakaisa ng magkaibang paniniwala. Magkalaban man ang kanilang bayan at sekta�Persya kay Aladin habang Albanya naman kay Florante, Hindi ito nagging hadalang para matulungan ni Aladin si Florante. Ipinaliwanag pa ni Aladin kay Florante ang ibig sabihin ng pagkakapatiran dahil nag-dududa pa nung una si Florante sa pagtulong ni Aladin. Hinanap agad ni Aladin ang kinarorooonan ng boses. Sadyang akma ang kanyang pagdating dahil aatakihin na dapat ng leon si Florante kung hindi lamang niya ito napigilan. Kinalag ni Aladin ang gapos ni Florante at inalagaan niya ito hanggang sa magkamalay siya ule. Nang magka malay si Florante, laking gulat niya ng mapag alamang nasa kandungan siya ng isnag Moro. Hindi niya akalain na ang Kalaban pa pala ng kanilang bayan ang mag aalaga sa kanya. Inalagaan siya ni Aladin hanggang siya ay balikan ng lakas.
Si Prinsipe Florante Nag-umpisa si FLoranteng magkuwento tungkol sa kanyang buhay. Binanggit niya ang kanyang muntik na mga kapahamakan. Isa na doon ang pagdating ng buwitreng mandaragit, kung saan siya nailigtas ng kanyang pinsan na si Menalipo at ang pag-aagawan ng kanyang mga lingcod sa mga hayop na kanyang natamaan sa tuwing siya ay naangangaso. Naisalaysay din ni Florante ang kanyang mapag arugang mga magulang na si Prinsesa Floresca at Duke Briseo.
Ang laki sa Layaw Naging ganap ang pagiging bata ni Florante dahil sa Masaya at mariwasang buhay na kanyang naranasan. Bagamat natatakot ang Duke sa kahihinatnan ng pagpaparaya sa anak ay napagpasyahan niyang ipadala ang anak sa Atenas. Labag man sa kanyang kalooban, alam niyang makakabuti ito sa kanyang anak. Alam niyang ang pakikipagsapalaran na ito ang huhubog sa pagkatao ni Florante para siya ay maging matibay at matatag.
Ang pag-aaral sa Atenas at pagbabalat kyo ni Adolfo. Malaking hamon kay Florante ang mamumuhay sa bagong kapaligiran. Gayunpaman, sa tulong ng kanyang guro na si Antenor ay madali siyang napayapa dahil naituturing niya itong pangalawang magulang. Nagging kamag-aral niya ang kababayang si Adolfo na mas matanda ng dalawang taon sa kanya. Popular si Adolfo sa kanilang paaralan dahil siya ay matalino at marangal, mahin hin kumilos ngunit hindi malamya. Isa siyang mabuting halimbawa para sa lahat, magaling makitungo sa tao. Ngunit iba ang pakiramdam ni Florante, hindi sila nagging magkaibigan at sa halip ay nagging matalik na magkaibigan sila ni Menandro. Ngunit di naglaon ay nalampasan na ni Florante ang kagalingan ni Adolfo. Natutunan niya ang pilosopiya, Matematika at Astrolohiya. Nailipat sa kanya ang karangalan ni Adolfo, Nakilala siya ng iba�y-ibang tao, matanda man o bata. Nang dahil dito, di nagtagal ay lumabas na din ang totoong ugali ni Adolfo. Nabuo ang kanyang galit kay Florante at nailabas niya lamang ito noong nagkaruon sila ng dulang trahedya kung saan gumanap si FLorante bilang Etyokles, si Adolfo bilang Polinese, at Menandro bilang Reyna Yokasta. Nagulat sila nang iba ang linya na sinambit ni Adolfo at bigla na lang niyang dinambahan si Florante. Nasundan ito ng isang malakas na taga na nasalo naman ni Menandro. Ang lahat ay nabigla sa pangyayari, umuwi si Adolfo matapos ito.
Pagkamatay ng isang ulirang ina Isang matinding dagok sa buhay ni Florante ang pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina. Ang puso niya ay halos madurog dahil sa matagal na niya itong hindi nakasama. Nasukat ang kanyang pagiging matatag sa sunod sunod na mabibigat na suliranin, at pakikipagpunyagi upang malabanan ang matinding kalungkutan.Nabalot ng lumbay ang buong paaralan. Nakiramay ito sakanya lalo na ang kanyang guro na si Antenor at kaibigang si Menandro. Ang pagdamay na ito�y nagpakita ng kahalagahan ng pagtulong sa mga nangangailangan.
Ang payo ng Dakilang Guro Makalipas ang dalwang buwan na paghihinagpis, isang sulat nanaman ang dumating upang sunduin si Florante. Sa pamamaalam ni Florante sa kanyang paaralan, Binigyan siya ng huling bilin ng kanyang maestro na si Antenor. Tungkol ito sa pagiging maingat sa kaaway. Huwag basta magtitiwala sa kunga non ang sinuman dahil hindi nakikita ang tunay na nilalaman ng kanilang puso. Madamdamin ang pagpapaalam ni Florante sa kanyang mga kamag-aral, lalo na s amatalik niyang kaibigan na si Menandro. Halos din a ito bumitiw sa pagkayakap sa kanya, at gusto ng sumama.
Pagbalik sa Albanya Agad na niyakap ni Florante ang kanyang nawalay na ama. Nadatnanan sila ng embahador ng baying Krotona sa ganoong posisyon. Dala-Dala niya ang isang sulat ukol sa paghingi ng tulong ng Monarkiyang Krotona dahil sa pagsakob ng isang hukbo na pinamumunuan ni Heneral Osmalik. Napangiti si Aladin sa pagsasalaysay ni Florante. Ikwinento ni Aladin kung papaano nadadagdagan, nababawasan ang mga kwento. Sinabi niya rin na kung gaano siya katanyag, ganuon di ang dami ng kaniyang paghihirap na dinanas.
Si Haring Linceo at Florante Humarap si Florante kasama ang kanyang ama kay Haring Linceo. Pagkakita pa lang ni Florante kay Haring Linceo, Bumilib na agad siya dito dahil sa mga katangian nito. Maayos naman na plinano ni Duke Briseo at Haring Linseo ang pagliligtas sa Krotona.
Prinsesa Laura- Ang unang pag-ibig ni Florante Sa pakikipag-usap ni Florante sa hari ay may kung ano siyang nasilayan na kaagaw ng isang diyosa ang ganda. Siya ang anak ni Haring Linceo na si Prinsesa Laura, inilarawan ito ni Florante bilang kapantay ng kariktan ni Venus, Kaakit-akit siya kung saan ang lahat ng lalaki ay maaring magsimulang mahumaling at humanga sa kanya hanggang sa ito ay mauwi sa pag-ibig. Unang tingin pa lamang ni Florante kay Laura, nabighani na agad ito at nalimutan niya bigla ang pagdurusa niya sa kanyang ina. Ipinahayag ni Florante ang kanyang pag-ibig kay Laura bago pa man siya umalis patungong Krotona.
Tagumpay sa Krotona Isang walang katulad na kaligayahan ang magtagumpay sa unang pagkakataon. Madugong labanan ang naganap upang mabawi ang krotona mula sa hukbo ni Heneral Osmalik. Natalo ni Florante ang Heneral at napatay ito. Ipinagdiwang ng buong siyudad ang panalo nina Florante at Menandro kasama ang hukbo ng mga mandirigma.
Ang kaguluhan sa Albanya Sila Florante ay nanatili muna sa Krotona bago bumalik ito sa Albanya. Ang siyudad ay nadatnan nilang sinakop ng mga moro ng Persya. Ang bandila ng mga moro ay nakasabit sa kaharian ng Albanya. Nailigtas ni Florante ang siyudad at napalaya ang lahat ng mga kadakilaan ng Albanya kasama si Adolfo. Napigilan din ng pagpugot sa ulo ni Laura nang minsan ay kanyang tanggihan ang pagsinta ng Emir sa Siyudad. Itinalaga ng hari si Florante bilang tagapagtanggol ng siyudad. Kasabay nito ay pagtanggap naman ni Laura sa pag-ibig ni Florante. Ngunit isang matinding paghahangad ang naramdaman ni Adolfo sa mga natamo ni Florante.
Ang Pagtataksil ni Adolfo Nagtamo ng maraming tagumpay si Florante sa lahat ng digmaan na kanyang pinamumunuan laban sa hukbo ni Heneral Osmalik, Miramolin ng Hukbong Turkiya at iba pa. Sa panahong iyon, May ipinadala sa kanyang liham si Adolfo na nagsasabing siya ay umuwi at ilipat ang pamamahala ng hukbo kay Menandro. Nang siya ay makauwi, Siya ay nahulog sa patibong ni Adolfo at ignapos agad siya at ikinulong ng labingwalong araw, di man lang siya binigyan ng pagkakataong lumaban. atsaka dinala sa gubat na kinalgyan niya ngayon. Ang pagnanasa ni Adolfo sa kapangyarihan at kayamanan, nag-udyok sa kaniya ang kataksilan sa sariling bayan. Pinilit niyang mapakasal kay Laura na nagdulot ng matinding pagdurusa kay Florante.
Si Prinsipe Aldin ng Persya Minsan, nasusukat ang katatagan ng tao sa mga pagsubok na kanyang pinagdadaanan. Pero may pagkakataong �di na niya ito mapaglalaban, tulad na lamang ng pagdurusa na dulot ng pag-ibig na inagaw. Ikwinento naman ni Aladin ang kanyang buhay bilang Prinsipe at bantog na anak ni Sultan Ali-Adab. Kung papaano siya napunta sa gubat, hanggang sa pagligtas niya kay Florante. Pinaalis siya sa Persya sa halip na pugutan ng hukbo dahil pinagbintangan sa pag-iwang ng hukbo. Hindi man siya nahirapan sa pakikidigma. Nanghihina naman siya dahil sa kabiguang nadanas niya ng mawala ang kanyang sinta na si Flerida. Ihinantulad ni Aladin si Flerida kay Diana, Tinatawag din siya bilang Houris ng mga propeta. Walang nagawa ang kanyang kagalingan sa pakikipaglaban para ipaglaban ang kanyang sinisinta.
Ang pagsinta ni Flerida Si Flerida naman, ikwinento kay Laura ang tungkol sa buhay niya. Ang kanyang pagsasakripisyo na tanggapin ang pag-ibig ng sultan para sa kalayaan ni Aladin. Lumikas siya sa araw ng kanilang kasal at naglagalag sa gubat hanggang sa nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo. Sa pagkaligtas nilang dalawa, ito ang nagsimula para maisakatuparan nag masayang wakas. Ngunit nauwi ito sa malungkot na usapan nang mapunta sila sa topic ni Duke Florante at Prinsipe Aladin.
Pag-ibig ni Laura Sa pagtatapo nilang apat ay kinuwento nil aura ang nangyari sa Albanyz. Isang panukala ang pinagkalat ni Adolfo na gugutumin ng hari at reyna. Dahil sa panlilinlang na iyon, nagtagumpay si Adolfo na mahugot ang hari sa trono. Ipinapatay niya ito sa kasama ang mga mararangal. Sa araw na iyon, si Adolfo ang pumalit sa paghahari. Gumawa ng sulat si Laura para ipagpaalam kay Florante ang nangyayari sa Albanya ngunit siya naming pagdating ng sulat ni Adolfo na nagsasaad ng siya�y pauwiin dahilan upang mahulog ito sa bitag ni Adolfo. Nang malaman ni Laura ang nangyari sa sinta ay binalak niyang magpakamatay ngunit dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat niya kasama ang hukbo at sinupil si Adolfo. Walang magawa si Adolfo kaya itinakas niya si Laura at tinangkang gahasain na siya naming pagdating ni Flerida at nailigtas ito.
Masayang Wakas Ang masayang wakas ay nagpapahiwatig ng tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan. Naging magkasundo ang magkaibang kapanalig. Isang matagumpay na pakikipagsapalaran sa harap ng mga pagsubok at pagpapasakit at namayani ang katahimikan at kapayapaan sa paghahari.